III.
“Ha? Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” We said that in unison.
Oo nga pala, nakabunggo nanaman ako. At sa kasamaang palad, siya si Bryce. Yung may gusto sakin since 1st year High School, ewan ko lang ngayon. Pogi siya ngayon kung tutuusin, kasi dati medyo nerdy. At sobrang weird niya at times. Niligawan niya ko noon, pero ayoko kasi hindi ko trip magkaroon ng lovelife at hindi ako interesado umibig. Kahit crush wala ako, ewan ko ba.
Minsan nagkakausap kami ni Bryce, pero saglit na text lang ganun. Kasi ineend ko rin kagad yung conversation namin. Puro siya likes at chat sa facebook. Pero ako, parang bestfriend lang turing ko sakanya.
Minsan nga gusto ko na ipakulo yung puso ko sa sobrang tigas neto at manhid, para lumambot naman.
“Ish, ano ginagawa mo dito?” Nagtatakang sabi ni Bryce.
“Ah, wala nagpapahangin lang. Ang init eh.” Sabi ko.
“Mas mainit kaya dito? Tirik na tirik yung araw oh. Mangitim kapa.”
“Hayaan mo na summer naman uso maitim, ikaw ano ginagawa mo dito?”
“Makikipagdate lang.”
“Ah sige, punta kana sa date mo. Ako din kasi may tatagpuin pa.”
Umalis nako, tameme.
HA? Tama ba yung narinig ko, Date? Medyo naging bato ako sa moment na yun. Alam ko dapat hindi ako affected kaso bakit… Ay, hayaan mo na.
Speaking of DATE. Ayun na si Felix.
“Felix!” Sigaw ko.
“Antagal mo, anong oras na?!” Pagsusungit na sagot nito.
Tinignan ko orasan ko, “HEHEHE. 3:30 na. Sorry.”
Bakit ko pa kasi nabunggo si Bryce.
Bryce POV.
Ang boring sa bahay, kung tutuusin pwede na magbigti. Pero syempre joke lang. Sawa nako mag PS4, PSP, xbox at mag-computer. Puro tapos ko na yung games. Siguro, oras naman para lumabas. Makapunta na nga lang sa Park.
Teka, si Ish yun ah? Tatawagin ko ba? Wag na lang. Baka balewalain niya ko.
San siya pupunta? Papuntang park yun ah. Sa kabilang street nako dadaan, mas malapit pa.
*BOOGSH*
Nagkabangaan kami ni Ish.
“Ish, ano ginagawa mo dito?” sabi ko, nagtataka talaga ako. Hindi nalabas to eh.
“Ah, wala nagpapahangin lang. Ang init eh.” Sabi niya ng malamig.
“Mas mainit kaya dito? Tirik na tirik yung araw oh. Mangitim kapa.”
“Hayaan mo na summer naman uso maitim, ikaw ano ginagawa mo dito?”
Hindi sa kalayuan, nakita ko si Felix, ano ginagawa ng pinsan ko dito? At bahagyang nakatingin siya samin ni Ish? Ang sama ng tingin niya. Binigyan niya ko ng tingin na alam ko na. Nakakatunog nako. Gusto niya si Ish,. Nandito siya para mag-date sila.
“Makikipagdate lang.” sabi ko.
“Ah sige, punta kana sa date mo. Ako din kasi may tatagpuin pa.”
Nagtutumakbo si Ish sa direksyon ni Felix. Mukhang nagmamadali.
Umalis na siya, at oo. Nakita ko na magkasama sila ni Felix. Pagkalapit nito, bigla siyang inakbayan nito.
Inakbayan.
Inakbayan.
Inakbayan.
..na parang girlfriend siya ni Felix.
Umalis nalang ako sa park, hindi ko nagustuhan yung nakita ko. Parang daig ko pa ang sinapak at binugbog sa nakita ko. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, mahal ko pa rin si Ish ngayon. Mahal na mahal.
Uuwi nalang ako.
Hindi ko na kaya ang nakikita ko, nasasaktan ako.
Oo na, mahal parin kita; Ish.
Felix POV
Maaga ako nagising, tinext ko si Ish. Siguro mga 7am. Maaga ako nagising eh. Ang hirap parin kasi mag-adjust sa oras dito, anong oras na kaya sa New York?
Ewan ko parang tuwang tuwa ako na inaasar ko siya.
First time ko lang naramdaman to. Yung mga past exes ko kasi, puro sapilitan. O kaya yung iba, dahil lang sa tukso. Pero never ko sila minahal. Trip lang ganun. Hay, ayoko na balikan ang nakaraan.
“Antagal naman magreply ng babaeng ‘to.” Bugnot na bugnot nako dito.
Mga nakarami narin ako ng text sakanya, pero walang text.
2pm na.
Ni-isang text wala.
Hay, makapunta na nga lang sa park. Siguro naman gising na yun, kundi siya pupunta..
Lagot siya sakin.
Papunta na ko sa Park, andito lang ako sa may tapat ng puno ng santol ba to o bayabas. Ewan ko. Basta puno. Basta may masilungan, ang init kasi. Tirik na tirik ang araw, tapos pinaghihintay niya ako.
Pero sige titiisin ko yung init.
Nag-alarm phone ko ng 3pm. Set na talaga yun.
Pagkalingon ko sa likod, medyo nasurpresa ako sa nakita ko.
Bryce was there.
My favorite cousin, Bryce Niccolo Romualdez-Alfonso.