💩Ang Nakakalokang Prologue💩

3.5K 80 19
                                    

Ang saloobin ni Kimby

Hindi ko na alam kung paano ko ba'to sasabihin sa mama at papa ko.😢

Paano ko kaya aaminin sa kanila nang hindi sila iiyak sa sobrang pagka disappointed sakin.😥

Tsaka hindi yong napipicture out ko na ipagtutulakan nila ako palabas ng bahay kasi palalayasin nila ako at itatapon yong mga damit tsaka underwear ko na ang iba pa naman non ay hindi ko pa napapanahonang labhan. 🙊

Pagkatapos ay sisigaw ang papa kong 'High Blood Since Birth' ng:

"Malandi kang anak ka! Hindi ka na nahiya! Malaki na yong ginastos namin sa pagpapaaral sayo, gagraduate kana tapos ngayon, nagpabuntis ka!?Lumayas ka dito! Sumama ka sa walang kwentang lalakeng nakabuntis sayo! "-papa.

Naiyak daw ako, hindi dahil sa sinabi ni papa pero dahil sa sobrang hiya!🙀

Nakikichismis yong mga kapitbahay sa paligid ko! Kitang-kita nila yong mga panties at pambahay na damit ko na may mga butas pa.

Hindi ko kakayanin ang eksenang yon. Hiyang hiya ako!😣

May ibang scene naman akong napipicture out kung saan, ito ang sasabihin ni papa:

"Hindi 'to pwede! Dapat ka niyang pakasalan at panagutan! Ang malanding lalake na yon! Puputolin ko talaga junior niya pag nilayasan ka niya!"-papa. Oo. Posible yon. Harsh kasi si papa at sa pagkakakilala ko sa kanya, tinutupad niya palagi yong sinasabi niyang kabalastogan.😟

Dear papa, ayokong makulong ka dahil may pinutol kang junior. 😩Pagchi-chismisan at pagtatawanan ka lang ng mga kapitbahay.

"Sooner or later, magiging obvious na 'tong tiyan ko. at kapag mangyari yon, baka...mapipilitan akong ikasal sa kanya! Sa malanding lalake na yon!Putcha talaga. Kill me now."

Kakagising ko lang sa umaga at ito na kaagad ang mga iniisip ko. Nag-aalala na kasi ako kasi tatlong buwan na akong buntis at nagpapaka ninja pa ako sa status nato kaya wala pang kahit sinong nakakaalam kundi ako at yong nag donate ng isperm.😒

Bigla akong naihi kaya tumungo muna ako ng CR. Pagkatapos kong umihi, tumungo naman ako sa whole body mirror dito sa kwarto ko para tignan kung gaano ka laki 'tong tiyan ko.

Malaki pa rin...

Malaki 'to kahapon!😲

"Teka lang. Pinaglalaruan ba ako ng seven dwarfs ni Snow white at kung bakit iba yong nakikita ko sa salamin? O Baka naman pinalitan ni mama ang salamin nato ng mumurahing salamin? "

Yong tipo ng salamin na kapag mananalamin ka na kahit mataba ka, aba, sa salamin, naging malnourished kana. Magic mirror. Dinaig pa yong mga slimming pills. Real quick.😂

Pero seryoso na talaga. Bakit naging flat 'tong tiyan ko? Anong nangyari? Nasagasaan ba tiyan ko ng wala akong kamalay-malay? 😲
O baka naman ginamitan ito ni mama ng flat iron kaya naging flat at lumebel sa flatness ng dibdib ko? 😭

aba ha flat na lahat at nagugulohan na tuloy ako bakit feeling ko, dalawa na yong likod ko? Back to back, wala na yata akong hinaharap!😭😌

Nakaka bwesit na talaga 'to ha. Wala na rin akong nararamdaman sa kailaliman ng tiyan ko. Napa double, triple pa ako sa pag-chicheck pero wala! Wala na talaga! LUMAYAS NA YONG BABY! DON'T TELL ME? NAIHI KO YONG BABY TSAKA NA FLUSH KAHIT WALA NAMANG FLUSH YONG TOILET BOWL NAMIN!?Wahh!😨😵😲

Bumalik ako sa CR at napa check ako sa toilet bowl at sa sahig kasi baka may bakas na baka nalaglag ko yong baby ng hindi ko alam! Ang manhid ko naman kung ganon diba? Mas manhid pa sa crush niyo.😒

He Got Pregnant | Filipino/Tagalog VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon