Meet-up.

11 0 0
                                    

II.

“Miss, okay ka lang? Buhay ka pa?” Pagtatanong ng basketbolero na yun.

“Aba malamang!” Galit na ako. Seryoso na to.

“Babawi ako, ano number mo?”

Binigay ko number ko at umuwi na kami.

1 Message Received: +63926*******

“Miss, okay ka na ba? Masakit pa ba noo mo?”

May nagtext. Aba, it’s a miracle. Puro GM lang kasi narerecieve ko. Mareplyan nga to.

 

To: +63926*******

“Sino ka?!”

Tapos nagreply agad.

“I’m Felix. Yung nakatama ng bola mo sa noo kanina sa game. I’m so sorry. I’ll make it up to you.”

“Ah, ikaw pala yun, medyo okay na siya. No major injuries, di naman ako nagkaroon ng sapak sa utak. Okay na ako.”

“Sige, see you tomorrow at the park. 3pm sharp.”

Rereplyan ko na sana, kaso naubusan ako ng load kaso Failed. Ang saya talaga oh. Hindi ako nag-uunli kasi wala akong katext.

Medyo nairita ako. Malamang!

Aba, ang kapal neto ah! Lakas ng loob makipagkita sa court, ni-hindi nga ako tinanong kung free ba ako bukas?! Grabe lang ah. Grabe lang talaga.

Pupunta na nga lang ako, pogi naman eh.

HIHIHI HALIPAROT.

*kinabukasan.*

Nagising ako ng alarm ko, since summer naman pinatay ko siya.

Tapos natulog nalang ako, pake ba nila? Eh summer naman,. Young, Wild and Free lang ang peg ko. Walang pasok at hawak ko ang oras ko.

9..

10..

11..

12..

1…

Ayan, nagising nako, pagkatingin ko sa phone ko..

10 Unread Messages

5 Missed Calls

Nakaka-culture shock. Wala akong ganyan dati, kaya hindi ako sanay. Pagkatingin ko sa lahat. Puro si Felix lang.

Ano, excited? 2pm pa lang naman ah.

WAIT.

2 PM?!!!!!

:O

Mabilisan akong naligo, nag-ayos at nagbihis, kasi 10 minutes ang walk papuntang park dito sa village. Sakto 2:50 nakaalis ako ng bahay.

Pagkadating ko sa park, may naaaninagan nako isang pogi. Ah baka siya na nga yun, pogi naman talaga yung reckless basketbolero na yun. Sus, gusto ko rin. Pakipot pa daw?

Ah, ayun oo nga si pogi nga! Kaso nakatalikod, at di ko pa alam kung siya yun, ay makalapit na nga lang..

 

Papalapit..

Ayan na malapit nako..

Lapit..

*BOOGSH*

“Ha? Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” We said that in unison.

Rebound. (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon