Story Criticized :
KnightsglaiveGenre : Fantasy/ Adventure/ Action
Author : _Japeh
------------------------------------------
"When the light is near, shadows will appear. Together, I will spread fear."
Freid Mercado, nag-iisang nakaligtas sa Public Sector nang lipulin ito ng Private Sector, tawag nila sa kanilang grupo na mga anak ng lumikha. Ngunit sa kabila ng kamalasang dumapo sa kaniya ay may binigay sa kanyang pagpapala. Si Guiron.
Magawa kaya niya ang iaatang sa kaniyang tungkulin at maging ang pagtalo sa kadilimang nasa kaniyang loob? O kaya nama'y matutulad siya sa mga naunang nakatikim ng sumpang hatid ni Guiron?
----------------------------------------
Bago simulan ang paggisa sa putaheng inihanda ni Japeh ay isa munang pagbati sa bagong miyembro ng dark tavern.
Welcome to the group
elyon0423 --- The Apprentice Witch.------------------------------------------
yoshiro_hoshi 's Review
Hi Japeh! Ito na ang review ko sa Knightsglaive. Pasensya na kung delay ng ilang araw ang review ko. Hindi kasi ako makapagsulat ng review dahil busy...
Anyway! Ito na!
World Building: This is one of your strenghts! Nakita ko agad at na picture out ko ng mabuti ang mundo mo. Malinaw ang pagkakaiba ng Private Sector sa Public Sector. Similar sa kung papaano ko ipinakita ang Holy Land of Agrivan at ang Providence. Ang pinagkaiba lang ng sa atin, yung sa iyo ang nakikita ko ay parang modernong floating city kung saan naroon ang mga mayayaman, at yung mga pinagpala ng kapangyarihan. Habang ung mga nasa public sector naman parang mga itinapon ng community, matao, hindi magandang tirahan ng tao. Ang isa pang nagustuhan ko ay kung paano mo pinakilala ang ibat iba pang lugar at syudad at ang shreya. Ang isa pa sa nakapagpaganda sa gawa mo ay ang narration. Good for that!
Characterization: one of your strong points! Ang nagustuhan ko rito ay ang character development at ang changes ng mga character. Gusto ko ang ideya na lumalabas ang kapangyarihan ni Freid kapag siya ay nagagalit. Ang pagkamuhi niya sa mga nanakit kay Gio ang ginagamit nya para maging malakas. Nagustuhan ko rin ang isa pang katauhan ni Freid (correct me if Im wrong). Para silang ying-yang ang mabuti na sinusulsulan ng masama. Ang cool din ng mga kapangyarihan nila! Medyo inclinated nga lang sa mga common powers gya ng air, ice, fire at iba pa. Pero all in all, gusto ko ang mga ganoon. Isa pa sa mga nagustuhan kong karakter ay sina Conan at Galen kasi alam mo yun! Sungit sungitan sa umpisa pero sila din naman sa huli! Hahaha! Nag asaran pa sila na hindi nila type ang isat isa. Tingnan lang natin...
BINABASA MO ANG
Dark Tavern Dishes
RandomWhere members of the Dark Tavern kills each other's dream.