Chapter 2

6 0 0
                                    



[Krizza's POV]

Papasok na ko ng school at katulad ng nangyari kahapon. Tumakbo na nanaman si ate. Sa tingin ko kailangan ko na masanay mag-isa maglakad. Sanay naman ako mag-isa eh.

" Kringgggg! " rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

Tinignan ko yung pinanggalingan ng boses at nakita ko si Luke na papatakbo papalapit sa akin.

Pagkalapit niya sa akin ay inakbayan niya ako at nakisabay sa paglalakad ko. Tinabig ko yung kamay niya dahilan para matanggal yung pagkakaakbay niya sa akin.

" May problema ka ba? " rinig kong sabi ni Luke.

" Wal-- " naputol yung sinasabi ko ng mapatingin ako sakanya. Hindi pala ako yung kausap niya.

" Gelo... " mahinang bulong ko.

" Wala naman. " maangas na sagot ni Gelo.

Siya si Angelo. Isa siya sa anim na ugok na sikat dito sa school namin. Hindi ko alam pano sila sumikat pero ang alam ko lang ay ito ang pinaka maangas sa kanilang anim.

" Bakit kailangan mo pang banggain yung balikat ko? " matapang na tanong ni Luke sabay tulak kay Gelo. Hindi niya yata kilala kung sino yung kinakanti niya.

" Luke tama na. Tara na baka malate pa tayo. Gelo, sorry sa inasta niya. Transferee kasi siya eh. " pagpapaumanhin ko kay Gelo. Kahit na ayaw ko yung tropa nila syempre ang pangit naman tignan na yung isa sa mga pinakasikat sa school ay inaway ng babae diba? Hindi naman naging kami eh.

" Ehem. "

" Ano? " nagtatakang tanong ko kay Luke. Tinignan naman niya yung kamay niya kaya napasunod na rin ako ng tingin.

" Sorry. Hehe. " sabi ko sabay bitaw ng kamay naming magkahawak.

Sabay nalang kaming naglakad papunta sa classroom. Pagpasok namin sa classroom umupo na kami sa kanya-kanyang pwest.

" Yung kanina pala... " pagsisimula ni Luke ng usapan.

" Napano? " tanong ko.

" Sino siya? " curious na tanong niya.

" Ah yon si Gelo. Isa siya sa anim na lalaking pinakasikat sa school natin. Kaya dapat kilalanin mo yung mga kinakanti mo ha. " pangangaral ko sakanya.

" Yung Gelo... nanliligaw ba yun sayo? " seryosong tanong niya sa akin. Nagulat naman ako sa tanong niyan 'yon.

" Ano? Hindi 'no HAHAHAHAHA. " matawa-tawang sabi ko sakanya. Hindi ako nagpahalatang gulat.

Pero saan naman niya nakuha 'yon? Si Gelo? Isa sa mga sikat na school manliligaw sa akin. Malamang hindi. Layo ng agwat anuuuu HAHAHAHA

" Yung tingin niya sa'yo iba. Parang may pagtingin. " seryoso paring sambit niya.

" Alangan namang may pang-amoy diba? HAHAHAHAHA " pagbibiro ko.

" Bahala ka sa buhay mo. Walang kang kwenta kausap. WALAAAA! " sigaw niya saka yumuko sa mesa para matulog.

Matutulog na nanaman siya? Hindi ba siya napapagod sa pagtulog? Tapos ano? Gigisingin ko na naman siya?

--

Pumasok na yung teacher namin. Nagulat ako nang biglang napa-upo ng maayos itong nasa tabi ko. Lakas ng instinct ngayon ah.

" Buti naman nagising ka ngayon. " tanong ko sakanya ng nakangisi.

Tumingin lang siya sa akin. His eyes look very droopy. Gaano ba kaantok ang isang 'to?

" Hindi na sana kita gigisingin eh. " pang-aasar ko.

" Hindi mo naman talaga ako ginising. Mag-isa ako gumising. " inaantok na sagot niya parin sa akin.

Wala na ko masagot sa kanya kaya nakinig na ko sa teacher.

--

As usual, ano pa ba? Vacant namin. Which means, PAGKAIN!!!!!

Kasabay kong kakain si Luke. Walang kibuan sa amin hanggang sa makarating kami sa canteen.

"Bibili lang ako ng pagkain." sabi niya tapos tumayo.

"Pabili na kooooo." paghabol ko sakanya sabay abot ng pera.

"Ok sige magkano ka?" hindi ko mawari kung seryoso ba siya o sarcastic. Kasi naman ang seryoso ng mukha niya.

"Tawa na ba ko? HA-HA! Oh ayan dalawa na yon sagad mo hanggang next year. Bili mo na ko puds." mahabang litanya ko sakanya.

"Ulol bili ka ng sayo." pagsusungit niya.

"Yiee papi sige na papi." pagkulit ko sakanya sabay pa-cute. Malay mo umepek ano!!

"Sige na nga! Ano ba kakainin mo?" pilit na sagot niya. Yes, gumana aegyo powers ko. Ang cute mo talaga Krizza! Wooh!

Sinabi ko na sakanya yung order ko tapos bumalik sa table namin. Medyo matagal din siya kasi rice meals yung inorder niya. Kaya naman naghintay ako. Yumuko ako para magpalipas ng oras.

Napaangat ako ng ulo ng maramdaman kong may naupo sa tapat ko. Bakit siya nandito?

"A-anong ginagawa mo dito? Diyan nakaupo si Luke." sambit ko. Hindi naman sa tinataboy ko si Gelo pero kasi naman si Luke yung kasama ko.

"Sasabay ako sainyo." seryosong sambit niya.

"O-okay." utal na sagot ko. Hindi na ako aapela kasi may takot din ako sa isang 'to. Kahit na alam kong hindi siya nananakit o pumapatol sa babae. Syempre hindi ko siya susungitan baka mamaya maka-World Record ako dito ng "Pinakaunang Nasuntok ni Gelo" at ayoko namang mangyari yon.

Nakita kong papalapit na si Luke sa amin kaya umayos na ko ng upo. GUTOM NA KAYA AKO 'NO.

Nang makalapit siya dito sa table namin napansin kong napatingin siya kay Gelo.

"Luke dito ka na." sambit ko sabay hila ng isang bakanteng upuan mula sa ibang table papunta sa tabi ko.

Umupo na siya doon at binigay yung pagkain ko.

"Uy yung sukli ko."

"Mamaya." sagot niya sabay subo ng pagkain.

Tinignan ko si Gelo at napansing wala siyang kinakain.

"Gelo hindi ka ba kakain? Bakit wala yung ibang ugo--i mean yung iba mong kasama?" tanong ko sakanya. Tengeners muntik ko na silang matawag na ugok.

"May ginagawa silang lahat. Ge alis na ko. Akala ko mag-isa ka lang may kasama ka palang ungas." sambit niya sabay tayo.

Akmang papatulan na sana siya ni Luke pero pinigilan ko siya.

"Anong sabi ko sayo?" pagtatanong ko sakanya na may halong pangangaral.

Umupo na siya ulit saka patuloy na kumain.

Pero napano si Gelo? Weird...

----
Si Gelo yung nasa multimediaaaaa

Yiee ang lame HAHAHA

Twitter. : @adorbesbangtan

Votes and Comments

Unexpectedly (ONGOING) TzuKookWhere stories live. Discover now