Chapter Five.2

8.5K 162 5
                                    

Nag-aabang ng masasakyang jeep pauwi si Margaux. Nasa may labasan siya ng unibersidad sa bandang unahang shed. Ayaw kasi niyang makasabayan ang ibang estudyante na pauwi na rin. Mag-isa lang siya noon mga oras na iyon.

May nakita siyang paparating na isang itim na Escapade at inakala niyang lalampas lamang sa kanya. May kasunod kasi itong pampasaherong jeep ngunit nagulat siya nang tumigil ito sa harap niya. Bumukas ang gitnang pinto.

"Sakay!" pasigaw na sabi ng isang lalaking nakatakip ng bonnet na itim. Bigla siyang natakot. Nakahakbang siya paatras at akma siyang tatakbo ngunit mabilis siyang nahagip ng lalaki.

"Ano ba? Bit-" Hindi na siya nakasigaw dahil natakpan na ng lalaki ang bibig niya at para siyang papel na binuhat papasok ng sasakyan.

"Saan n'yo 'ko dadalhin? Ano ba? Bababa ako!" galit na galit niyang sigaw. Inabot niya ang handle ng pinto ngunit ayaw magbukas noon. Lalo siyang kinabahan.

"Sino ba kayo?" Nahihintakutan niyang tanong. Walang sumagot sa dalawang lalaking nasa loob. Nakatakip pareho ang mukha ng mga ito.

Umangat ang mukha ng driver at tumingin sa review mirror. Then she was horrified. Hindi na naman ito sumagot bagkus pinasibad ang sasakyan.

"Pababain n'yo 'ko dito. Sino ba talaga kayo?"

Wala pa ring sagot. Mabilis ang takbo ng sasakyan. Bigla binalot ng kaba si Margaux. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver. Saan siya dadalhin ng mga lalaking ito? Sino ba ang mga ito? At anong kailangan ng mga ito sa kanya? Is she being kidnapped?

"Hoy!" Sigaw niya sabay hampas sa balikat ng driver. Pinigil naman siya ng kasama nito.

"Ano ba? Huwag ka ngang magulo!" Galit na saad ng driver.

Dahil sa nag-alala rin na maaari silang maaksidente ay minabuti na lamang niyang tumahimik. Puno ng takot ang dibdib niya ngunit hindi niya iyon ipinapakita. Hindi dapat mahalata ng dalawa ang pagkasindak niya.

"Saan n'yo dadalhin?" Taranta niyang tanong. Pilit niyang pinapagana ang isip upang makatakas at makahingi ng tulong. Luminga siya at nakita ang bag niya. Mabilis niya iyong binuksan upang kunin ang cellphone niya ngunit natigil iyon nang magsalita ang driver.

"Huwag ka nang mag-akasaya ng oras. Mapapahamak ka lang kung susubukan mong humingi ng tulong." Ma-awtoridad nitong saad. Napatingin siya dito. Nakita niya na nakasulyap din ito sa review mirror. His deep eyes were strikingly looking at her.

"A-ano bang gusto n'yo kasi?" She asked looking at him sharply.

"Mag-uusap lang tayo. May ilang bagay din akong ipapagawa sa'yo." Sagot ng katabi niya.

"Kung pera ang-"

"Tumahimik ka nga." Agap ng driver. Muli siyang napalingon dito. Tila pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki.

Hindi na siya nakatugon. Marahil sa tapang ng tinig nito o sa takot na biglang bumalot sa kanya. Her abductors was tough.

Nagkasya na lamang siya sa pagsandal. Mukhang wala siyang magagawa sa ngayon. Nag-aalala siya na totohanin nito ang banda kung magmamatigas pa siya. Nag-aalangan man ay sumandal na lamang siya.

Habang abala ang lalaki sa pagmamaneho ay nakaramdam ng kaunting hinahon si Margaux. Wala na itong sinabi matapos na manahimik siya. Manaka-naka na lamang itong tumitingin sa kanya. Ganoon ang kasama nito. Hindi naman siya itinali o binusalan ang bibig.

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon