Chapter 9.
Shocking News.Anastacia's Pov.
The party ended early for me and Karina. We decided to head to our dorm room ng makabalik na kaming muli sa auditorium.
Good thing dahil hindi na ako nagpakahirap pang yayain siyang bumalik sa dorm dahil siya na mismo ang nagmakaawa sa akin. She literally begged not that I want her to do so.
The moment na nakita niya si Buzz na palingon-lingon sa paligid ay nagmakaawa na siyang bumalik na kami sa dorm room namin.
Pansin sa mukha nito ang pagkainip at pagkainis. Guess the man looked for us for ages. Uhmmm... maybe just for Karina. Alam naman na niyang wala akong pakialam sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa kanilang dalawa noong umalis ako kagabi at iwanan sila. Sa hitsura kasing pinakita ni Karina ay para siyang nahihintakutan. Mukhang natrauma ang gaga sa kung ano man.
I wanna laugh out loud but I ended up stopping myself on doing so.
Ang bruha kasi'y ang lakas magbiro noong kaming dalawa ang magkasama pero noong nakita si Buzz, dinaig na ang taong may dyspepsia sa hitsura niya.
Ikakaway ko sana ang isa kung kamay pataas ng mapansin kami nito pero bago ko pa yun magawa ay hinila na ako ng brattenella at humalo na sa kumpulan ng ibang studyante. Ang iba pa nga'y nasasagi na namin sa tuwing gumigiling sila sa dance floor na parang hindi nauso ang may bukas pa.
Naumay na akong manlaban at nakakapagod na ring masaktan sa tuwing bumibitaw ako sa kanya kaya nagpahila na lang din ako dahil gusto ko na ding umuwi.
Nababagot na ako. Na-oop pa. Kaya mas maigi pang umuwi na lang ako ng makatulog na ng maging maayos na ang takbo ng utak ko.
"Matagal ka pa?" Tanong ni Karina. I look at her at pinagtaasan ng kilay.
Nakaupo ako sa sofa at nagbabasa ng libro habang nagrereminisce ng mga nangyari noong nakaraang gabi. Isa na rin siguro yun sa dahilan kung bakit nasa ikalawang pahina pa lang ako ng librong hawak ko. Wala din naman kasing pumapasok sa utak ko.
Isang araw na pala ang lumipas ng matapos ang annual ball. Maigi nga at nagkaisip ang LU at hindi kami pinapasok agad. Malamang bangag ang karamihan sa mga studyante kung sakali. Pero parang kahit wag na lang sana dahil araw-araw pa din namang bangag ang mga studyante sa school na ito.
"Ang dapat mong sinabi I'm done." Irap ko dito. Pano ako pa talaga ang tinanong ng ganun eh kanina pa siya sa kwarto niya. Langit lang ang may alam kung anong ginagawa niya doon sa loob ng kwarto niya at langit lang din ang may alam kung bakit antagal niya. "Sabi mo wait for a minute, pero five minutes na, mahabaging langit... wala ka pa din."
She pouted. Inirapan ko siya. Naalala ko bigla ang tanong ko sa sarili ko dati pa. Yung bakit ba ang hilig ng mga taong magpout? Akala nila lagi kamuka nila si Angelina Jolie. Hindi nila marealize na mas kamukha nila si duffy duck. Kasing idiot din kung minsan.
"Namili pa ako ng damit, wala kasi akong maisuot." She answered.
Tinaasan ko ito ng kilay. "Parang clothes section na ng department store ang closet mo, wala ka pa ding mapili?" I sarcastically ask. "Dapat sinabi mong pag wala pa ako ng five minutes, mag-antay ka pa ng mas matagal para alam ko di ba." Mahaba kung litanya. Yun na ang mahaba saakin so bakit ba?
She tsked. "I have like, nothing to wear pa din naman kahit pang department store na ang dami ng mga clothes ko."
I shook my head and stand up. "Whatever conyo queen." Yun na lang ang tanging nasabi ko at nauna ng maglakad palabas. Ayoko maglock ng pinto kaya kailangan mauna akong lumabas.
BINABASA MO ANG
Dracula's Obsession
Vampire"Little love bug, uunti-untiin kung uubusin lahat ng meron ka hanggang sa ako na lang ang matira." Dracula Vain Liandore