The Band
"Okay class! Next week we will have our tour on tagaytay. Everyone should be there. Don't worry, first year college batch lang ang makakasama nyo. So here is the letter na ibibigay nyo sa parents nyo at papirmahan nyo kung papayag sila then tomorrow pass it to me. Okay?" Paliwanag ng Professor namin
"Yes sir!" Sabi naming lahat.
Tour sa tagaytay? Oh my gosh! Nakakaexcite, because it means na makakasama ko si Claud at ngayon pa lang gusto ko nang hatakin ang oras.
"Girl, do you think papayagan ako ni mama na sumama?" Bulong na tanong sakin ni Jess.
Oo nga pala, baka hindi payagan si Jess ng mama nya dahil sobrang strict nun at kung ano ano agad iniisip na baka daw madisgrasya kami o kaya may mang rape daw sakanya ganun.
"Kung hindi ka payagan edi video call na lang tayo para kunwari kasama ka na din namin." Sabi ko sakanya.
"Loka-loka ka talaga haha." Sabi ni Jess at nakipagdaldalan sa katabi niya.
"Remember class na three days tayo doon." Sabi ni prof habang dinidistribute ang mga letter sa amin.
Three days with Claud! Mygosh! Im super excited na.
Nang matapos ang subject ay lumabas agad ako ng room. Hahanapin ko pa si Claud, syempre may binake ako na cookies para sa kanya.
"Saan ka nanaman pupunta?" Pigil sa akin ni Jess.
"Syempre saan pa ba sya lagi pumupunta? Edi kay Claudius." Sabat naman ng boyfriend nya kaya inirapan ko silang dalawa.
Kumaway na lang ako sakanila at tumakbo na palayo baka kung ano nanaman kasi ang sabihin nila.
1:00pm na pala. So it means na vacant time niya ngayon. Sabi ko naman kasi sainyo na kabisado ko ang schedule nita araw araw.
Pumunta ako sa cafeteria, wala sya doon. Sa gymnasium ng school wala din maski sa basketball court wala. Pumunta na din ako sa locker room ng mga basketpall players.
"Ikaw yung nagbigay kay Claudius ng mga cupcakes diba?" Bungad sa akin ni Aidan.
"Ako nga, bakit?" Sabi ko naman sakanya. Lumapit siya sa akin, grabe! Nalula ako sa katangkaran niya. Hanggang balikat lang ata ako ee.
"Wala naman. Binigay niya kasi sa akin yung gawa mo, ang sarap!" Sabi ni Aidan at umalis sa harapan ko.
Hindi siya ang kumain ng cupcake na gawa ko? Okay lang, baka siguro busog pa siya noong mga time na yun kaya ipinamigay niya na lang sa iba. Oo iyon siguro ang rason.
"Nasaan si Claud?" Tanong ko kay Steve. Ang asawa ng pinsan kong si Jennie, actually arranged marriage lang sila kasi feeling ng parents nila nasa sinaunang panahon pa sila.
"I don't know." Sabi niya saakin at umalis na. Taray ni kuya aa lagi na lang masungit paano kaya siya natitiis ni Jennie. Perfect combination sila si Jennie mataray tapos si Steve ang sungit diba? Bongga!
Pumunta na lang ako doon sa locker ni Claud. Mabuti naman at laging bukas ito kaya inilagay ko ang box ng cake doon.
Lumabas na ako ng locker room, napagpasyahan ko nang umuwi. Tapos nanaman ang mga subjects ko ngayong araw.
"Mom, sasama ako sa tour namin sa tagaytay aa? Three days kami duon kaya hindi kita matatawagan okay." Sabi ko kay Mama. Tumango lang siya at binabaan ako ng telepono.
"I love you" I whispered on the telephone and closed my eyes.
Hays, ang swerte ni ate dahil siya mahal na mahal siya nila mama at papa but here I am nagiisa. I was engineered, I was not made because of love I was made because of my sister. She suffered from leukemia when she was six so in order to save her, they made me and she was saved but here I am no one is willing to save me even myself I can't save. Funny isn't it? I saved my sister but I can't save myself.
BINABASA MO ANG
W I S H (EDITING)
Kısa HikayeWith a little luck, you can get what you wish for but is that luck enough?