Chase
"Claudius! Ito oh cake para sayo. Ako gumawa nyan, alam mo ba itong cake ay sumisimbolo na mahal kita kasi pinaghirapan ko ito para sayo" nakangiting sabi ko sakanya habang sinusundan ko sya
"Claud kunin mo naman ito oh" sabi ko sa kanya pero hindi pa rin nya ako pinapansin.
"Claud alam mo bang masarap ito, hindi ba favorite mo ang chocolate cake?" Tanong ko sakanya pero hindi nya parin ako pinapansin at patuloy parin sya sa pag lalakad
"Pansinin mo naman daw ako oh sige na!" Sabi ko pa sakanya.
"Claudius--" nagulat ako nang bigla syang lumingon saakin dahilan upang matapon ang cake sa uniform ko at natalsikan naman sya sakanyang damit, hindi ko naman kasi namalayan na napakalapit ko na sa kanya noong lumingon sya ee.
"Shit!" He cursed. Napatingin ako sakanya bakit ganun kahit ang bad boy look nya sobrang pogi nya pa din. Matangong ang ilong, yung mata nya na parang laging may sinasabi, morenong kutis, ang brushed up niya na buhok at ang six footer nyang tangkad, pati na rin ang makapal nyang labi at kilay na mas lalong bumagay sa kanya. Pati na rin ang katawan niyang kahit naka uniform pa siya ay halatang may mucles
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit mahal na mahal ko ang lalaking ito simula nung high school pa kami at kung bakit nandito ako ngayon sa puntong handang isacrifice ang lahat para lang sa kanya.
"Look what you did! Stupid, get out of my way!" Sabi niya saakin habang pinupunasan ng tissue ang uniform niya. Bakas sa mukha niya ang inis at pagkairita sa nangyari. Sino nga ba naman hindi maiinis diba, ang tanga tanga ko kasi ee.
"S-s-sorry.." sabi ko at bahagyang tumungo. Mukhang galit na galit sya sa ginawa ko. Hindi ko naman sinasadya ee.
"Tsk! Please stop following me! Huwag na huwag mo na akong sundan! Okay?!" Sabi niya saakin at umalis na sya.
Napahawak naman ako sa dibdib ko. Sumisikip nanaman,tsk. Baka mamaya sumpungin nanaman ako nito.
Pero kaya mo ito Aly. Diba nga kung ano gusto mo, makukuha mo. Pero kailangan paghirapan mo muna ito. Kagaya ni Claud, gusto ko siya so kailangan ko syang paghirapan bago ko sya maabot.
"Oh Wana! Okay ka lang ba? You look pale." Napatingin ako sa gili ko nang makita ko nang magsalita si Rośe.
Siya si Rośe Kaye Park, kaibigan ko. Actually anim kaming mag kakaibigan at kasama na si Claud doon. Tatlong babae at tatlong lalake. Kaso hindi ko alam ang nangyari, nanghumantong kami ng college life ay nagkawalaan na ng connection
Kami na lang tuloy ni Rośe at Claud lang ang lagi kong nakakasama ngayon. Tapos ito namang si Claud, until now hindi parin ako pinapansin. Hindi ba nga alam na talagang mahal na mahal ko sya?
"Hmm, okay lang ako ano ka ba." Sabi ko kay Rośe at biglang iwas ng tingin.
"Sure ka ba? Namumutla ka talaga kasi ee" Sabi niya pa saakin.
"Baka dahil lang ito sa kinain ko kanina kaya ako namumutla sakit din kasi ng tiyan ko ee."palusot ko. Ayokong makahalata sila, hindi pwede.
Pumunta ka na kaya ng clinic, gusto mo samahan kita? Ops! Kita nalang tayo next time. Late na pala ako sa subject ko ee. Pumunta ka na ng clinic okayy?!" Sabi nya saakin habang tunatakbong nagpapaalam kaya kumaway na lang ako sakanya pabalik.
Susundan ko pa si Claud. Baka mamaya may ibang babae nanaman lumandi dun. Lapitin pa naman siya ng mga babae, kakainis! Mabuti nalang at natatakot ko yung mga ibang babae na gustong lumandi sakanya. Hindi naman kasi fuckboy si Claud, he is a serious type of person kaya iyon ang lalong nagustuhan ko sakanya.
"Asan na ba kasi yun?" Tanong ko sa sarili ko at inayos ko ang eyeglass ko. Hindi malabo ang paningin ko kaya lang dagdag get up kaya nagsalamin ako haha.
Ayun siya! Nandoon siya malapit sa garden ng school. Nagbabasa siya ng libro, ang gwapo na nga nya ang talino pa niya edi sya na haha. Actually ay lagi syang nasa top ng mga klase namin noong highschool at ngayon naman lagi syang nasa dean's lister.
Nagulat nalang ako nang ilagay niya na ang mga libro na binabasa niya kanina sa bag niya at tumayo saka nagsimulang maglakad.
"Claudius! Wait lang!" Sigaw ko kay Claud habang hinahabol siya pero naalala ko, bawal nga pala akong tumakbo.
Pero mukhang hindi niya ata ako narinig kaya bahala na kung atakihin man ako mamaya basta mahabol ko lang siya.
"Claud, sabag na tayo sa next subject natin." Nakangiting sabi ko sa kanyan.
Nagpalit na pala siya ng uniform. Samantalang ako ito madungis pa rin hahaha.
Magkaklase kasi kami sa isang subject at iyon ay ang P.E kahit hindi ako naglalaro ng anumang sports ay naging favorite ko ito dahil kablock ko siya.
Hindi niya ako sinagot at patuloy pa rin siya sa paglalakad habang ako naman ay nasa likuran lang niya.
"Hi Claud!" Bati ni Mia, isang malanding babae na patay na patay kay Claud KO.
Pero hindi naman siya pinansin ni Claud kaya napatawa na lang ako at binelatan si Mia. Mukhang nairita si Mia sa inasal namin ni claud.
"Oh,Alesea! Mukhang good mood ka ah." Sabi ng prof kaya ngumiti ako sa kanya.
Tumabi ako sa inuupuan ni Claud. Alam nanaman ng mga kaklase ko na walang pwedeng tumabi kay Claud kundi ako lang.
"Anyway, hindi tayo magP-P.E ngayon.'' Sabi ni prof at nagreact ang mga kablockmates ko.
Mabuti naman at walang PE ngayon. Lagi na lang kasi akong kulelat kapag P.E na ang paguusapan. Bawal kasi ako sa spirfs. Bawal akong mapagod.
Kami lang ni Claud ang hindi umangal kaya meant to be talaga kami.
Nagsimula na ang written exam. Pero si Claud ay nakatitig lang sa papel niya. Wala ba siyang ballpen?
Kaya kinuha ko ang isang ballpen ko at saka binigay ko sa kanya.
"Tanggapin mo na, baka wala kang masagot nyan sige ka." Sabi ko sa kanya at inuha naman niya iyon.
Napangiti naman ako kahit hindi siya nagthankyou sa akin. Atleast ay hawak niya ang isang bagay na pagmamay-ari ko. Hindi ko na ipapahawak sa iba ang ballpen na iyan mamaya.
After ilang minutes ay natapos na rin ako. Ako ang unang nakapag-pasa ng paper kay Prof.
Habang pabalik ako sa chair ko ay nararamdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Mukhang ngayon pa ata ako aatakihin ng sakit ko. Pasimple akong humawak sa dibdib ko at hinagod ko iyon, huminga rin ako ng malalim pero hindi pa rin ako makahinga kaya nagpagpasyahan ko na lumapit kay prof para makapag-excuse.
"P-prof, pwede na po ba akong lumabas?" Tanong ko sa kanha. Kahit nahihirapan ako magsalita ay pinilit ko pa rin na maging okay. Baka mamaya makahalata sila ee.
"Sige Ms.Stuish, tapos ka din naman ee." Sabi niya sa akin kaya tumango ako.
Bumalik ako sa upuan ko at inayos ang bag ko.
"Claud uwi na ako aa. I love you!" Sabi ko kay Claud at lumabas na ng room.
Dumiretso ako sa clinic ng school.
"Ano ba kasi ang ginawa mong bata ka? Napagod ka ba?" Tanong sa akin nung nurse habang nagiinhaler ako.
Hindi na ko makasagot dahil tumutulo na ang luha ko. Ang hirap, hindi ako makahinga. Parang pinipiga ang puso ko.
"Sabi ko naman kasi sayo na malala na ang sakit mo" Sabi pa nung nurse.
Hindi, hindi ko siya pwedeng iwan. Siya ang dahilan kung bakit pa ako nabubuhay ngayon. Kung bakit sa araw-araw ay mas lalo kong pinapalakas ang sarili ko.
Kakayanin ko ang sakit na ito para sa kanya.
Pumikit ako at humiling kay God na sana..
Sana... sana mapansin na niya ako. Sana... sana kausapin na niya ulit ako. Sana... sana balang araw masuklian niya ang pag mamahal ko sakanya. - Aerwyna Alesea Stuish
BINABASA MO ANG
W I S H (EDITING)
Short StoryWith a little luck, you can get what you wish for but is that luck enough?