Simula

3 0 0
                                    


Isang linggo..

Oo tama Isang linggo

Isang linggong chat na nahantong sa..

Isang linggong kilig..

Isang linggong puyatan..

Isang linggong kantahan..

Isang linggong pasahan ng litrato..

At sa loob ng isang linggong iyon ay nakilala natin ang isa't- isa, ating mga hilig, pamilya, pati mga nakaraan

Ngunit bakit ganito ang nangyari?

Sa isang iglap ay nagulantang ako nang tayo'y nawalan na ng komunikasyon sa isa't- isa, ni chat wala akong nakita.

Bakit ganun?

Maaari mo bang ipaliwanag?

At sa isang linggong iyon ay sa hindi inaasahang pangyayari, ako'y nahulog.

Oo nahulog, hindi sa sahig kundi sayo.
Nafall ako ngunit aking ito'y di maamin kahit sa aking sarili.

Hanggang dito na lang ba?

Paki- usap huwag mo akong iwan sa ere.

Hanggang dito na lang ba?

Liwanagan mo ko kung bakit tayo humantong dito.

Hanggang dito na lang ba?

Dahil sa di malamang dahilan kumikirot ang aking puso.

Hanggang dito nalang ba?

Sabihin mo para alam ko kung ako'y aasa pa.

Panandaliang KiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon