Chapter 1

5 0 0
                                    


[Krizza's POV]

" ANO BA BILIS! " bulyaw sa akin ni Ate.

Ako si Krizza Chou. At yung bumubulyaw sakin yun ang nawawalang kapatid ng Godzilla.

" TANGINA ATE ISANG ORAS PA BAGO MAGSIMULA YUNG KLASE BAKIT BA ATAT NA ATAT KA? " sigaw ko sakanya mula sa kwarto ko.

Nanaginip kasi ako tapos bigla bigla niya kong gigisingin. Mabangungot sana siya mamayang gabi. Joke lang ate hehe

Tumakbo na ako pababa ng hagdan para sumabay sakanya papasok.

" Ano ba yan bagal mo! " huling sigaw niya sa akin bago kami sumakay ng kotse.

--

Nandito na kami sa school pero naninibago ako kay ate kasi agad ba namang tumakbo palayo.

Hibang na ba siya o nakahithit lang talaga ng katol? Dati sasabayan niya pa ako maglakad hanggang sa classroom ko. Ngayon aba wala pang isang kilometro ang layo namin sa kotse, iniwan na niya ko? Hahahanep!

Pumasok na ako sa classroom at tulad ng inaasahan ko konti palang ang tao.

Ihiniga ko yung ulo ko sa mesa dahil inaantok pa ako.

Napansin ko na may isang lalaking pumasok sa room namin. Pero hindi ko siya kilala.

" Kuya namali po ata kayo ng classroom

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Kuya namali po ata kayo ng classroom. Hehe. " pagkausap ko sakanya.

"Class 9A 'to diba?" pagtatanong niya sa akin kaya tumango ako.

Medyo nag-process pa sa utak ko. Bago ba siyang prof? Pero parang ka-edad lang namin siya. Huh? AH SIYA YONG TRANSFEREE!

"Ikaw yung transferee?" tanong ko sakanya. Pero ngiti lang yung sinagot niya sa akin at nagets ko na iyon.

Umupo siya sa upuan sa tabi ko. Ang familiar ng mukha niya sa akin. Kamukha niya yung mapapangasawa ko. Joke lang.

Pero kung tititigan mo siya, ang gwapo niya. Yung ilong niya kahit malaki bagay niya.

" Kring kung tititigan mo ako. Pwede mo ko picturan para mas tumagal. " sambit niya.

"Pa-paano mo nalaman yung pangalan ko?" pagtatanong ko sakanya.

Yumuko nalang siya sa mesa niya at mukhang antok rin.

Pero ano yung tinawag niya sa akin? Kring daw? Ang tagal ko nang hindi naririnig yon ah. Pero pano niya nalaman yun? Nakilala ko na ba siya dati?

--

Dumating na yung teacher namin pero natutulog parin si transferee kaya naisipan kong gisingin siya.

"Uy gising na..." tawag ko sakanya.

"Hoyyyyy!" sigaw ko ng pabulong at tinusok tusok na yung pisngi niya.

Unexpectedly (ONGOING) TzuKookWhere stories live. Discover now