Una at Huling Pag- ibig

538 10 2
                                    

Isang araw, may isang babaeng nagngangalang Pepita. Siya ay maganda at matalino ngunit walang pag-ibig. Marami ang nagtatangkang magpaibig sa kanya ngunit tinatanggihan niya ito. Hindi mawari ng karamihan kung bakit 26 na taong gulang na siya ngunit kailanma'y di pa siya nagkaroon ng nobyo.

"Aanhin ko ang maraming manliligaw kung niisa naman sa kanila ay hindi ko gusto? Mabuti pa ang mag-isa, tutal eh sanay naman na ako", ani pepita.

Habang isinasambit nya ang mga katagang iyon sa kanyang sarili ay may narinig siyang siyang nalakas na pagbagsak mula sa bakuran.

Dali- dali nya itong pinubtahan at laking gulat niya nang makita ang isang lalaking may makinis na mukha na nakahandusay sa kanilang bakuran. Habang nilalapitan nya ang lalaking walang malay ay napasambit siya ng "Lord, siya na po ba ang para sa akin? Siya na po ba ang yayanig sa mundo kong walang pag-ibig?" Pagkatapos niya itong banggitin ay biglang nagkamalay ang binata.

"Ayos ka lang ba? Pa'no ka napadpad sa bakuran namin? Ano ba ang pangalan mo at saan ka nanggaling?", pag uusisa niya.

"Napakarami mo namang nais malaman binibini. Ako nga pala si Tiburcio, ang habang buhay na makakasama mo sa paglutas at pagtanggal ng mga perwisyo, ako ang nakatakdang pag-ibig para sayo," wika niya.

Pagkatapos marinig ni Pepita ang mga itinuran ni Tiburcio ay agad niyang niyakap ito at sinabi sa sariling ito na ang matagal niya nang hinihintay.

Lumipas ang ilang buwan at sila'y tuluyan nang nagpakasal. Naging masaya ang kanilang pagsasama at napagtanto ni Pepita na may mga tao pala talagang inilaan ang Panginoon para sa atin, hindi mo kailangang magmadali bagkus ay mas kailangan mong maging matapang para maghintay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hulog ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon