Chapter One

41.2K 329 46
                                    

CHAPTER ONE

Dear S_K_A_R

I'm twenty-one years old, fourth year college na 'ko. May nakilala akong guy last sem at eventually nagkaroon kami ng mutual understanding. Exchange student s'ya from Hawaii. He's cute and sweet. Hindi s'ya mahirap magustuhan. Thoughtful pa s'ya. I don't know what went to me pero I move in a boarding house with him. Alam kong magagalit ang parents ko if they find out. But I said, bahala na.

It went well naman. Pero nag-away kami. Medyo seryoso. Dalawang araw s'yang hindi umuwi. I waited for him. Gusto ko kasi magkabati na kami. I miss him so much. Pero hindi kami nagkita nang umuwi s'ya at tinext na lang n'ya ako na kailangan n'yang bumalik ng Hawaii dahil sa family emergency. Nalungkot ako.

Weeks had past. Wala pa rin s'ya. And during the time he was away, may nakilala akong guy. Pinsan s'ya ng barkada ko. He told me he liked me. We started spending time together. At tulad ng 'hanging' kong relasyon, naging mabilis ang lahat. Ang dami naming napagkekwentuhan. Mas nag-click kami. Madaling gumaan ang loob ko sa kanya. Kaya naging kami rin.

Bumalik ang boyfriend ko from Hawaii. Nag-usap kami at nag-ayos na rin kami. Just like that we are a couple again. Hindi ko masabi ang tungkol sa nangyari noong time na wala s'ya dahil ayokong mag-away na naman kami. At ngayon, ginugulo ako ng naging kasalanan ko sa kanya. Sinubukan ko namang iwasan s'ya pero ayaw n'ya akong tigilan. Sabi n'ya, mahal n'ya ako. Sinabi ko ang tungkol sa relasyon ko pero ayaw pa rin n'yang tumigil. He was so persistent.

Now, I'm still with my boyfriend from Hawaii. Hindi ko magawang makipag-break sa kanya kasi ang bait-bait n'ya. Hindi man kami magkasundo sa maraming bagay pero palagi din naman n'ya akong pinagbibigyan. He is fine being a boyfriend. Pero naiisip ko pa rin si other guy. Namimiss ko s'ya at kung paano kami mag-usap at maraming bagay.

It is so weird. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung mas gusto ko ba ang other guy, bakit hindi ko magawang iwan ang current boyfriend ko. Please help...

So lost,

HaveIbeenfool

Napabuntong-hininga si Margaux at napasandal sa upuan matapos basahin ang sulat. Napa-angat ang kilay niya saka napaisip. Nai-imagine na niya ang laki ng eyes bugs ng sumulat niyon. Napailing siya. Sabay angat ng likod at nagsimulang tumipa.

Dear HaveIbeenfool,

Sa tingin ko ay hindi ka naman confused. Pareho mo naman silang ginusto. Pero kasama ang responsibilidad sa pakikipagrelasyon. At iyon ang sa tingin kong nakalimutan mo. In fact, pareho mo silang niloloko at pinapaasa. Apektado na ang mga buhay-buhay n'yo. Tsk, tsk, tsk. So weak of your heart. Hindi lahat ng laro ay masaya. May mga larong nakakatakot. Katulad na lang ng sa'yo. And you are deceived yourself. Dahil akala mo ay seryoso ka sa relasyon mo sa From Hawaii boyfriend mo. But you're not, honey. Hind ka pa handa sa isang seryosong relasyon na may commitment. That leads to your decision of living with your boyfriend. Pinag-isipan mo muna sanang mabuti bago ka nag-decide na sumama sa kanya. What you need to do, I think, is to be honest to yourself. Alamin mo muna ang gusto ng sarili mo bago mo isipin kung sinong gusto mo sa kanila. Next, be honest to both of them. Pareho nilang deserve 'yan. And take the consequences of your actions. At ihanda mo rin ang sarili mo sa possibility na pareho silang mawala sa'yo. It's a good thing na rin. Commit to yourself first before to others.

XoXo,

She_Knows_And_Right

Nakarinig ng matinis na tunog si Margaux. Napaangat ang ulo niya sabay tingin sa katabi. Relo pala iyon ng katabi niya. Nag-alarm. Napatingin naman siya sa wristwatch niya. Saka nag-log out at isinara ang lahat ng tab sa computer. Nagbuga ng hangin saka tumayo habang isinasara ang spiral notebook niya. Isinukbit niya ang bag niya sa balikat niya at lumapit sa librarian upang patatakan ang hiniram niyang libro. Saka siya lumabas ng school library.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon