Kinakabahan ngunit excited si Margaux nang marating nila ni Jaiden ang apartment nito. Maaga pa kung tutuusin ngunit palibasaha'y nasa buwan ng mahaba ang gabi ay madilim na ang paligid. Sabay na natapos ang klase nila ni Jaiden kaya sabay na silang lumabas ng eskwelahan.
Tahimik siya nang buksan ni Jaiden ang pinto. Binuksan nito ang ilaw at pinapasok siya. Inilapag niya ang dalang pizza sa center table nang marating niya ang sala. Si Jaiden naman ang may dala ng cake.
"May wine sa ref. Gusto mong uminom?" tanong ni Jaiden sa kanya.
Kuli-kuli siya Margaux sa kung anong itutugon niya. Gusto niyang tanggihan ang binata ngunit sabi nga nito ay birthday nito.
"Konti lang." sagot niya.
Ngumiti si Jaiden. "Don't worry hindi tayo magpapakalasing. Kailangan pa kitang ihatid sa bahay n'yo. Kakain lang tayo 'tapos tambay nang kaunti. Then iuuwi na kita."
Tumango siya. "Sige."
"Upo ka muna. Feel at home. May kukunin lang ako sa kitchen." Saglit lang ay wala na ito sa harap niya.
Naupo siya sa sofa. Sumandal siya at nagbuga ng hangin. At hindi pa man nababawi ang hininga ay bumalik na si Jaiden. Dala na nito ang wine, dalawang wine glass. Inilapag nito iyon sa center table. Tumayo naman siya upang tulungan ito.
Mabilis na inayos ni Jaiden ang center table para sa kanila. Binuksan nito ang pizza at ang cake. Siya naman ang kumuha ng kandila at inilagay ito sa ibabaw ng cake. Mula sa bag niya ay kinuha niya ang lighter na lagi niyang dala. Saka sinindihan ang kandila. Muli siyang naupo sa sofa saka napansin si Jaiden. Nakatitig ito sa kanya.
"Bakit? Hindi ko pa ba dapat sinindihan?" tanong niya.
Kumibot ang labi nito. "Hindi, hindi. May...dala kasi akong lighter galing sa kitchen. Akala ko..."
"Ah 'yong lights. Sorry. Akala ko kasi wala kang dala. Nagulat ka ba? Mukhang oo." Paliwanag niya.
"Hindi naman. Marami na rin naman akong kilalang girls na nagyoyosi. Hindi lang kasi ako gumagamit kaya hindi ako sanay." Nagpaliwanag rin ito.
Nakaramdam siya ng inis. "Hindi ako naninigarilyo. Nasanay lang talaga ako na laging may lights sa bag. Pero hindi naman para sa'kin 'to."
Halatang nagulat si Jaiden. Ngunit mabilis din itong ngumiti na tila na-relieve sa nalaman mula sa kanya. Tumangu-tango ito. Kinuha nito ang wine at binuksan. Saka ito naupo sa carpet.
"Blow mo na 'yong candle mo." Aniya.
Tumawa ang binata. "Wala bang kanta?"
Napahiyang dili si Margaux. "Happy birthday to you na lang."
"Okay." Nagkibit-balikat ito sabay ihip sa kandila. Muli niyang inilapag ang cake.
Kumuha ng isang slice ng pizza si Jaiden at iniabot sa kanya. Kinuha niya ito at tinabihan ito sa carpet. Pareho silang nakasandal sa sofa.
Nagsalin si Jaiden ng wine. Iniabot ang isa sa kanya.
"Cheers?"
Itinaas niya ang baso niya at idinikit iyon sa baso ni Jaiden. "More birthdays to come."
"Salamat." Sagot ng binata at nagsimula silang kumain kasabay ng pag-inom.
o:p>
BINABASA MO ANG
SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)
RomanceThis book was published back in 2014. Happy reading ",)