Chapter VI

2.3K 26 9
                                    

Sino po sila?”, tanong nung lalaki.

Ako si Dr. Ralph Anderson. Ralph na lang. Ako pinadala ni Dr. Gerry Anderson, nasabi niya sa akin na sinabihan na daw iyong mga nagbabantay sa pasyente niya na hindi siya makakapunta dahil may importante siyang lakad.”, mahabang paliwanag nito.

Ah oo. Ako pala si Philippe Manzano. You can call me Philippe”. At saka ito nakipag-kamay kay Ralph.

Pumasok na sila sa loob ng bahay.

Pero sa isip-isip ni Ralph, “sino kaya siya sa buhay ni Asher?”

Dumiretso na sila sa kwarto ni Asher sakto naman na kagigising niya.

Kumusta ka na Ms. Tua?” pormal na tanong niya sa dalaga.

Mas ok na Doc. Bakit kayo po ang pumunta dito?”, nagtatakang tanong ni Asher.

Pasensya na Ms. Tua… “Asher na lang po”,sabat ng dalaga… A-Asher, kasi may emergency kasing pinuntahan si Dad kaya ako ang pinapunta niya dito”.

“Ayaw mo ata ako?”, pabirong tanong ni Ralph.

Simpleng ngiti lang ang sukli ng dalaga sa kanya.

Naiwan si Dr. Ralph at si Asher sa kwarto, dahil nagpaalam naman muna si Philippe na babalik muna ito sa opisina. Dumaan lamang ito para salubungin ang doctor ni Asher. Sa kasalukuyan, siya ang naatasan magpatakbo muna ng kumpanya na naiwan ng mga magulang ni Asher dahil malaki rin ang shares ng pamilya ni Philippe, habang nagpapagaling si Asher.

Habang kinukunsulta ni Ralph si Asher, hindi maiwasan na mapasulyap si Ralph kay Asher. Nakikita nito sa mga mata ng dalaga ang sakit at kalungkutan. Kaya ang isa hindi rin makatingin sa mga mata ng Doctor. Walang imik ang dalawa habang patuloy na nililinisan ang mga sugat ng dalaga.

“sabihin mo lang kung masyadong masakit”, sabi ni Ralph.

Medyo lang“, ikling sagot ni Asher.

Bukas, pwede na natin tanggalin ung cast sa may binti mo”. “Actually pwede ko na rin eto tanggalin ngayon, pero gusto pa kita makita ulit bukas”, sa isip ng doctor.

Ganun po ba? Hindi po ba pwedeng ngayon or the next visit niyo na lang po”, tanong ni Asher sa doctor.

Masyado ka naming pormal. Pwede bang Ralph na lang ang itawag mo sa akin?”, pakiusap ni Ralph. Tango lang naging sukli ni Asher.

Don’t worry, kung iniisip mo na masyadong malayo at pabalik-balik ako, may bahay kami dito sa Manila and one week rin ako andito kaya medyo every other day kitang kukunsultahin para mas mabilis recovery mo”, paliwanag ng binata.

Pagkatapos magawa lahat ni Ralph ang tungkulin niya bilang doctor, kahit gustuhin man niyang pahabain ang oras nito kasama ang dalaga, ayaw naman niyang makahalata eto, kaya nagpaalam na siya at sinabihan ang private nurse na nag-aalaga sa dalaga. Tinawagan rin nito si Philippe para ipaalam ang mga nangyari sa araw na iyon at bukas babalik ulit siya para tanggalin ang cast sa may binti ng dalaga.

“Doc, pwede bang kayo muna bahala sa kanya? Wala ako ng mga 3 days dahil may mga dapat akong ayusin sa kumpanya.”

Walang problema doon Philippe. Actually, baka madalas ang pag-consult ko sa kanya habang andito ako sa Manila.”

Hindi maipinta kung ano ang nararamdaman ni Ralph sa mga oras na iyon, dahil alam niya na madalas nitong makikita ang dalaga. Iniwan ni Ralph ang kanyang handy number para incase na kelangan nila ng tulong ay matawagan siya agad. Ng gabing din iyon, flight din ni Philippe papuntang States. Nagpaalam siya sa dalaga at hindi inaasahan na biglang umalis ang nurse ni Asher ng araw din na iyon sa hindi nila alam na dahilan. Hindi alam ang gagawin ni Philippe, kasi hindi rin niya pwedeng i-postpon ang flight nito. Tinawagan niya si Dr. Ralph na makikiusap na sana siya ang magbantay sa dalaga habang wala pa silang nakikitang kapalit na nurse.

Doc Ralph? Si Philippe ito“, sabi ni Philippe sa kabilang linya.

Oh Philippe, napatawag ka? may problema ba kay Asher?”, tanong ni Ralph.

Medyo doc, busy po ba kayo ngayon?

Hindi naman, bakit?

Hihingi sana ako ng pabor sa inyo. Umalis kasi yung nurse ni Asher, eh gabing-gabi na, wla na kaming pwedeng makuha na nurse sa mga oras na ito, kaya kayo na ang naisipan ko na kung pwdeng kayo muna ang magbantay kay Asher. Lalo na may mga gamot siyang iinumin. Hindi ko naman pwede mamiss ung flight ko. Pwede ba doc? Kahit doblehin na namin ang bayad namin sa inyo.“, mahabang paliwanag ni Philippe.

Walang pagundangan na umayon ang doctor.

Kahit ayaw ni Asher na huwag na lang siya pabantayan, hindi pumayag si Philippe. Paliwanag nito sa dalaga, „at least, kilala ko kung sino ang magbabantay sayo. Kapag may ginawa siya sayo na masama, alam ko kung sino ang makakatikim nito”,sabi ni Philippe. Sabay pakita kay Asher ang mga braso nito. “Napangiti si Asher sa inasal ng kanyang kaibigan. Mula ng nangyari ang aksidente, bihira na lang siyang magsalita at sobrang ikli pa ang mga sagot nito sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ginagawa lahat ni Philippe para mapasaya ang kaibigan at manumbalik na sa dati ang dalaga.

Bago umalis si Philippe, hinintay niya muna ang pagdating ni Ralph. Nadatnan na niyang natutulog ang dalaga at tinuro ni Philippe kung saan siya pwede matulog. Pagkalipas ng mga ilang oras, umalis na rin si Philippe.

Sa kwarto ng dalaga.

Naupo si Ralph sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang dalaga. „Bakit parang ang tadhana ang nagpapalapit sa atin? Habang nakikita kita mas lalo akong nahuhulog sa iyo at gustong alagaan ka habambuhay. Sana pag ok na ang lahat, sana bigyan mo ako ng pagkakataon na makilala ka. At andito ako para iparamdam sa iyo ang pagmamahal at hinding-hindi kita iiwan Pero sa ngayon hindi ko magawa dahil may pinagdadaanan ka at kumplikado ang sitwasyon.“, sabi ni Ralph sa sarili.

Hindi namalayan ni Ralph na nakatulog na siya sa sofa sa tabi ng kama ng dalaga.

Naalimpungatan si Asher at nakita nito ang doctor na natutulog sa sofa habang nagbabantay sa kanya. Tinitigan nito ang binata. “ang gwapo niya habang natutulog. Salamat at nag-tiyaga ka na bantayan ako kahit hindi mo ako kilala. Pero at the same time nagagalit  ako sa iyo dahil iniligtas mo pa ako. Sana kasama ko na ang aking mga magulang.” At doon, napahagulgol nanaman si Asher, habang naaalala ang parents nito.

Nagising si Ralph dahil sa iyak ni Asher. Napatayo ito at lumapit sa dalaga para patahanin. Niyakap niya ito, pero tinutulak siya ni Asher.

“Bakit mo pa ako niligtas?! Sana hinayaan mo na lang na mamamatay ako para magkakasama na sana kami ngayon!”, galit nitong tanong sa binata.

Sssshhhh….. Stop it please.”, sabi ng binata habang yakap pa rin ang dalaga at hindi niya hinayaan na makawala siya sa pagkakayakap sa dalaga. Hinayaan niyang umiyak ng umiyak ang dalaga hanggang siya ay mapagod at makatulog.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon