Chapter 3

6.8K 197 2
                                    

    NAPABANGON ako sa katok mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.
   
    "Lady, Be ready. 6:00am ang alis natin." If I'm not mistaken, it's Travious. Tiningnan ko ang orasan na nasa tabi ng kama ko.
   
    Timecheck—5:17am—It's to early.
   
    Bumangon na lang ako at naligo. Nag-ayos ako ng sarili bago dumeretso sa baba. Mas mabuti ng maaga kaysa late. Ngayon pala kami aalis dahil ihahatid niya ako sa bagong school na sinasabi niya. Nakasuot ako ng red t-shirt na may nakalagay na 'don't mess up with the demon', tapos black jeans at red rubber shoes.
   
    Wala akong nadatnang Travious sa sala kaya dumeretso ako sa kusina. May nakita akong pagkain na nakahain sa mesa. Hotdog, egg, and sandwich. Kinuha ko iyon at kinain. I think si Travious siguro ang nagluto. Nang magkalaman na ang tiyan ko ay tumingin ako sa orasan na nakadikit sa may dingding ng kusina.
   
    5:57am? Ang bilis naman yata ng oras? Nag-teleport agad ako sa kotse na gagamitin ni Travious sa paghatid sa akin. Bigla namang bumukas ang pinto ng kotse ng backseat. Nagulat si Travious nang makita ako.
   
    "Oh? Lady, ang bilis mo yata?" Syempre dapat on time hindi ba? Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita.
   
    "Hahaha you know Lady,  I think you have to change that attitude of yours, malay mo baka magkaroon ka pa ng kaibigan."
   
    "I don't need it." Sinuot ko na lang ang earphones ko. Napailing-iling naman siya at tinungo ang driver's seat. Isinarado ko na rin ang pinto na binuksan niya kanina, may nilagay yata siya. Hindi na ako nag-abala pa na tingnan kung ano iyon dahil mukhang mga gamit siguro 'yon para sa negosyo niya.
   
    Nagsimula na siyang magmaneho nang makapasok siya sa kotse—sa may driver's seat habang ako naman ay nakikinig lang ng music. Dinala ko ang cellphone ko para hindi ako mabagot sa biyahe.
   
    After a while ay biglang may portal na lumabas sa harap namin. Pumasok doon ang kotse kasabay nang pag-iba ng paligid.
   
    Halos halaman at punong kahoy lang ang nakikita ako nang makapasok kami sa.portal. Nasa gitna ng gubat ang Academy? Well, iyon naman kadalasan kapag hindi ordinaryo—malayo sa tao. Actually, wala akong dalang bagahe or backpack na may damit, I can make my own clothes.
   
    Yes, may ability ako na kayang gumawa ng mga bagay-bagay in just a snap. Kaya kong gumawa ng kahit ano—pagkain, armor, gadgets, o kaya ay tao. Yes, I can make human in just a snap. Hindi naman tao ang nag-aaral sa paaralang sinasabi ni Travious kaya hindi na ako nagdala pa ng damit. Using abilities is allowed there kaya gagamitin ko ang ability ko. What is the use of it kung hindi gagamitin 'di ba?
   
    Sa buong biyahe ay nakikinig lang ako ng music. Pinikit ko rin ang mga mata ko at hindi ko namalayang hinila na ako ng antok.
   
  
   
    "LADY? Gising na." Napamulat naman ako ng mata sa boses na narinig ko.
   
    "Hanggang dito na lang ako, Lady."
   
    Tumango naman ako at bumaba na ng kotse. Nagpaalam na sa akin si Travious. Pinagmasdan ko lang ang kotse niya na papalayo na sa kinaroroonan ko.
   
    Hinawakan ko ang cellphone ko at bigla itong nawala kasabay ng earphones na hawak ko. Humarap ako sa may entrance yata ng school. May malaking gate sa harap ko at mukhang gawa ito sa silver. Napaatras naman ako.

S-Silver?

Pinakalma ko naman ang sarili ko dahil mukhang hindi naman siguro nakakamatay ang gate na gawa sa silver sa harap ko.
   
    Sarado pa yata ang gate. Napabuntong hininga naman ako sa kinatatayuan ko habang naghihintay kung kailan bubuksan ang gate. Tumingin ako sa paligid at hindi lang pa ako ang nag-iisa na naghihintay na bumukas ang gate sa harap ko.
   
    Ilang sandali lang ay bigla rin namang bumukas ang gate at nakita kong pumasok na ang iba. I think they are also a freshmen here. Inayos ko muna ang eyeglasses ko bago pumasok nang tuluyan sa loob.
   
    Yes, I am wearing an eyeglasses. Hindi ko ito hinuhubad. Feeling nerd? Nope, I'm just comfortable wearing it. Hindi rin sumagi sa isip ko na mag-ayos dahil abala lang iyon.
   
    Pagkapasok ko sa loob ay inikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga nilalang sa paligid, bakit? Dahil ba wala akong bag? O dahil sa itsura ko? O baka naman sa print na nakalagay sa t-shirt ko? Hindi ko na lang sila pinansin. Okay lang kung judgemental sila basta hindi lang katulad ni Samantha na nananapak at nambubugbog.
   
    Nagsimula na akong maglakad sa kawalan. Nagtuloy tuloy lang ako hanggang sa maaninag ko ang isang field? What the—!
   
    "Hehe sorry," pagpapaumanhin ng isang babae. Nabangga niya ako. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon.
   
    "Naku! Pasensya na talaga!"
   
    Base sa hitsura niya—maganda siya. May pink na buhok, mata, napakakinis na balat, at may taglay na anghel na ganda. Pinaglihi yata siya sa kulay na pink. Imbis na magsalita ay tinitigan ko lang siya ng ilang segundo. Nilagpasan ko na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. I don't want to waste my time for nothing and nonsense things.
   
    Nakarating ako sa dulo ng field at may hologram na biglang lumabas sa harap namin. Medyo marami-rami rin kaming nandito. Mukhang sikat yata ang paaralan nila.
   
    Ngayon pa lang ako nakakita ng maraming tulad ko na kakaiba at hindi normal na tao pero as usual, wala rin naman akong pakialam. Hindi kasi talaga ako mahilig makipag-salamuha kahit kanino.
   
    "Hello fellow students! Welcome to Lacritouz Academy! First of all, if you're wondering why the gate is still close..."
   
    Napatingin ako sa gate na tinutukoy niya. Ang dami naman yatang gate rito? I think, Headmaster sa paaralan ang nagsasalita sa hologram—a physical structure that diffracts light into an image. Halata kasi sa pananamit at aura niya ang pagiging Head ng school.
   
    "You must first pass the entrance exam!" dugtong niya sa sinabi niya kanina.
   
    Napakunot ang noo ko at bigla na lang unti-unting naglalaho ang buong field at napalitan ito ng gubat. Seryoso ba siya? Sa gubat gagawin ang entrance exam? Wow bago iyon ah. Pero teka nga, intrance exam tapos walang instructions? What the hell? Inikot ko ang tingin sa buong paligid. Hindi kaya—hindi ito isang simpleng test lang for entrance exam? Kung isang simpleng test lang ito, perfect na yata lahat, what is the use of power hindi ba?
   
    Biglang may lumitaw na relo sa wrist ko kaya nagtaka naman ako. I think it is not an ordinary watch. May kakaiba sa relo na ito. Kuminang naman ang mata ko ng bigla itong naging kulay pula. How I loved Red. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakakita ako ng kulay na pula.
   
    Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya nagsimula na akong maglakad-lakad sa kawalan. Ano ba ang gagawin sa entrance exam na 'to? Wala man lang instructions?
   
    Napatingin ulit ako sa relo at sinuri ito ng mabuti. May color white na nakalagay dito, square siya then sa right side naman may nakalagay na 100% while sa left ang nakalagay naman ay 'Life'.
   
    Napaisip naman ako saglit. Tinitigan ko ang mga simbolong nakikita ko sa relo at pilit na inintindi ang mga iyon. Ilang minuto ang lumipas ay napatango-tango naman ako nang makuha ang ipinapahiwatig nito. Naglakad-lakad pa rin ako habang nag-iisip ng kung ano-ano. Ang boring lang kasi.
   
    "Oh? Look who's here."
   
    Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng boses na galing sa may likuran ko. I looked back.
   
    "Oh! A genius?" Mataray ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon.
   
    Aba, pati pala sa mundong ito ay may mataray rin? Nagkalat na talaga sila kahit saan-saan. Saka porke't nakasuot ng eyeglasses, genuis agad? Hindi ba puwedeng malabo lang ang mata? Stupid.
   
    Seryoso ko naman siyang tiningnan.
   
    "Tanga ka ba? Porket nakasuot ng eyeglasses, genius agad?"
   
    Ang dami na talagang tanga sa mundo. But I think, sa mundo ng mga tao ang may pinakamarami. Normal naman maging tanga pero doon sana sa mga malalalim na bagay.
   
    Tiningnan naman niya ako ng may panlilisik sa mata. Wala pa nga akong ginagawa, galit na siya?
   
    "Really? I think you are the one who is stupid here silly girl. Hindi mo ba kilala kung sino ang nasa harapan mo?" taas noong sabi niya.
   
    "Bakit? Kailangan pa ba iyon? Masasayang lang ang oras ko," bored kong sabi.
   
    Namula naman siya. Nagagalit ba siya sa sinabi ko o nagbu-blush dahil napagtanto niya na tanga nga siya?
   
    "Bitch!"
   
    Sinugod niya ako. Gumuhit naman ang ngisi sa labi ko nang may mapagtanto. I know what kind of entrance exam is this, this is called... matira ang matibay test.
   
    Nakatayo lang ako habang seryoso pa rin ang tingin sa harap ko. Bigla siyang nawala pero may naramdaman akong puwersa na papalapit sa may likuran ko. Akmang sasaksakin niya sana ako pero nakaiwas agad ako.
   
    Nakalayo agad ako sa kanya pero nadaplisan ako. Tiningnan ko ang life sa relong suot ko. 85%? Ang laki naman yata nang nabawas? Daplis lang naman iyon. Nakita ko ang ngisi sa labi ng babaeng nasa harap ko na.
   
    "Oh? Poor girl." Nilalaro niya ang kutsilyo na hawak-hawak niya. Teka nga—ako poor? Pati ba naman dito? May mayayaman at mahihirap din pala sa mundong 'to?
   
    Naramdaman kong humahapdi na ang sugat sa mukha ko. I think pain is already in me now kasi nasa tunay na mundo na ako, fake 'yong mundo ng mga tao e. Dapat na pala akong mag-ingat lalo na't wala pa akong masyadong kaalam-alam sa mga nilalang dito. Baka hindi na ako maabutan ng bukas kung hindi ako mag-iingat ng mabuti ngayon at lalo na sa susunod pa na mga araw na dadating.
   
    Sinugod niya ulit ako pero umiiwas lang ako.
   
    "What? Are you afraid? Show me your power!" Galit na siya at hindi siya humihinto sa pagsugod sa akin. Iwas lang ako ng iwas sa pag-atake niya dahil ayoko pa na mamatay ng maaga.
   
    After some minutes ay tumigil siya sa kakasugod sa akin. Magkaharap kami ngayon at ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa. Hindi ko pwedeng ilabas ang kapangyarihan ko pero best choice iyon para matapos na ito. Ayokong bumagsak sa test na ito.
   
    "What now?" Naiinip na siya. Mukhang pagod na siya sa kakasugod sakin. Choice niya naman ang mapagod, sugod kasi ng sugod, wala rin naman siyang napapala.
   
    Well, nadadaplisan rin naman ako sa bawat pagsugod niya at 30% na lang ang life ko samantalang sa kanya 60% pa. Hindi pa naman ako natutuluyan at kalmado pa rin ang aura ko. Tiningnan ko naman siya at tumingin rin siya sa akin. Napangisi ako sa isip nang titigan niya ako sa mata.
   
    "A-Anong?" Natataranta siya dahil bigla siyang naglalaho. Nawawala ang paa niya at tumataas ang paglalaho nito hanggang sa bewang niya.
   
    "Anong ginawa mo."
   
    Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang tuluyan na talaga siyang naglaho. Tiningnan ko ang relo ko at napangiti.
   
    "Ninety percent," bulong ko.
   
    Nagsimula na akong maglakad ulit. Ano ang ginawa ko? Ang percent ng life niya ay napunta sa akin dahil inilipat ko iyon. Siguro, ang paglalaho niya ay sumisimbolo na wala na, natalo siya o bumagsak siya sa entrance exam.
   
   
   
    HINDI ko alam kong nasaan na ako, gubat pa rin naman ito. Nagpalinga-linga ako sa buong paligid. Marami-rami na rin akong nakalaban at iniiwasan ko lang ang pag-atake nila. Ginawa ko sa kanila ang ginawa ko sa babaeng una kong nakalaban.
   
    Now, 45% na lang ang life ko, dapat mapanatili ko ito hanggang sa matapos ang entrance exam na ito. Wala naman akong nakitang mababangis na hayop sa paligid habang naglalakad.
   
    "Ahhh! Tulong!"

    Nakarinig naman ako ng isang sigaw.I think, babae iyon dahil grabe kung makasigaw, ang tinis kasi ng boses.
   
    Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at binalewala ang kung sino man ang sumisigaw na iyon. May nakita akong may kalakihang puno malapit sa akin. Lumapit ako doon at umakyat, umupo ako sa sanga ng puno. Pumwesto ako para humiga, I need some rest. Papikit na sana ang mga mata ko ng bigla na naman akong makarinig ng sigaw.
   
    "Ahhh!"
   
    Napamulat agad ako nang marinig ulit ang sigaw na iyon. Kulang ako ng tulog tapos—napailing-iling na lang ako. Bumangon at bumaba na lang ako mula sa puno sinundan pinuntahan kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.
   
    Namangha naman ang mata ko nang marating ang kinaroroonan ng boses kanina. May dinosaur pala dito?
   
    .
   
    .
   
    .
   
    Lacritouz - Lac-ri-choz

The Underworld Goddess Heart [PublishedUnderTDPPublishingHouse]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon