"SYRANAH, mag-iingat ka," paalala ko sa sarili ko. Papasok na naman kasi ako sa paaralan. I was walking in the hallway nang may biglang humila ng buhok ko. I am always like this... bullied. I don't know why, but they are so insecure in me. Hindi naman ako kainggitang nilalang.
"Bitch! Slut! Ang landi mo!" Samantha shouted na parang mabibingi na ako.
Samantha Lopez is the Queen Bee ng campus at patay na patay kay Jacob which is heartthrob din ng campus.
Hinayaan ko lang siyang kalbuhin ako, why? Lalayuan ba niya ako kapag lumaban pa ako? I think no, mas pa nga siguro ang ipaparamdam at gagawin niya sa akin kapag lumaban pa ako. Sino ba naman ako kumpara sa kanya? Saka hindi naman ako nasasaktan kahit ano pa ang gawin niyang pambubugbog sa akin.
Pinagtatadyakan at pinagmumura niya ako. Maaga pa kaya walang masyadong estudyante dito at walang makakakita sa ginagawa niyang harassment sa akin. Marami na siguro ang pasa ko sa mukha ngayon. Ang aga-aga pa tapos ganito na naman ang bubungad sa akin. Sa lahat yata ng estudyante dito ay si Samantha ang may malaking galit sa akin kahit hindi ko naman siya ginagalit.
"How dare you to get near on him!" paulit-ulit niyang sigaw sa pagmumukha ko.
I'm not the one who was following slash getting near on him. Sa tingin niyo sino pa ba ang tinutukoy ko? Si Jacob na Prince Charming daw niya. Para namang kawalan 'yon.
Nananahimik nga ako rito tapos ginugulo pa niya ako. Si Jacob pa nga ang palaging sumusunod sa akin. Hindi naman sa pinagyayabang o feeler, sadyang nagsasabi lang ng totoo.
Pinagsasampal niya ako, but I am still wearing my poker face as always. Almost two months na niya itong ginagawa sa akin. Ayoko rin na magsumbong dahil ayokong lumaki pa ang gulong ito. Saka wala naman kasing kwenta ang pagiging over acting ni Samantha. It's a waste of time kung papatol pa ako.
"Samantha."
Isang malamig na tinig ang narinig namin galing sa likuran ko. Nakita ko ang mukha ni Samantha na gulat na gulat na nakatingin sa may likuran ko.
"Ah, J-acob," utal-utal na sabi ni Samantha.
Napahinto siya sa pambubugbog sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa hallway at kaagad na umalis doon. Dumeretso ako sa comfort room. Buti umepal ang loko. Thanks, but no thanks sa ginawa niya, hindi kami close para pasalamatan ko siya.
I'm not crying and why would I? Sanay na ako sa ugali ng mga tao. Ni-lock ko ang pinto ng comfort room. Wala rin namang tao sa loob. Tumingin ako sa salamin dito sa may dingding ng comfort room. Hindi na maipinta ang mukha ko sa dami ng pasa nito, hindi ito masakit o mahapdi. Para sa akin ay para lang itong makeup na nilagay sa mukha ko. In one blink, nawala lahat ng pasa ko sa mukha.
Ang warfreak talaga ng bruhang iyon. Hindi ko aakalaing masasapian talaga siya ng demonyo. Seryoso? Dahil lang kay Jacob ay nagkaka-ganoon na siya? Ano ba ang mga nangyayari sa mga tao ngayon?
Pinaandar ko ang gripo ng tubig sa may harapan ko at nanghilamos ng mukha. Humarap ako sa salamin na basang-basa pa ang buong mukha ko.
"Damn!"
Tiningnan ko ang anyo ko, ano ba ang problema? I was wearing an eyeglasses, but hindi kalakihan. I have my black hair na naka-pony tail and a black beauty skin.
Mukha naman akong tao hindi ba? I'm not a nerd pero tinatrato nila ako na mas pa sa isang nerd. Well, si Samantha ang worst talaga. Hindi ko talaga alam ko ano ang kasalanan ko sa kanila dahil tahimik akong nilalang at hindi ako nanggugulo.
"F*ck! I hate this life!" may diin kong sabi habang nakatingin pa rin sa salamin.
Mula noong nakatungtong ako ng Senior High School ay palagi na lang kamalasan ang nangyayari sa buhay ko dahil sa bwesit na Samantha na iyon. Hindi naman sa maswerte ako noong hindi pa ako nakatungtong sa Senior High School, mas nga lang ang kamalasan ko ngayon.
Bata pa lang ako, people keeps avoiding me dahil malas ako sa mundo kaya I also distance myself from them dahil baka mas isumpa nila ako.
Hindi ko sila tinatrato ng masama pero tinatrato nila akong malas. Nag-aaral ako ng maayos sa paaralan na ito at nagbabayad ako ng tama sa tuition kahit ang mahal ng bayad, but still—napasabunot naman ako sa buhok ko, walang hiyang buhay naman ito oh! Bakit ako pa ang pinagti-tripan ng mundo?
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng uniform ko kaya kinuha ko 'yon at tiningnan ito.
Travious calling...
Sinagot ko naman ito.
"Lady? I have a good news."
"Spill it."
"I found a school that fully fit on you."
"What school?"
"Where non-humans exist."
"K."
Call ended.
Travious Zarc—ang taong nagsisilbi sa akin for almost fifteen years? Actually marami siyang alam sa mga katulad ko pero sabi niya 'I am special' daw. Minsan napapaisip nga ako kung katulad ba ako ng mga tao na special child, e wala naman akong deperensiya. Tinutulungan din niya akong makilala ang sarili ko pero no use pa rin dahil siguro dapat ako mismo ang magtuklas ng katauhan ko.
He acts that I'm his Lady or what dahil malakas nga raw ako at dapat galangin. Nakakailang nga minsan dahil he is my guardian pero feeling ko amo niya ako. I owe him for everything dahil wala na sana ako ngayon kung hindi niya ako nakita na palakad-lakad sa kalye.
In-ampon niya ako dati cause I have no parents at all. Nakita lang niya ako na palakad-lakad sa kawalan. I was three years old that time. Lahat ng mga kailangan ko ay ibinibigay din niya and I know someday, magagantihan ko rin ang mga iyon. We're not that close dahil minsan lang naman kami magkita sa bahay niya. He was a busy person.
Nakarinig ako ng katok sa may pinto mula sa labas ng comfort room. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas dahil baka may bumungad na naman sa akin na bully, mas maganda kung ready na ang mukha ko sa mga sampal at sabunot nila.
"Syranah." Bumungad sa akin ang isang lalaki na malungkot ang mukha. Problema niya?
"What do you want?" tanong ko. Ayoko sa lahat ang sinasayang ang oras ko.
"Sorry."
As usual and as always, iyan ang palagi niyang sinasabi sa tuwing magkikita kami. Trip yata niyang maging sirang plaka, paulit-ulit na lang.
Oo nga pala, ang kaharap ko ay si Jacob. Yes, the one and only heartthrob daw ng campus.
Hindi naman siya gwapo, mukha pa rin naman 'yung mukha niya.
He's my ex-childhood bestfriend. Yes, ex talaga. Close kami dati at simula pagkabata pero dati na iyon. Ex ko na siya at dapat kinakalimutan ang Ex hindi ba?
"For what? For leaving me down?" Diniinan ko talaga ang salitang 'leaving'. Natahimik naman siya, he's my childhood bestfriend dati, but he changed a lot and the painful thing in that is pinagpalit niya ako sa kasikatan niya! How stupid!
Jacob is a nerd dati pero noong sinabi ko na mag-ayos siya kahit kaunti ay lumitaw ang kagwapuhan daw niya. Hindi ko naman itatanggi na kahit nerd siya ay may mukha pa rin siya. Naging famous siya at maraming babae correction—maraming malalandi ang humahabol sa kanya. I'm happy for him, but he leave me down—alone. Masakit 'yon.
Ayaw niya kasing madikit sa isang loser slash commoner na kagaya ko. Simula nang sumikat siya ay nagbago lahat. Nagbago na rin pati ugali niya. Hindi ko na siya makilala.
"Sy! I didn't leave you! I'm always here and you keep avoiding me!"
Diniinan niya ang pagkasabi niya sa mga salitang iyon. Alam ko... alam kong may rason siya sa bawat desisyon at kilos na ginagawa niya. Kilala ko siya pero mas mabuti na rin na hindi ko siya pakinggan muna.
Yes, I keep avoiding him dahil sa mga fans niyang babae, lalo na si Samantha. Ayoko ng gulo at mas lalong ayokong ginagalit ako dahil baka may maggawa pa akong hindi maganda, iniiwasan ko talaga ang bagay na iyon.
Lumakad na lang ako patalikod at bago ako tuluyang makalayo sa kanya ay huminto muna ako saglit at nilingon siya.
"You're always late when I need you."
Nandiyan nga siya pero palagi namang late at epal. Buhay nga naman. Narinig ko naman siyang nagmura, but I didn't bother to look back. Wala rin naman akong mapapala kung lilingon ako. I need some air.
Deretso akong naglakad papunta sa likod ng school kung saan may mga puno. Umakyat ako sa isa sa mga puno na nandoon. It's my hobby. Ganito ako lagi kapag may problema o may dapat akong isipin. Dito ako pumupunta para ilabas ang sama ng loob, lungkot, stressed, at kung ano-ano pa na nararamdaman ko. Pumwesto ako sa sanga ng puno na inakyatan ko at saka humiga doon. Hindi naman ako mahuhulog cause I can balance myself. Sanay na e, kaya nababalanse ko na ang katawan ko sa paghiga sa puno.
Hindi muna ako papasok ngayon kasi baka makita ako ni Samantha na walang galos at baka kung ano pa ang isipin niya, ganoon naman ang mga tao hindi ba? Mapanghusga. Baka tuluyan na niya talaga ako o baka naman mahimatay siya dahil ang effort-effort niya sa pambubugbog sa akin tapos wala siyang makitang kahit maliit na maliit na galos sa akin.
Tumingin ako sa itaas at pinagmasdan ang langit. Medyo makulimlim na ang kulay ng kalangitan ngayon. May naalala naman ako.
"TRAVIOUS!" natatarantang sigaw ko. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa doon si Travious. Nanlaki ang mata niya nang makita ang apoy na nasa katawan ko. Hindi ako umiiyak pero natatakot ako.
"What's happening to me?!"
Pinalilibutan ako ng kulay asul na apoy. Hindi naman ako naiinitan o nasasaktan pero natatakot ako na makasakit.
"Relax, Lady. Calm down. Just breathe in and breathe out," pagpapakalma sa akin ni Travious. Sinunod ko naman siya at unti-unting naglalaho ang apoy na bumabalot sa katawan ko. Agad akong nilapitan ni Travious at niyakap.
"It's okay, Lady. Everything will be okay now." Niyakap ko rin siya pabalik at naging kalmado na ako.
I was six years old that time. Akala ko nga masusunog ko pati ang bahay ni Travious. Nangyari pala ang bagay na iyon dahil hindi ko makontrol ang kapangyarihang mayroon ako. Galing ako sa school noon at inaway ako ng mga kaklase ko kaya umuwi ako ng bahay na galit dahil hindi ko sila malabanan. Ayokong makasakit ng tao at ayokong magamit sa masama ang kung anong mayro'n ako.
Nakakatawa lang isipin. Bakit naiiba ako sa lahat? Yes, I'm not human. Matagal ko nang alam iyon kasi ginagamit ko ang ability ko sometimes to protect myself. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masama ang paggamit ng ability. Madalas nakakatulong nga ito.
Ability? Magics? Do it exist? Of course yes and I am the proof. I am alway careful with my ability dahil kapag may nakaalam tungkol sa kakayahan ko, ako ang mapapahamak. Alam niyo naman ang ginagawa ng mga tao kapag naiiba ka hindi ba? They will do experiments.
Kanina? After I heal my wound nakita ni Jacob iyon hindi ba? I mean, nakita niya na wala akong pasa paglabas ko ng comfort room. Ang mga pasa ko na galing ay Samantha ay hindi niya nakita kaya hindi siya nagtaka. Nakayuko ako kanina nang umalis sa hallway saka hindi niya masyadong nakita ang pambugbog sakin ni Samantha dahil kakarating niya at hindi niya nakita na may mga pasa ako sa mukha.
Pinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Tanging hangin at huni lang ng mga puno at halaman ang naririnig ko.
I don't know what I am. I don't know what power I have. Hindi specific ang ability ko ayon kay Travious. Basta ang alam ko lang is—I'm not an ordinary creature.
Naramdaman kong nag-vibrate ulit ang phone ko. Kinuha ko iyon sa backpack ko. Yes, may backpack ako, nag-aaral kaya ako. Tiningnan ko ang screen ng cellphone and another call with Travious na naman. I clicked the answer button.
"Yes?" bungad ko.
"Lady? Na-enroll ko na po kayo at aalis tayo kapag ready ka na. Naayos ko na rin ang papers na mga kakailanganin mo sa paglipat ng paaralan," sagot niya sa kabilang linya.
"Sasama ka?"
"Nope, ihahatid lang po kita. I have more things to do in this world."
"Okay."
Pinatay ko na ang tawag. I wonder what school is that. Nakasawa na rin kasi ang paaralan dito. Travious said that I was fully fit in that school? Where non-humans exists? Well, that sounds interesting.
BINABASA MO ANG
The Underworld Goddess Heart [PublishedUnderTDPPublishingHouse]
FantasyMay kapangyarihan siya, alam niya iyon umpisa pa lang. Marami ang ayaw sa kanya, marami ang nanlalait sa kanya, at iniwan na rin siya. Ganoon na lamang ba ang buhay niya palagi? Paano kung papasok siya sa ibang mundo? Sa mundo kung saan siya nababag...