Bago pa nangyari ang aking pagbubuntis, este pagbubuntis ni Dandoy, we were really good friends. Hahaha. Actually, Boy Bestfriend ko siya.👫💑
____________________________________
"Huwag ka ngang mag bakla-baklaan diyan! Tumalon kana! Bilis! kasi susunod pa ako!"
Hinintay ko na tumalon si Dandoy sa ilog pero mukhang tatangkad nalang si Dagul, mukhang wala talaga siyang planong tumalon.😑
"Are you sure? Isn't this too deep? I'm afraid I can't swim there! And I guess it's too cold!"-Dandoy.
Diba. English speaking po ang friend natin. Hindi pa nga ako nakakatalon papunta sa tubig, feeling ko nalulunod na ako. Nalulunod ako sa kaka-english niya. Potek.😿
"Tumahimik ka nga! Akala ko ba swimmer ka? Takot ka pala sa tubig!Kambing ka!"
Sa mga panahong yon, parehos kaming 8 years old ni Dandoy. Para naman bumagay ang pangalan niya sa kaka-English niya, ire-reveal ko ang full name niya.😸
Ang pangalan niya talaga ay Daniver Krause.
Kakaiba yong apilyedo niya diba?Soo Foreignish. Ang papa niya kasi ay half-german, half-korean at mama niya ay purong Filipino.
So, Half Chihuahua siya tsaka half asong kalye. Hahaha! Basta, na imention ko na lahat ng mga half-half na mga lahing yon kaya kayo na bahalang mag-isip kung paano ba yon hinahati-hati sa fraction.🙎
"You are so rude! I don't want to play with you anymore!"-Dandoy.
Dahil ang ingay-ingay niya, walang pag dadalawang isip na sinipa ko ang likuran niya at naitulak ko siya papunta sa ilog! Bwahaha. 😈
"Ahhh!"-Dandoy.
" hahaha!" 😂
Natawa ako sa reaksyon niya nang itulak ko siya.
Sumunod rin naman ako sa pag talon dahil qiqil na qiqil na ako sa pagligo! Gusto ko ng magtampisaw!
That time, simple pa ang lahat. Kapag maliligo kami sa ilog, nakapanty lang ako at naka brief siya. Pero kung gusto talaga naming i-feel ang kati, kagat ng lamok at ginaw ng tubig sa ilog, ede boldstar ang show namin. Who cares diba?
Bata pa kasi kami 'non. Sino ba namang magkaka interest sa mga katawan namin diba? Tsaka mahirap naman kung magsusuot kami ng gown habang naliligo? 😂😁😆
Bakit nga ba English speaker si besty besides sa reason na foreign erpat niya?😃😄😂
Galing po kasi siya sa Korea pero mas tinuruan siya kung paano mag-English at mag German doon. Naiinis ako sa kanya kapag nagege-German speaking siya kasi feeling ko, sinisiraan niya ako nang harap-harapan at wala man lang akong kahit anong ideya kung anong sinasabi niya.
Hindi ko talaga siya pinapansin kapag makarinig ako ng 'Krung chuvuchuvu gashkuron asff liuem psipum.' Sa kanya. Tawagin na tayong snob. 😐
Minsan pag trip kong asarin rin siya, sasagotin ko rin naman siya ng 'Churvabells chrvalo. Chaka chaka EH EH!'.😂😆
Maiinis rin siya sakin kasi hindi niya rin ako maintindihan. Hindi niya talaga ako maiintindihan kasi gawa-gawa ko lang ang dialect na yon. Hahahah! 😉
Nakakaintindi at nakakapagsalita naman siya ng bisaya/Cebuano tsaka Filipino/Tagalog pero sa panahong yon, hindi pa siya nakakapag salita kaya nag e-english pa siya.
Kaya dumaan po tayo sa isang madugong childhood. Nose bleed araw-araw. 😢😩
Naging close kami kasi malapit lang yong Mansion niya at bahay namin.Nakatira kami sa isang squatter area na malapit sa isang subdivision kung saan nakatayo ang kanilang napakagarang Mansyon. 😂

BINABASA MO ANG
He Got Pregnant | Filipino/Tagalog Version
HumorHindi mali 'yong title. 'He' as in he. Hindi ka rin nagkamali sa pagbabasa. 'He' as in he talaga. Hindi rin mali yong ginamit na term na 'Pregnant' dahil...yeah. Seryoso. Pregnant meaning buntis, nagdadalang tao, preggy! May baby sa ilalim. Alam kon...