Chapter 3

4.8K 110 0
                                    

Kiana's POV

Grabe hindi ako makatulog pagkatapos ng encounter ko doon kay Mr.Mysterious Guy.Sino ba kasi sya hindi ko na nga nakita yung mukha nya hindi ko pa alam yung name nya,dapat alam ko yung pangalan nya para madali ko syang mahanap at matanong kung anong klaseng tao sya kasi first time ko lang makakita ng isang pusang nagtatransform bilang isang tao,hindi kaya isa syang elemento na nagpapanggap na hayop o kaya tao?OMG hindi ko kayang maisip na naka-encounter ako ng ganung tao kasi sa mga palabas ko lang nakikita ang mga ganung nilalang.

"Huy girl,tara na breakfast na kanina ka pa yata tulaley dyan at mukhang may iniisip kang malalim yata dyan at baka malunod ka pa"Tinawanan ko nalang yung sinabi ni Jess at sumama na sakanya sa labas dahil doon nakahanda yung breakfast namin.

Habang nagtatawanan sila hindi ko talaga matigilan na hindi tumingin sa gubat na kahapon ko pa tinitignan.Nagulat nalang ako ng biglang nagsalita si Jess"Gusto mo pasukin natin yang gubat nayan?Kahapon ka pa kasi tingin ng tingin dyan kaya sabihin mo lang saamin kung gusto mong pumasok dyan para samahan ko namin ng buong barkada"Natawa nanaman ako sa sinabi ni Jess"Wag na baka mapahamak pa tayo dyan"Sambit ko naman."Hindi tayo mapapahamak kung marami tayo at maghire nalang tayo ng tour guide para naman hindi tayo maligaw"Napangiti naman ako sa sinabi ni Jess kaya walang ano-ano tumango nalang ako dahil narin siguro gusto ko malaman kung ano ang nandoon sa loob na yun at tama din si Jess hindi naman kami mapapahamak kung magkakasama kaming magbabarkada basta't walang iwanan at isa pa wala namang mawawala kung susubukan namin.

Nandito kami ngayon sa room para mag-impake ng mga dadalhin namin para sa pagpunta namin sa gubat pagkatapos naman pumunta na kami sa sa entrance ng resort at sakto naman may nakasalubong kaming isang matandang lalaki na siguro ay nasa 65 na"Manong pwede po ba magtanong?"Tanong naman ni Jess,tumango lang ang matanda kaya tinuloy na ni Jess ang pagsasalita nya"Gusto lang po sana namin malaman kung saan makakahire ng isang tour guide"Nakangiting sambit nito"Saan ba kayo pupunta mga ijo at ija?"Tanong naman ng matanda.Nagdadalawang isip pa kami kung sasabihin ba namin kung saan namin balak na pumunta pero sinabi narin namin kasi paano naman nila malalaman kung saan nila kami dadalhin"Sa gubat po"Sambit naman ni Princess isa pa naming kaibigan.Nakita ko naman sa mata ng matanda na para syang natatakot na hindi mo malaman kung ano ba ang ibig nyang pinaparating na mensahe"B-bakit po?"Tanong ko naman"Bawal kayo pumasok sa gubat na yan dahil delikado at wala narin kahit isa ang nagtangkang pumasok sa gubat na yan dahil sa oras na pumasok kayo dyan wala ng balikan at dyan na talaga kayo habang buhay,kaya kung ako sainyo wag na wag kayo papasok dyan kung ayaw nyo mangyari yun sainyong lahat"Seryong sabi nito.Hindi ko maintindihan ang sinabi ng matanda pero halata sakanya na totoo ang sinasabi nya.

Nagulat naman kami ng may biglang lalaki ang magsalita mula sa likuran namin at ang boses nya ay pamilyar saakin"Manong Erning bakit pinipigilan mo sila na pumasok dyan sa gubat na yan ehh ako nga pumasok na dyan tapos nakabalik naman ako,isang kalokohan lang yang mga pinaniniwalaan nyo na may mga masasamang elemento dyan sa gubat na yan"Nakangisi nitong sambit.Naalala ko ang boses na yun kaboses nya yung lalaking nakapasok sa tinitirhan naming bahay at mukha namang walang kakaiba sakanya,sya kaya yung nakita ko kahapon o iba?Baka naman iba yun dahil yung lalaki na nakita ko kahapon ay isang pusa na nagkatawang tao at itong lalaking nasa harapan namin ngayon ay isang normal na lalaki.

"Kung gusto nyo ako nalang ang magpapasyal sainyo dyan sa loob ng gubat dahil kahit saan kayo maghanap ng magiging tour guide nyo dyan alam kong tatanggihan nila kayo dahil simula nung may nagkwento sakanila tungkol dyan sa mga elemento at sa mga masasamang espiritu na naninirahan dyan sa gubat wala ng gustong makapasok dyan kaya ako nalang ang sasama sainyo basta wag lang kayo hihiwalay saakin baka kasi maligaw kayo at malaki itong gubat kaya mahihirapan akong hanapin ang mga nawawala"

Nagkatitigan naman kami ng mga kaibigan ko at nag appear na para bang nanalo kami sa isang jackpot prize.Sinundan naman namin sya papasok ng gubat,napalingon ako sa matandang lalaki na kanina naming kausap nagulat ako ng wala na sya agad doon sa kinatatayuan nya,saan na kaya sya nagpunta?

Dumiretso nalang kami sa gubat at nang makarating na kami sa loob ng gubat nakaramadam agad ako ng mabigat na prisensya,para kasing may mga matang kanina pa tumitingin saamin.Nagdiretso parin kami sa gubat at nang makarating na kami sa kalagitnaan ng gubat may isang malaking itim na bahay,hindi nga namin alam kung may nakatira pa ba doon dahil mukhang luma na sya kung tititigan mong mabuti.Tumigil yung lalaking kasama namin sa tapat ng gate ng bahay kaya napatigil din kami.

"Teka bakit may bahay dito?"Tanong naman ni Jeremy na kaibigan din namin.Matagal bago sumagot yung lalaki dahil tinitignan nya pa yung bahay mula taas hanggang baba.

"Ito ang bahay"Maikling sambit nito.Nagtaka naman kami kung anong sinasabi nya at ano ang balak nyang iparating saamin.

"Alam naming bahay yan pero tinatanong namin kung bakit may bahay sa mismong gitna ng gubat ehh sabi ng iba wala daw nakatira dito dahil sa mga masasamang espiritu?"Pagtatanong ko naman.Lumingon naman sya at tinitigan ako ng seryoso,naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko,bakit ganun hindi ako makahinga ng maayos.Habang tinititigan nya ako para akong nanghihina at anumang oras ay babagsak na ako.Buti nalang tinanggal na nya ang titig saakin kaya parang lumuwag ang aking paghinga.

"Gusto nyo pumasok?"Nanlaki naman ang mga mata namin sa sinabi nya.Kami papasok sa isang nakakatakot na bahay?

"H-hindi na l-lalabas nalang k-kami d-dito sa g-gubat"Pilit akong ngumiti habang pa-utal utal kong sinasambit yun sa lalaki.Nakita ko naman ang mukha nya na para syang galit dahil hindi namin sinunod ang gusto nya.

"Kapag pumasok kayo dyan sa bahay na yan masmarami kayong matutuklasan.Wag kayong matakot kasama nyo naman ako at may mga nakatira dyan sa loob ng bahay na yan kaya wag kayong mag-alala"Sambit nito gamit ang kanyang nakakalokong ngiti.Ano ba talaga ang gusto ng lalaking yun??

"Ano guys papasok ba tayo o hindi??May kasama naman tayo kaya wag na tayong matakot tapos sabi niya may mga nakatira naman daw dyan kaya wag na tayong mag-alala at matakot"Tumango ang mga iba naming kaibigan sa opinyon ni Jess kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon nalang din sa gusto nila.

-------------to be continued---------------

Vampire's Bride Part 1 (Available in Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon