Chapter 7

4 0 0
                                    

Chapter 7

Krizza's POV

"Tara na kaseeee~" hinila niya pa yung bag ko.

"Ayoko nga. Kakulet namaaaan!" pag-ayaw ko pero parang hindi niya narinig dahil hinila na niya ko pasakay sa jeep.

"Kada nangungulit ka sakin Luke feeling ko tumatanda ako ng 5 years! Hayysss" nakita ko naman siyang ngumisi kaya lumingon ako sakanya.

"Ang saya naman pakinggan niyan." aniya habang nakangiti na.

"Anong masaya don?!"

"Tumatanda ka kasama ako..." seryosong sambit niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Luh? Gago ka ba?" pambabara ko

"Bakit? Kala mo sweet yon? Lul kapal! HAHAHAHA!" napahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa.

#UlolNaSiLuke

"Sinabi ko ba na akala ko sweet yon?" Pangtataray ko sakany.

"Sinabi ko bang may sinabi kang sweet yon?" Laban niya

"Sinabi ko bang may sinabi ka na may sinabi ako na sweet yon?!"

"Sinabi ko ba na may sinabi ka na may sinabi ako na sinabi mo na sweet yon?" mahinahon parin siya.

"Sinabi ko ba na may sinabi ka na may sinabi ako na--wait ano? Ahhh basta wala akong sinabing ganon!"

Nag-give up na ko dahil mukhang walang balak sumuko 'tong kalaban ko.

"Manong para! Dito na po!"

Bumaba na kami. Saktong pagbaba ko ng jeep nakita ko na may paparating na sasakyan na black na sobrang bilis ng pagtakbo.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Buti nalang may humila sa akin papunta sa may sidewalk.

"Okay ka lang?"

Sinundan ko ng tingin yung black na sasakyan na sobrang tulin magpatakbo.

"Hoy Krizza! Ayos ka lang ba?"

*snap*

"H-ha? A-ano?" pakiramdam ko ang balisa ko tuloy.

"Buti nalang nakita ko kayo kung hindi baka ano nang nangyari sa inyo."

Si Gelo pala...

"S-salamat..." nahihiyang sambit ko.

"We'd like to stay and chat Gelo pero may kailangan kasi kaming puntahan eh. Bye! Salamat ulit sa pagligtas!" hinila na ako ni Luke palayo.

"Tara doon tayo!" tinuro ni Luke yung store na puro dress saka ako hinila papalapit doon.

Wow baka mabali kamay ko fren. Lakas humila netong kasama ko.

#BaliNaYungBonesKo

"Bakit dito?" pagtataka ko

"Basta..."

"Maganda ba 'to? O eto? Kung eto kaya?" turo siya ng turo sa iba't ibang dress dito sa loob ng store.

"Eh bakit kasi pangbabae? Para kanino ba kase? Hindi ka naman close sa ibang baba-- DON'T TELL ME BAKLA KA?!" bigla akong napatayo sa na-realize ko.

Nakita ko namang tumalim yung tingin niya sakin, "Tangina mo ka?!" inis na sambit niya.

"Informed ka naman sigura na public place 'to diba?! At hindi ako bakla!" pabulong niyang sigaw sa akin.

"Nye~ nye~ nye~ nye~" pang-aasar ko sakanya saka nag-make face.

"So para kanino nga?" tanong ko.

"Pumili ka nalang at sukatin mo. Tapos sabihin mo sa akin kung gusto mo." seryoso na yung mukha niya ngayon.

"Hmm~ sige!" sambit ko nalang.

"Eto nalang po ate saka eto yung susukatin ko." sabi ko sa saleslady at tinuro yung pinili ko.

Sinukat ko na yung dress at lumabas ng dressing room para ipakita kay Luke yung damit.

"HOY!" sigaw ko para makuha yung atensyon niya.

Napatingin siya sa akin at nakanganga pa siya kaya hindi ko napigilang matawa sa reaksyon niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napatingin siya sa akin at nakanganga pa siya kaya hindi ko napigilang matawa sa reaksyon niya.

"Na-starstruck po ata boyfriend niyo sainyo ma'am." bulong sa akin ng saleslady.

"Hindi ko po siya boyfriend." bulong ko pabalik.

Nakita ko naman na parang na-dissabpoint siya at narinig ko siya bumulong ng 'sayang bagay pa naman'

"LUH ANO NA?" sigaw ko dahilan para matauhan siya.

"Yan na ba? O yung isa? Diba dalawa napili mo?" tuloy tuloy niyang tanong.

"Ipapakita ko lang naman. Oo dalawa pinili ko." sabi ko sabay talikod sa kanya para isukat yung isa pa.

Sinukat ko siya at hindi ko alam kung alin yung mas maganda. Lumabas ulit ako ng dressing room pero hindi na ko sumigaw dahil naabutan ko siyang naghihintay sa saktong tapat ng dressing room kung nasaan ako.

 Lumabas ulit ako ng dressing room pero hindi na ko sumigaw dahil naabutan ko siyang naghihintay sa saktong tapat ng dressing room kung nasaan ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tinignan ko siya para alam ko opinyon niya pero hindi siya nagsalita at tumitig lang sakin kaya hindi ko inalis yung tingin ko.

"OH SIGE HALA SIGE! MAGTITIGAN NALANG TAYO DITO AT WAG NANG BIBILI!" sigaw ko.

"S-sorry. B-bagay mo..." sambit niya.

"Y-yung dalawa ba? Alin yung napili m-mo?" bat utal magsalita ang isang 'to ngayon?

Nagkibit-balikat nalang ako, "ewan ko sayo" sabi ko.

Nang tumingin ako sakanya hindi niya parin inaalis ang titig niya sa akin. What the hell is wrong with this guy?

 What the hell is wrong with this guy?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*

Unexpectedly (ONGOING) TzuKookWhere stories live. Discover now