Chapter 21

8 2 0
                                    

Chapter 21: Day 15 

~Monday~

****Akih****

"Gising na Alanna Akih Dela Cruz!!. Nako ikaw bata ka pag ikaw hindi pa bumangon diyan ipapalinis ko sayo ang buong bahay!!" Hala!! 

"Gising na ako mama. Sus! nauna pa nga ako saiyo nagising eh" Dali -dali akong bumangon at nag exercise 'kuno'

Nang umalis si Mama sa kwarto ay napa singhap ako at umupo sa kama. 

"Bayan, sarap pa nang tulog ko eh. Panira si mama" Agad akong tumayo at pumunta sa Cr. Naligo na ako at nakapagbihis na. 

Bayan nakakapagod naman kumilos gusto ko pang matulog. 

*****
"Laki ng eyebags mo, Akih!!" Tinignan ko ng masama yung hinayupak kong mga classmates. Bwisit! 

Pumunta na ako sa upuan ko at hinintay ang napaka tagal naming teacher. Pa VIP masyado eh dapat siya pa tong nauuna sa mga student's niya eh. Naiinip na ko, gusto ko pa talagang matulog, pag yun hindi pumunta. 

"Excuse me students" Napatingin kamiang lahat sa isang babae na pumasok sa room namin. Isa sa SSG.

"Uhm, Good Morning. Pag pasensyahan niyo na po pero wala po si Mrs. Reyes, sana naman po ay maging tahimik kayo para hindi natin magambala ang iba pang nagkaklase" Sabi niya at agad-agad na umalis. Swerte ko talaga, pwede pa akong matulog. 

Isinubsob ko na yung mukha ko sa desk pero ang ingay ingay ng classroom namin. Bayan! paano ako makakatulog? 

Kinuha ko ang mga importanteng bagay sa bag ko at malis na ng room. Tinignan pa ko nang iba kong baliw na classmates at nagpatuloy na sa mga ginagawa nila ng nakalabas na ako. Pumunta ako sa library. 

Pumunta ako sa pinakasulok nito para hindi mapansin ng librarian para hindi mapagalitan. Sasabihan na naman ako nun na 'Library ito hindi kwarto' hahamblusin ko talga mukha niya eh. 

Umupo ako at kinuha ang isang malapit na libro binuklat ko ito at hinarang sa mukha ko para hindi makita na natutulog lang ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko, ayoko nang pumunta sa mga amusement park's nakakapagod talga pag uwi mo. Nakakapagod sa ngalangala sa kakasigaw. 

****Daike****

"Buti naman at naisipan mo ding ibalik ang libro na to dito. Akala ko pa naman itatago mo na talga to sa inyo" Napakamot ako sa ulo ko! Nakalimutan ko lang talgang ibalik yan dito. Sensya makakalimutin. 

Sinuri ko ang library at naghanap ng mahihiram ulit na libro, hanggang sa napunta ako sa pinaka sulok nito. Naguluhan ako nang makita ang isang babae na nakasubsob ang mukha sa mesa at may nakatakip na libro. 

Lumapit ako at umupo sa isang stool, tinignan ko lang ang babae at dahan-dahang tinanggal ang libro. Curious lang ako ah, wala akong gagawing masama sa babaeng to. Mamaya maging lion pa to eh. 

Nang makuha ko na ang libro ay tinignan ko ulit siya, nakaharang ang mga buhok niya sa kanyang mukha. Magulo ito na akala mo ay nakipag sabunutan pa. Nagdadalawang isip ako na ayusin ang buhok niya at titignan lang ang mukha niya. 

Gagawin ko ba? 

Damn! 

Unti-unti kong tinanggal ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya. Napalayo ako ng kaunti ng malaman kong si Akih iyon. 

May mga tanong na naglalaro sa isipan ko. 

Kung bakit siya nandito?

Bakit siya natutulog dito?

Hindi ba siya papasok?

Napatingin ako sa relo ko, malapit na mag next subject. Sh*t gusto ko nang umalis pero parang may nagsasabi sa utak ko na wag tignan mo muna siya. 

The Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon