Chapter One

643 22 8
                                    

Her POV

Saktong ika labindalawa ng hating gabi, bumukas na naman ng kusa ang mga mata ko. Isang magandang tinig ang aking naririnig. Parang ako mismo ang inaawitan n'ya. Ganito parati ang nangyayari sa'kin sa tuwing sasapit ang hating gabi.



Pilit ko lamang itong iwinawaksi sa aking isipan at pinipilit ang sarili ko para makatulog muli. Pero iba ngayon, parang may sariling buhay ang katawan ko at naglakad ito palabas ng aming bahay. Diretso lang ito sa paglakad hanggang sa makarating ako sa likod mismo ng aming tahanan kung saan may bangin. Tubig ang nasa ibaba nito na parang nasa pinakagitna na ng dagat ang lalim.



Tumigil ng panandalian ang tinig na naririnig ko, at sa di kalayuan may nakikita akong babae na nakaupo sa pinakadulo ng bangin. Nakasuot sya ng puting damit at may bigkis na ginto. Ang buhok n'ya ay sumasabay sa hangin at marahan itong tinatangay. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang dahan dahan s'yang lumingon sa gawi ko. Parang bumagal ang pagkilos ng lahat ng bagay at natulala na lang ako ng masilayan ang maganda n'yang mukha.



"Halika"



Ang tinig n'ya ay humahaplos sa puso ko, may kung ano sa dibdib ko na nasasabik sa kanya.



Kusa na namang gumalaw ang katawan ko at lumapit sa kan'ya. Umupo ako sa tabi n'ya at bahagyang yumuko. Nakakahiya ang itsura ko, ang panget ko pa naman.



"Raise your head sweetheart. I want to see your beautiful face." Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko, s'ya ang unang beses na nagsabing maganda ako... Kahit alam kong hindi naman.



"I know what you're thinking." Bahagya s'yang napatawa, at sa pangalawang pagkakataon nahumaling na naman ako sa kanya. Napaka pino ng pagtawa n'ya.



"You're beautiful Ayesha believe me, konting hintay lang. Kailangan ko munang masiguro ang kaligtasan mo." Hinaplos n'ya ang buhok at inipit sa likod ng tenga ang humaharang sa mukha ko. Habang ako naman nakatingin lang sa kanya ng may pagtataka. Hindi ko s'ya maintindihan.



"Ano pong sinasabi n'yo?"



"Malalaman mo din, malapit na." Tumayo s'ya at inalalayan n'ya din akong tumayo. Hinawakan n'ya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa noo.



Nang mga oras na yun, naramdaman ko ang pagkalinga ng isang ina. Hindi ko maintindihan, may mama naman ako pero iba ang nararamdaman ko sa kan'ya. May saya akong nararamdaman sa dibdib ko, pati na rin lungkot.



"Mag-iingat ka palagi...




Anak ko."





."Ayesha gising na male-late ka na sa school" Naramdaman ko ang bahagyang pagyugyog ng kama ko. Pagkatapos n'on ay ang pagkawala ng kumot ko pati na ang unan.

"Ayesha bangon na anong oras na." Bigla naman ang pagtigil ng daloy ng hangin sa ilong ko, dahilan para hindi ako makahinga.

"M-ma-mama!!" Napabalikwas na lang ako ng bangon habang naghahabol ng hininga. Akala ko mamamatay na ko! Bahagya akong natigil at inisip 'yong nangyari kagabi. Panaginip lang ba 'yon? Bakit parang totoo?

"Nagising ka din, wag ka ng tumunganga d'yan. Nakahanda na ang pagkain sa baba." Pagkatapos na sabihin 'yon ni Mama, sumunod na rin ako sa kanya pababa. Mas mahirap pag nalate ako sa school.

"Good morning Ma! Good morning manang." Masigla kong pagbati habang humihila ng bangko sa harap ng hapagkainan.

"Good morning din iha." Binati naman ako pabalik ni manang pero si Mama nagsimula ng kumain haayy.

Demigods (Semideus Saga Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon