Chapter 20 (Part 2)

9 1 0
                                    

Chapter 20: Day 14 (Part 2)

_______________________________________________________

***Akih***

"Mama" tawag ko at dali-daling umakyat papunta sa kwarto niya. 

"Oh? tumakbo ka pa talaga pag ikaw nahulog sa hagdan bahala kang bata ka" Umupo ako sa kama. Nakakahingal naman tumakbo ng napakabilis sa hagdan. Hindi ko na yun uulitin dapat pag umakyat or bababa with poise and grace hahaha tas sabay wave.

"Kasi nga *inhale* *exhale*nandyan sa baba si.." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil dali-daling bumaba si Mama. Bayan dapat kasi sumigaw nalang ako. Bumaba ako ng hagdan with poise and grace, nakita ko sila mama na nagyayakapan. 

"Tch. Parang mga ewan tong mga to" sabi ko at umupo sa sofa. Umupo naman silang dalawa, kala ko nga hindi sila uupo eh.

"Kamusta sila dun?" 

"Ok lang naman. Pero si Papa humihina na" Napabuntung hininga si Mama. 

"Tita, kamusta naman po si Daddy?" tanong ko, matagal na nung huling umuwi siya dito. Namimiss ko na rin naman siya.

"Ok lang naman siya thou masyado siyang busy ngayon" Matapos sabihin yun ni Tita ay umakyat muna ako ng kwarto. Sakto nang pag paasok ko sa kwarto ay tumunog ang phone ko.

***

From: UNKNOWN

Hey, Can you go out with me? Not a date but, I don't take a no for an answer 

*****

To: UNKNOWN 

Who you? 

~Sent~

*****

From: UNKNOWN

Sorry, my bad. This is Rocco, I just wanted to have fresh air. So this means yes?

****

Napaisip ako kung sasama ba ako o hindi? Pero sabi niya hindi siya tumatanggap ng hindi? Bayern, gusto ko pang magpahinga eh. 

Bumaba ako at nakita ko pa rin silang nagkukwentuhan dun. Well matagal na rin naman nung bumisita dito si Tita kaya for sure miss na miss nila ang isa't isa. 

"Mama? lalabas ako okay lang ba?" Bulong ko kay mama. 

"Basta umuwi ka bago maggabi at dito maghahapunan ang Tita mo. Maganda pag sabay-sabay tayong kumain" Tumango ako kay mama at ngumiti. The best. 

Umakyat ulit ako at dumiretsyo sa kwarto. 

"WAAAHHHH..Ano susuotin ko!?!?! Wait, bat ba ako ganito. Baka naman may problema yung tao. Dapat presentable ka Akih, wag yung mukha ka na namang ewan." 

Kumuha ako nang isang white T- shirt at royal blue na ripped jeans. Tumingin ako sa full lenght na mirror napangiwi ako at isinuot na ang heels na sapatia ko. Tinuk-in ko yung bandang harap ng tee at konting ayos ok na.

~Ring~

****

From: Rocco

I'm here waiting downstairs :)

****
Ang bilis na man ni rocco kaya nagmamadali akong pumunta sa ibaba upang salubongin ang aking bisita at ayun nga nakita ko siyang akusap niya si tita at mama masaya pa nga silang nag ku-kwentuhan eh. Habang iniintay ako bumaba.

"Kayo na ba? Are you two together?" napatingin ako kay Tita gulat na gulat ako dahil sa reaction niya parang okay lang sa kanya. Bet ata kasi gwapo baliw ang mga kamag-anak ko.

The Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon