Ngumiti si Jaiden nang tumingin sa kanyang ang may katandaan nang lalaki nang bumaba siya ng kanyang sasakyan. Nasa harap siya ng bahay ni Margaux. Tumuwi naman ng tayo ang lalaki mula sa ginagawa nitong gulong.
"Good evening po." Bati niya. Kumunot ang noo nito.
"Anong ipapagawa mo, boy?" Tanong naman nito sabay silip sa sasakyan niya.
He smiled. "Wala naman po. Ahm, nand'yan po ba si Margaux?"
Tiningnan siya ng lalaki na marahil ay ang kinilalang ama ni Margaux. "Anong kailangan mo sa anak ko?"
Inilahad niya ang kamay niya. "Ako po si Lyle Jaiden Vilandre. Kaibigan po ako ni Margaux."
"Madumi ang kamay ko." Anito sabay wasiwas ng kamay. Hinarap nitong muli ang ginagawang gulong. "Ilang beses na kitang napapansin dito ah. Ikaw rin ang nagtanong sa asawa ko kung dito nakatira si Margaux. Bakit ba?"
"Ah...'yon po ba? May kailangan lang po kasi ako sa kanya that time. Pero okay na po." Sagot niya.
"Ano ngayon ang kailangan mo?" tanong nito muli.
"Gusto ko po sanan s'yang makausap. Hindi po kasi kami nagkita sa school kanina. Hindi rin po s'ya nagri-reply sa text."
Tiningnan siya nito. "Upo ka. Ako nga pala si Rodleo. Tatay ni Margaux. Baka walang load 'yon kaya hindi sumasagot sa'yo." Nagpatuloy ito sa ginagawa. "Ewan ko ba sa batang 'yon. Nagse-cellphone 'di naman nagloload."
Napatawa siya sabay upo sa nag-iisang puting monoblock chair malapit dito. "Gano'n po ba? Tinatawagan ko rin po kasi 'di rin sumasagot. Kaya nagpunta na 'ko dito. Baka andito na."
"Ay, malamang nasa club ni Bogie 'yon. Nagta-type no'ng ano n'ya. Ano nga 'yon?" Sabi nito na animo'y nag-isip. "Writer kasi 'yon eh. Ano nga 'yong magazine na 'yon."
"Ah...Mass Chronicle po. Conributor po kasi do'n di po ba?" Sansala niya.
Tumango ang ama ni Margaux. "Oo, oo 'yon nga. Kaklase ka ba ni Margaux? Ba't alam mo ang tungkol do'n? Hindi ipinagkakalat ng anak ko ang tungkol sa side line n'ya kasi hindi n'ya totoong pangalan ang gamit n'ya do'n."
Napakamot siya sa ulo. "N-nasabi po n'ya sa'kin."
Ngumiti ito. "Masipag talaga 'yang si Margaux. Lahat na lang pwedeng raket, eh, pinasok na. Wala naman kaming ginagastos sa pag-aaral n'yan. Para lang naman sa'min ang ginagawa n'yang pagdiskarte ng pera. Kung minsan nga ayaw ko nang tanggapin ang iniaabot n'yan. Kaso lang talagang mapilit. Kayo ba? Gaano na ba kayo katagal ng anak ko?"
"Po?" gulat na gulat niyang sabi. Kinabahan siya bigla. Hindi kaya't may nabanggit na si Margaux tungkol sa kanila?
Tumawa ito. "Ikaw naman. Alam ko namang boyfriend ka ng anak ko. Maganda si Margaux kaya hindi nakakapagtaka na may magkagusto sa kanya."
Napangiti si Jaiden sa narinig. Naramdaman niya ang sinseridad sa mga salita ni Mang Rodleo. Mukhang maganda ang trato nito sa dalaga sa kabila ng katotohanangn hindi naman nito anak si Margaux. Nasiyahan din siya na sa kabila ng pinagdaanan ng dalaga ay may mga tao pa lang mahal at pinahahalagahan si Margaux.
"Rod!" Anang isang tinig mula sa loob ng bahay. Napalingon siya sa nakabukas na pinto. Tinig iyon ng nakausap niyang babae minsan. Iyon na marahil ang ina ni Margaux. Saka lumabas ang ginang.
"Luto na 'yong idideliver ko kay Chairman. Aalis-" Natigilan ito nang makita siya. Kaagad na kumunot ang noo nito marahil nakilala siya.
BINABASA MO ANG
SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)
RomantizmThis book was published back in 2014. Happy reading ",)