😘 4: Ang Crush ko!

908 25 8
                                    

Nakakahiya! Hindi ako nakapag shield!🙅😓

Kung nahulaan ko sana na sa araw nato, makakakita ako ng ganito ka gwapong lalake, overnight na piniga ko sana ang oily kong mukha! Baka pwede pang gamitin ni mama ang oil para sa pag pi-prito ng isda. Nakatipid na sana kami 'no.

Basta! Tssk. Nakakahiya! Gusto ko na lamonin ako ng lupa! Lumapit pa siya sakin! Sure ako, napansin niya ang oily kong mukha. Bini big deal ko talaga ang pagiging oily ng mukha ko. 😑

Nang nasa malapitan na siya sabay kuha sa papel sa mukha ko, kitang-kita ko kung gaano ka flawless ang mukha niya! Puting-puti! Parang nilaklak ang Gluta! Gass. Mukha talagang ARTISTA! Wew!

Ang curvy pa ng lips niya! Natural kaya ito o dumaan na ba ito sa mga kamay ni Bello o Calayan? Ang reddish kasi nito! Hindi na kailangan ng lipstick at lips liner!

Pagkatapos non, umalis na siya. Pero bago umalis, ngumiti pa siya at sinabi niya ulit, 'Sorry'.

"Nako besh, Congrats to you! May nagpatibok na sa heart mo!"--Rica.

Pinilit ko kasi siya na sabihin niya yong pangalan ng gwapo at maputing lalake na yon. Pero ayaw na muna niyang sabihin kasi hindi pa siya nakakapag move-on sa naging reaction ko. First time raw kasi niya akong nakitang nagkakaganito sa isang gwapo. Sa dami ng mga nakikita kong gwapo sa personal, hindi kasi ako masyadong naa- attract. Ang feeler ko 'no? Akala mo kung sinong kagandahan, lagpas condo buiding ang standards eh. Tae lang. 😝

" So ano? Buong buhay ko, tulala puso ko ganon?Pwedeng nagwa-gwapohan lang ako at curious sa pangalan niya?"

Pina head bang niya akong tinawanan. Muntikan pang mauntog ang ulo ng gaga sa lamesa. Mabuti sana kung natuloyan.

"Libre mo muna ako ng ice cream tsaka ko sasabihin! Sige na!"--Rica.

Ays. Grabe si friend. Kailangan pa pala ng kapalit para makuha ko ang mga info na kailangan ko!

Pinaghihila pa niya ang braso ko! Aissh.

Kumuha ako ng coins sa bulsa ko. At jackpot! May nakuha akong two pesos dito.

"'Yan o! May dalawang piso. Bumili ka ng dirty ice cream."

Kinuha ko kamay niya at nilagay ko don ang dalawang piso.

"Hoy, besh, kahit dirty ice cream ngayon, di na keri ng two pesos lang! Mahal na kahit walang forever." --Rica.

Ewan ko sa babaeng 'to. Humuhugot!
Sinauli niya sakin ang ni reject niyang two pesos.

"Ano ba kasing dirty ice cream ang tinutukoy mo, Rica? Ang ibig kong sabihin, yong dirty. As in yong nahulog? Or pwese rin yong factory defected ice cream! Yong ni reject? Kagaya ng kung paano mo ni reject two pesos ko. " Howgoat back. 😝

"Harhar. You are so funny, besh. Parang tinapay lang 'no?hahays. O siya, sasabihin ko na nga. Ang pangalan ni gwaping ay Brent Castro. 5th year Architecture student. Anak mayaman. Mukhang nasabi ko na'to sayo kanina pero hindi ka nakikinig."--Rica.

Ahh. Brent Castro pala.

" Kaso lang, besh. Chic boy rin siya kagaya ng boy besty mo."--Rica.

Chic boy!? Ay inahing Chicken! Babaero rin pala siya!? 😒😓😧😨

"Ay. Nakaka turn off naman. Hahays. Muntikan na pala akong naloko sa mga dala niyang mga papel! Akala ko focus siya sa acads! Tigngan mo nga yan si Dandoy kahit ang busy sa thesis, napapanahonan pa niyang makipag landian."

Natapos na kami ni Rica sa pakikipagchikahan. Papunta na sana ako sa gate ng unibersidad namin para sana umeksit na. Pero doon, nakita ko na naman si Gluta guy. Si Brent Castro!

He Got Pregnant | Filipino/Tagalog VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon