Chapter 2

4K 96 0
                                    

   
   
    MATAGAL nang sinabi sa akin ni Travious ang tungkol sa kakaibang paaralan na nabalitaan niya. Sabi niya ay dapat doon ako mag-aral pero ayoko. Until binuksan niya ulit sa akin ang topic na iyon kaya pumayag na ako. I'm not curious or what. Gusto ko lang na lumayo na sa mundong ito at pumunta sa mundo kung saan ako nababagay. Kaso, doon nga ba ako nababagay?
   
    Napatigil ako sa pag-iisip nang makaramdam ako ng enerhiya mula sa ibaba kaya napatingin ako doon. I can sense powers pero depende iyon... depende kung gaano kalakas ang enerhiya. Kapag mahina, hindi ko ito kaaagad na mararamdaman. Pagtingin ko sa baba ay nanlaki ang mga mata ko.
   
    "Jacob?" pabulong kong sabi nang makita kung sino ang nasa ibaba ng puno.
   
    May nararamdaman na talaga akong kakaiba sa kanya noon pa pero hindi ko ito pinansin dahil tao nga siya.  Hindi ko rin matukoy iyon dati kasi parang iba at mahirap tukuyin ang enerhiya na iyon.
   
    Nakatingin lang ako sa gawi niya and now, he was controlling the plants around him. Pero natuon ang pansin ko sa isang bulaklak na pinamulaklak niya pero nag-iba ito. Imbis na kumulay ng maganda ay bigla na lang itong naging itim at namatay.
   
    "Is he crying?" Para na akong baliw dito dahil bumubulong mag-isa sa itaas ng puno.
   
    I saw his tears falling out from his eyes. Gusto ko siyang lapitan. Of course, I'm still his bestfriend no matter what. We have many promises together, I will not broke it, hindi ako katulad ng tao. He was already forgiven. I just need some time to think at ayoko rin munang lumapit sa kanya dahil na rin kay Samantha. I really feel sorry for him. Napabuntong hininga naman ako at naisipang umalis na lang doon. Nag-teleport na lang ako pauwi, ayoko nang pumasok this day. Nakakapagod at nakakabaliw.

    Yes, I can do teleportation.
   
    Nakauwi naman ako ng maayos. Actually nag-teleport ako deretso sa kwarto ko at humiga doon. Tumingin ako sa kisame at ilang minuto lang ay ginawa ko na ang pinakapaborito kong hobby... ang sleeping.
   
   
   
    KINABUKASAN, maaga akong nagising at nasa school na ako ngayon. Pinapapunta kasi ako ng Dean ng school para kausapin tungkol sa pag-transfer ko ng ibang school.
   
    Nasa hallway na ako at pansin kong walang tao sa paligid. Medyo malapit nang mag-umpisa ang klase pero wala pa akong nakikitang estudyante sa paligid.
   
    Napahinto ako nang may mapagtanto, iba ang kutob ko at alam kong hindi maganda iyon.
   
    Makatapos ang ilang minuto ay may naramdaman akong pagkain na inihagis sa akin. Isang pizza.
   
    Pagkatapos no'n ay nagsunod-sunod na. Mga pancakes, itlog, juice, prutas, at iba pa. Mukhang lahat na yata ng pagkain sa canteen ay naihagis na nila.
   
    Oo, maraming estudyante sa paligid at sila nga ang naghahagis sa akin ng mga kung ano-ano. Alam ko namang may pasimuno sa mga nangyayari ngayon at kilala ko siya. Wala ba talaga siyang matinong gagawin?
   
    "Oh? Syranah. Ano? Okay lang ba ang surprise namin sa'yo? Balita namin aalis ka na sa school kaya heto, may ginawa kaming farewell party sa'yo," may ngising sabi ni Samantha. Sumulpot lang siya sa kung saan.
   
    "Ano? Wala bang thank you? O baka naman iiyak ka riyan sa kinatatayuan mo?" natatawa niyang sabi. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon.
   
    Ang mga estudyante sa paligid ay tumatawa at nagbubulong-bulungan. Anong pakialam ko sa kanila?
   
    "Aalis ako sa paaralang ito kaya sana naman, Samantha... matuto ka. Matuto kang mag-move on at magpakabait. Matuto ka rin sanang tanggapin na kahit ipagsisikan mo ang sarili mo kay Jacob ay hindi ka niya magugustuhan," seryoso kong sabi dahilan para tumaas ang kilay niya.
   
    "Huwag mong pangarapin na iiyak ako sa harap mo dahil hindi iyon mangyayari. Huwag kang magmalinis at pa-victim dahil masama iyon," dagdag ko pa bago tuluyang naglakad at nilagpasan siya.
   
    Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at umalis na roon. Nandito ako para sa Dean at hindi para sa mga taong ayaw sa akin.
   
    Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko na magustuhan nila dahil alam kong hindi nila ako deserve.
   
    Tinungo ko muna ang comfort room. Walang tao doon kaya ni-lock ko ang pinto at pumasok sa isa sa mga cubicle ng comfort room. I snapped my fingers. Nawala lahat ng mantsa at dumi sa damit at katawan ko.
   
    Lumabas ako ng cubicle at naghugas ng kamay sa gripo. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng comfort room.
   
    Paglabas ko ay bumungad na naman sa akin ang mukha ni Jacob, mugto ito at halatang galing sa pag-iyak.
   
    "Ano na naman ang kailangan mo?" kalmado kong tanong sa kanya.
   
    "I'm sorry. Hindi kita iniwan Sy, ginawa ko lang iyon para hindi ka pag-initan ng mga babae sa campus. Ayokong mapahamak ka at alam kong ayaw mo rin na pagkaguluhan nila. Lalo na si Samantha," pabulong niyang sabi pero rinig ko pa rin.
   
    "Ganoon pa rin ang kinalabasan, Jacob. Ginugulo ako ni Samantha kahit lumalayo ka na sa akin. Don't worry, I will distance myself. Sa susunod na magkita tayo, huwag kang magbago. Wala ka namang kasalanan talaga, I'm just disappointed at you. Be safe always," sabi ko at iniwan na siya roon.
   
    Dumeretso ako sa office ng Dean at nag-usap lang kami tungkol nga sa paglipat ko. Nalulungkot ang Dean dahil mawawalan na raw siya ng isang pinakamatalino sa school. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin.
   
    Nagpaalam na ako at lumabas na ng office niya. Tahimik na ang buong hallway dahil nagsimula na ang klase. Mabuti iyon para naman kahit papaano ay maging tahimik ang pag-alis ko.
   
    Mga ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating din ako sa gate ng school. Lumabas ako at tiningnan ulit ang gate ng school.
   
    "Feerya University..." banggit ko sa pangalan ng paaralan.
   
    Marami na rin akong na-experience sa school na 'to at hinding-hindi ko iyon kakalimutan. Kahit mas marami ang masasama eoon ay kasama pa rin iyon sa mga ala-ala ko dito kaya hindi iyon basta-basta mawawala. Inayos ko ang salamin ko at naglakad na papalayo sa school ko dito sa mundo ng mga tao.
   
    Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa bagong papasukan ko pero sana, hindi iyon masama. Gusto kong mag-aral ng matiwasay.
   
    Sumakay ako ng taxi at umuwi sa bahay ni Travious. Paghinto ng taxi sa harap ng gate ay nagbayad na ako at bumaba. Pumasok agad ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto ko.
   
  
   
    IT'S already 4:11pm. Kumukulo na ang sikmura ko. Wala nga pala akong lunch kanina dahil natulog ako. Nag-teleport agad ako papunta sa kusina.
   
    Nakakatamad mag-hagdan lalo na't napakalaki ng bahay na ito. Saka wala namang makakakita dahil wala namang maid o driver dito. Kami lang dalawa ni Travious ang nakatira sa mansiyon na ito.
   
    Oo, mansiyon nga ito. Malaki ang bahay pero dalawa lang ang nakatira, ang cool hindi ba? Tss.
   
    This mansion is located near the forest. Wala kaming gaanong kapitbahay. Medyo malayo-layo rin ito sa school.
   
    Nagko-kotse ako minsan, I can drive. Ang sosyal kong nerd 'di ba?
   
    I'm not the owner of the house. Si Travious ang may-ari ng malaking mansiyon na ito inshort, nakikitira lang. Well, I'm his adopted kaya may karapatan naman siguro ako 'di ba?
   
    May papeles siya na nagsasabing adopted niya ako.
   
    I have nothing in this world that's why I treasure myself so much. Kahit parang walang kwenta ang buhay ko ay mahal ko pa rin ang sarili ko.
   
    Hindi naman ako nagsisisi or nalulungkot sa mga kamalasang dumadating sa buhay ko. Wala rin kasi akong pakialam.
   
    Mas sasakit ang ulo ko kapag pinoproblema ko iyon.
   
    Saka kontento na ako sa sarili ko. Hindi ako naghahangad ng mas pa na mga bagay-bagay except lang sa pagkain. Syempre kailangan ko ng pagkain para mabuhay.
   
    It's better to be alone than to be with those people who can't accept the real you. Isa 'yan sa motto ko.
   
    Baka nga tatawanan lang nila ako kapag sinabi ko kung may power-power chuchu ako, so why bother?
   
    Hindi ko sasayangin ang laway ko sa pagsasalita para tawanan lang nila.
   
    Nagsimula na akong magluto, marunong akong magluto kahit hindi halata and I'm enough to be an independent person kaso in the house nga lang.
   
    Well, puwede rin sa labas pero gumagamit ako ng ability. Hindi naman unfair iyon sa tao kasi may ability ako kaya ginagamit ko iyon at ang mga tao, wala. Hindi unfair kasi nakukuha pa rin naman ng tao ang mga gusto nila.
   
    Hindi rin naman ako umaasa kay Travious, sadyang ginagawa lang niya iyon nang may pagkukusa like binibigyan niya ako ng allowance, pinaaaral, binibilhan ng mga gamit, at kung ano-ano pa.
   
    Mayaman siya dahil may marami siyang negosyo. By the way, he's forty-seven years old na, but in human formation he looks like twenty-one. Ang ability ni Travious ay ang magpalago ng negosyo, ewan ko kung ano pa ang ibang abilities niya. Hindi ako nagtatanong kaya hindi rin niya sinasabi.
   
    I'm seventeen years old, but they said para daw akong fifteen years old.
   
    I don't care kasi nananahimik ako dito, hindi ko sila pinapakialaman kaya 'wag rin nila akong pakialaman.
   
    After some minutes, naghain na ako. Adobong manok with leche plan lang ang niluto ko. Umupo ako at kumain ng mag-isa sa mesa. Palagi akong naiiwan dito sa bahay, palaging may lakad si Travious about sa businesses niya and that's why sanay na akong mag isa.
   
    Maganda rin kapag sanay ka ng mag-isa kaysa 'yong umaasa ka sa iba o kaya mamamatay ka kapag mag-isa ka. Well, wala pa naman akong nababalitaan na namatay dahil sa pag-iisa.
   
    Siguro may namamatay nga pero choice rin nila iyon. Basta kayo na lang ang umintindi.
   
    Hindi ko rin naman kailangan ng atensyon o pansin ng kung sino, gusto ko lang maging tahimik ang tahimik kong buhay. Mas maganda rin ang mapag-isa dahil wala kang proproblemahin sa mundo.
   
    Fourteen years in this world is good, but fourteen years in school feels hell!
   
    Kahit may ability ako, na i-stressed pa rin naman ako minsan.
   
    Ang tagal ko na sa mundong ito kaya dumidikit na sa akin ang mga stress, malas, kasamaan, or what.
   
    I am three years old nang makita ako ni Travious sa kung saang lupalop ba iyon. Fourteen years na rin akong nag-aaral sa mundong ito. Minsan hindi ko maintindihan ang mga tao, nag-aaral na nga sila pero may tanga, maldita, laitera/laitero, at mga chismosa/chismoso pa rin.
   
    Kasama kaya sa pinag-aaralan ang mabuting ugali 'di ba? Tss.
   
    Hindi rin ako masama para gamitin ang powers ko sa mga nanglalait, nambubully, at nananakit sa akin. I'm using it for good purposes.
   
    Ano pang silbi ng pinag-aralan ko 'di ba? Sayang naman kung hindi ko gagamitin sa tama.
   
    Pagkatapos kong kumain ay nagligpit na ako ng kinainan at naghugas na rin saglit ng pinagkainan. After some minutes ay natapos na rin ako sa mga gawain sa kusina. Tumungo ako sa kwarto without using teleportation.
   
    Naglakad ako sa hagdan.  Ang tahimik talaga ng bahay. I feel so free this time—as usual.
   
    Nakarating rin ako sa tapat ng kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at dumeretso sa may kama.
   
    Kinuha ko ang guitar na nasa may gilid ng kama ko. Umupo ako at nagsimulang tumugtog. Marunong akong tumugtog ng gitara dahil nag-aral ako. Hindi ako kumakanta, tumutugtog lang. Natapos na ang kanta at nakaupo pa rin ako sa sahig. Naka-indian seat ako ngayon habang nakatingin sa kawalan..
   
    Ilang sandali lang ay ibinalik ko ang guitar sa gilid at tumayo.
   
    Napahiga ako sa kama at muling pinikit ang mga mata. Madalas 'yong tulog ko dito is one day minsan naman one and a half day ako nagigising, siguro dahil hindi ito ang tunay kong mundo.
   
    Nakapagtataka lang, si Travious sakto naman ang tulog niya. Siguro sanayan lang.
   
    Napamulat naman ako nang mapagtanto na hindi pa pala ako nakabihis. Kailangan ko munang maligo at magbihis para fresh ang tulog ko.
   
    Bumangon ako at dumeretso sa comfort room ng kwarto ko para maligo.
   
    After many minutes ay natapos din naman ako sa ginagawa ko sa loob ng comfort room. Lumabas ako at umupo sa kama. Sinimulan ko nang patuyuin ang buhok ko.

    Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng kama kung saan may drawer. Nakapatong sa drawer ang orasan at katabi naman nito ang lamshade.

    "Six o'clock," bulong ko.

    Tumayo ako at tinungo ang cabinet para pumili ng susuoting pantulog.

    "After this, matutulog na naman ako," pailing-iling na sambit ko.

The Underworld Goddess Heart [PublishedUnderTDPPublishingHouse]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon