AKALA

7 0 0
                                    

Tatanungin kita sa huling pagkakataon,
Anong tingin mo sa akin, sa nagdaang panahon.
Minahal mo ba talaga ako dahil sa akala mong imahinasyon,
At ngayo'y akala mo'y di ko naabot.

Sa lahat ng panahon na ika'y minahal,
Walang hiya naman oh, akala ko iba ka sa lahat.
Pagkatao ko'y lalo mong winasak,
Na pinilit buoin sa abot ng aking makakaya.

Akalang tunay na pag ibig sa'yo ko nakita,
oh kay galing mong makipaglaro, pansamantala lang pala lahat.
Kay sakit sa kalooban, bakit ako pa ang nakadanas,
Pinagkatiwalaan kita, sa huli ako'y gagaguhin lang pala.

Di man diretsuhan sabihin sa akin,
tila pagkakataon ay nakikisimpatya sa aking damdamin.
Walang masamang ipinakita sa inyo,
bakit ganito ang balik sa akin.

Akala ng kahapon, aking dadalhin hanggang sa ngayon,
Nang hindi na mahulog sa maling pagkatao.
Naging masaya ako, oo sa piling mo,
Ngunit tama na ang ilang araw, akala kong pagibig ay totoo.

Akala kong iba ka,
Ngunit katulad lang din pala.

/reduxmaria 🖋

👽🌈

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon