IMAHINASYON

2 0 0
                                    


Ako'y nagtungo sa isang salamin,
Naaninag isang repleksyon, ako'y napangiti
Mga kamay na magkahawak, maski langgam di makakadaan
Mga matang magkatitigan, walang gustong kumurap.

Mga pintig ng puso'y sumasabay sa awiting kanilang naririnig.
Bigla silang umindayog, isang kamay pinagsiklop maigi,
Sa bewang ng isa'y umalalay.
Animo'y ayaw ng pakawalan sa kanyang bisig.

Damdamin nila'y tila pinagiisa,
Mga ngiti sa kanilang labi parang permanente nang nakaukit.
Bawat galaw nila at ikot, napaka-ingat kung titignan,
Sa sandaling iyon, tila sila na lamang ang naroroon.

Sa pagtatapos ng musika't sayaw,
isang luha ang tumulo.
Ngumiti ng kay pait, tila hirap lumunok.
Ipinikit mga mata, pilit inaalala.
Imahinasyon ng kanilang kahapon,
Saksi ang taong naksulyap sa kanyang repleksyon.

/reduxmaria

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon