Chantal's POV
Nananatili pa rin kaming nakatingin sa lalaking nakatayo sa likuran ng biglang umimik si Mrs. Cuenca.
"Why are you late Mister?" Mataray na sabi ni Mrs. Cuenca
"None of your business" Malamig na sabi ng lalaki.
Sinong bastos na tao ang magalalakas loob na ganyanin ang isang Teacher lalo na at nasa klase at nakikinig at nanonood ang mga estudyante.
"Bastos kang bata ka ah!" Galit na sabi ni Mrs. Cuenca
Walang kibo ang lalaki sa aming likuran.
Bigla ulit umimik si Ms. Cuenca
"For your information People, I do not accept late comers at yung mga estudyanteng ganyang kabastos" Galit na sabi ni Mrs. Cuenca
Nagtunguan naman ang lahat sa sinabi niya na parang naiintindihan naming lahat ang kanyang gustong iparating.
"And you mister" mataray na sabi ni ma'am at bahagyang tinuro ang lalaking nakatayo sa aming likuran, bahagya namang tumingin ng masama ang lalaki at hidi dito natinig si Mrs. Cuenca
"I will accept you for today because this is the first that you will attend my class, before you take your seat come here in front and introduce yourself to everyone" Walang ganang sabi ni Mrs. Cuenca habang nakatingin sa lalaki.
Naglakad naman ang lalaki patungong unahan habang ang aking mga kakklase mapa lalaki man o babae ay hindi makaimik sa mga nangyayari habang ang iba naman ay laglag ang panga habang nakatingin sa lalaki na parang may lumalabas na mga puso sa kanilang mga mata.
"Ryle Clement Salonga" Malamig at halos wala niyang ganang pagpapakilala sa kanyang sarili.
"Yun lang?" Biglang imik ni Kenneth ang kakklase kong pabibo.
Biglang tumingin ng malamig at masama si Ryle sa lalaking nagsalita at bahagyang nagulat ang si Kenneth sa mga tingin nito.
"I am Ryle CLEMENT Salonga, SON OF THE OWNER OF THIS SCHOOL" Matigas niyang sabi habang nakatitig sa mata ni Kenneth, nagulat ang lahat sa kanyang mga sinabi maliban na lamang kay Mrs. Cuenca na parang alam na niya na anak ito ng mayari ng school.
Napayuko naman si Justin na parang nahihiya.
Siya si Ryle Clement Salonga, hindi nga mapagkakailang anak siya ng may ari ng School na ito dahil sa kanyang second name na Clement at maaaring ito ang pinagkuhanan ng pangalan ng school na ito na " Clements Academy".
"And now, you may take your seat" sabi ni Mrs. Cuenca "Sit beside Ms. Montemayor" nagulat ako sa idinagdag ni Mrs. Cuenca.
Ano? Itatabi sakin yan? No way.
Tumingin si Ryle ng bahagya kay Mrs. Cuenca dahil hindi niya ako kilala.
Mukhang naintindihan naman ni Ma'am ang ibig sabihin ng tingin na iyon ni Ryle."Dun sa upuan sa likod" at itinuro yung bakanteng upuan sa tabi ko.
Naglakad siya patungo sa upuan sa tabi ko at umupo siya.
"LEAVE" matigas niyang sabi.
"Aa..no?" Nagtataka kong tanong.
"I SAID LEAVE" Matigas at maawtoridad niyang sabi.
"Ba't ako aalis? Nauna naman ako dito tsaka hindi naman ako nakapatong sayo para paalisin mo" naiinis kong sabi sa kanya.
"LEAVE, I want you to transfer seat within 5 seconds" yabang nito ahh, kahit anak ka pa ng mayari ng school na'to, estudyante ka pa din.
"5"
"4"
"3"
"2"
Hindi ako nagpainag sa mg abilang niya, bahala siya sa buhay niya."1"
Hindi pa din ako umalis sa upuan ko."Pasensyahan tayo" pabulong niyang sabi ngunit maririnig mo rin sa boses niya ang galit.
Arte ng lalaking to' para sa upuan daig pa ang babaeng may buwanang dalaw kung mag inarte, sarap tuktukan.
Hindi na lang ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at nakinig na lang sa lesson na itinuturo ni ma'am hanggang sa matapos na ang buong period.
Vacant time na.
There's nothing new, sa Library uli ang bagsak ko reading books. Madalas nag iisa lang ako sa library, ang mga estudyante kase dito mas gusto pa ang magkalaman ang mukha kesa ang utak. Inuuna ang ganda bago ang kinabukasan, sabagay sa yaman naman nila papasa sila.
Naglakad na ako papunta sa library, ang ingay dito sa hallway dahil naglalabasang ang mga estudyante mula sa kanilang mga klase, nagtutulakan pa sila akala ba nila nakakatuwa sila.
Nasa pinakagitna pa naman ako ng Hallway, hayss.
Malapit na ako sa may hagdan pataas ng library ng may biglang tumulak sa akin at ang mga libro kong hawak ay tumalsik.
Tumingin ako sa taong nasa likod ko at hindi nga ako nagkakamali sa hinala kong tumulak sa akin. Hindi na bago sila na naman.
"Oh, look at her Julia, she's so kawawa hahaha" pang aasar ni Sydney
Dadalawa ata sila ngayon? Nasan kaya yung isa.
"Oh, pasensya ka na, tulungan na kitang tumayo" kinuha niya ang mga gamit kong tumalsik at ibinigay sa akin.
Ba't bigla ata itong bumait sa akin ngayon? Parang kanina lang itinulak niya ako.
Itinunghay ko ang ang ulo at iniikot ko ang aking mga mata sa mga taong nanood.
Nagulat ako ng mapako ang aking mata sa kanya, Kay Ryle.
Bakit siya nandito, nanood?Bago niya pa akong mahuli na nakatingin sa kanya ay inialis ko na ang tingin ko sa kanya.
Dali-dali akong umalis sa kinakatayuan ko doon at pumunta sa Library, kung saan tahimik ang buhay ko.———————
Boring ng update. Pasensya
YOU ARE READING
Missing Puzzle of my Life
Novela JuvenilI was invisible in the crowd until that day came that really put my world upside down. I was in the opening of the black hole until he came and pulled me up. He is the missing puzzle that will complete my whole life. He is my beautiful mistake He is...