Second Wish

29 4 1
                                    

Rain

"Where is he?" Im looking for Claud habang hawak hawak ko ang box na may laman ng mga cupcakes I made this for him hihi.

Hinahanap ko si Claud cause i'll give this to him cause today is his birthday! And hindi na din kasi kami nagkita kahapon pagkatapos ko kasi sa clinic ay pinauwi agad ako ng nurse so no choice ako kundi sundin siya.

"Huy Wana! Baka naman maging leeg na ng giraffe yang leeg mo. Sino ba kasi hinahanap mo?" Napatingin ako sa gilid ko. Aa si Jess lang pala, kasama din sya sa barkada.

"Hinahanap ko kasi si Claud. Hindi ko naman sya makita." Sabi ko sakanya at nilapag ang box ng cupcake sa isang table.

"Baka may klase lang siya." Sabi pa niya sa akin.

"Wala siya doon sa first subject nya. Alam ko ang schedule nya no!" Sabi ko sabay irap at umupo nalang. Nandito ako sa room ng first subject ko at kablock ko si Jess

"Grabe. Martyr ka talaga friend!" Sabi nya saakin kaya inirapan ko nanaman sya. Wala naman magandang maidudulot kung patulan ko pa siya sa sinabi niya sa akin, sanay na ako sa kanila dahil halos apat na taon kaming magkasama

"Kasi naman ee, ibibigay ko sana ang cupcakes na ito." Sabi ko sa kanya at kinuha ang box ng cupcake.

"Teka, kayo na ba?" Tanong saakin ni Jess kaya nanahimik ako.

Kami na nga ba? Ano isasagot ko? Na 'Oo kami na yun nga lang hindi nya alam.' Syempre naman at hindi ko isasagot iyon, masyado naman akong feelingera kapag sinabi ko iyon atsaka baka malaman ni Claud iyon, lalo pa akong layuan.

"Uy! Cupcake!" Nagulat akong may humablot ng cupcake na hawak ko.

Si Gab lang pala. Siya ang kumuha ng cupcake, isusubo na nya sana buti na lang at hinablot ko pabalik saakin kung hindi wala akong maibibigay kay Claud.

"Hindi ito para sayo!" Sabi ko sa kanya at hinablot sakanya yung box at binalik duon ang cupcake. Pinaghirapan ko pa naman na ibake ito kagabi.

"Edi para kanino naman yan?" Tanong sakin ni Gab.

"Babe, para kay Claud yan." Sabi naman ni Jess sa boyfriend niya. Oo, magboyfriend at girlfriend sila.

"Talaga babe? Naku po, ang swerte naman ni Claud pero ikaw malas hindi ka man lang pinapansin." Sabi nya sabay tumawa ng mahina. Pinalo naman sya ni Jess at binelatan ko naman buti nga sakanya.

"Alam nyo, manahimik nalang kaya kayo kung wala din naman kayong matinong sasabihin." Sabi ko sakanila at umirap.

Nang matapos ang klase ko ay hindi ko namalayan na 12:30pm na pala. Hindi pa pala ako nakakakain simula kaninang umaga. Maaga kasi akong pumasok para lang hanapin si Claud pero nabigo naman akong makita siya dito sa loob ng campus.

Nagpaalam naman sa akin sina Jess and Gab na may date daw silang dalawa kaya hindi na ako sumama sa kanila. Si Rośe naman hindi ko alam kung nasaan.

Napadaan ako sa locker room ng mga baskeball players. Ee kung iwan ko kaya tong box ng cupcake sa locker ni Claud? Tama! Iyun na lang ang gagawin ko.

Basketball player kasi si Claud dito sa St.Joseph University. Iyon kasi ang favorite sport niya at maski ang swimming. Simula naman noong sumali siya ng varsity nang mag-college kami ay hindi ko pa siya nakikitang naglalaro, ayaw nila akong panoorin kahit man lang sa practice nila.

"Miss, bawal ang babae dito." Sabi nung lalaking nakajersey. Kilala ko ito, si Steven, basketball player din.

"Ano ka ba naman Steve! Okay lang yan. Hi miss beautiful, I'm Aidan by the way." Ow ito ang fuckboy ng St.Joseph. Minsan kasi ay nakikita na lang ito na may kahalikan kahit saang lupalop ng St.Joseph at take note iba't ibang babae pa.

Sikat ang mga basketball player ng St.Joseph dahil hindi lang sila sa pagbabasketball magaling kasi magaling din sila kumanta at sa iba't ibang instrumento. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanila pero I dont give a fuck about them. Basta para sa akin ay si Claud ang the most handsome and the mvp of my life.

Actually marami din ngang mga babae nagkakagusto kay Claud. But I always scared them and even blackmail them kung hindi nila lalayuan si Claud. Mukha naman effective ang ginagawa ko dahil ni isa ay walang lumalapit sa kanya.

"Saan ang locker ni Claud?" Tanong ko sa kanila.

Masyado akong loyal kay Claud kaya hindi ako namamansin ng ibang lalaki. Okay na okay na ako kay Claud dahil sakanya wala na akong ibang hihilingan pa.

"Ano ka ngayon?! Inis-snoban ka lang haha." Pang-aasar ni Steve kay Aidan.

"Locker ni Claud bakit? Anyway ayun yung locker nya." Turo ni Aidan sa isang locker na malapit sa pinto kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Mabuti na lang at bukas ang locker ni Claud kaya madali kong nailagay itong cupcake.

Lumabas na ako doon sa locker room at pumunta sa library. Matutulog na lang siguro muna ako kaysa sa kumain. Nakakatamad naman kasi kumain ng walang kasama.

Mabuti na lang at wala masyadong tao rito sa library kaya pumunta ako sa table dun sa dulo para hindi ako makita ng taga bantay ng library masungit kasi yun ee. Pinatong ko na lang ang bag ko sa table para maging unan ko hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

*6hours later*

"Miss gising na! Ginawa mo pa itong kwarto mo basahan ito ng libro hindi tulugan." Sabi ng isang estudyante dito at umalis na rin sya pagkatapos nya ako ginising

Anong oras naba? Oh gosh!! 6pm na?! Patay ako nito! Wait, wala palang nagaantay sakin sa bahay naalala ko mag isa na lang pala ako.

Malamig sa labas at hindi ko namalayan na umuulan na pala. Wala naman akong payong na dala dahil mabigat sa bag kaya naman tumakbo ako hanggang sa marating ko ang waiting shed sa tapat ng school gate namin.

Habang nagaantay ako nakita ko ang sasakyan ni Claud kinakawayan ko ito para sana makisabay ako sa kanya pauwi

"Claudius!!! Claud!!" Sigaw ko habang kinakaway ang kamay ko sakanya pero mukhang hindi naman nya ako nakita kasi tuloy tuloy lang sya sa pag dridrive

Hays! Ang malas ko naman bakit kasi wala ng masakyan pag ganitong oras na. No choice ako kung hindi maglakad na lang malapit lang din naman dito ang bahay namin ee.

Basang basa na ako sa ulan, bakit kasi hindi ko dinala ang payong ko ee. Nagulat ako nang marining kong tumunog ang tyan ko.

"Hindi pa pala ako kumakain." Sabi ko sa sarili ko habang hawak hawak ko ang tyan ko kawawa naman ang mga alaga ko ginutom ko sila

Pumasok ako sa Mcdo kahit na basang basa ako. Gutom na talaga ako ee may magagawa ba sila.

Ngayon lang naman ito ee, hindi na ito mauulit pa. Abah! Nakakahiya kayang pumasok sa Mcdo na basang basa ka sa ulan parang nag eemo lang at isa pa baka mamaya himatayin pa ako sa gutom dyan sa daan kung hindi pa ako kakain ngayon.

Pagkatapos ko kumain ay tumigil na ang ulan kaya pagdating ko ng bahay ay hindi na ako ganong basang basa. Naligo lang ako saglit at pumunta na ako sa aking kwarto.

Dear Claud,

Kailan mo ba ako papansinin? Minsan iniisip ko na sumuko na kaya ako? Pero paano ako susuko sayo kung ikaw na nga lang ang tanging lakas ko. Please Claud give me some chance to show my love for you. Kahit hindi mo na ako mahalin basta alam kong nasa tabi lang kita at pinapansin ako yun lang ang tanging hiling ko sayo.

Nag-mamakaawa,
Aerwyna Alesea Stuish

W I S H (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon