Chapter XIX

2.2K 27 17
                                    

Nag-patawag na rin ang mag-asawa ng ambulance at nang makarating sila sa location ng aksidente, nakita nila si Ralph at Asher na duguan.  Andun na rin ang ambulance na tinawagan nila na pagmamay-ari rin ng mga Anderson. Binibigyan na nila ng pangunang lunas ang dalawa. Naibangga ni Ralph ang sasakyan sa may puno dahil sa pag-iwas nito sa isang sasakyan. Humihingi ng tawad ang driver, pero may kasalanan pa rin siyang dapat panagutan.

Sa diwa ni Asher:

„Lord, huwag niyo po sanang hayaan ang maulit muli ang nakaraan. Huwag niyo naman po kunin ang nag-iisang importanteng tao sa buhay ko. Iligtas niyo po siya kahit ako na po ang kapalit panginoon, basta iligtas niyo ang mahal ko“

Sa diwa ni Ralph:

“Panginoon, iligtas niyo po kami. Huwag niyo po kaming pababayaan Papa God. Nagsisimula pa lang po kami, pero kung ano man ang plano niyo para sa amin, kayo na po ang bahala.”

Nasa intensive care unit silang pareho at andoon ang mga magulang ni Ralph at ang iba pang mga doctor na nag-aasikaso sa kanilang dalawa. Nakarating na rin ang balita kay Philippe dahil napanood niya sa balita ang nangyaring aksidente kina Ralph at Asher. Tinawagan ni Philippe si Angelie kung napanood ba niya ang balita.

„Sweetheart, napanood ba?“, natatarantang tanong ni Philippe sa kasintahan.

“Oo, kung gusto mo pumunta tayo ngayon sa Batangas, kasi humingi ako nang leave dahil sa balita, kaya pumayag naman ang manager ko”, sabi ni Angelie.

Agad - agad namang lumuwas  sina Philippe at Angelie papuntang Batangas  kung saan naka-confine ang dalawa. Makalipas ang dalawang oras na biyahe, nakarating na sina Philippe at Angelie sa hospital, at agad na nagtanong sila sa may information area.

“Miss, saan po ung room ni Ms. Asher Tua at Mr. Ralph Anderson?”, tanong ni Philippe.

“Sir, Ma’am, nasa ICU pa po sila sa Room 522 po un,”, sabi nung babae.

“Ok, salamat”, sabay sabi ng magkasintahan.

Dumiretso na sila doon sa room na sinabi ng babae. Sumilip sila sa my bintana at nakita sila ng mga magulang ni Ralph na kasalukuyan nasa loob pa ng ICU. Lumabas ang mag-asawa at binati ni Angelie ang mga ito at saka pinakilala si Philippe.

“Tita, Tito, si Philippe po, boyfriend ko po at ang matalik na kaibigan din ni Asher”, sabi ng dalaga.

“Hon, si Tito Gerry at Tita Eva, ang parents ni Ralph.”

“Hallo po,  Kumusta na po sila dalawang?”, sabi ni Philippe.

Sa ngayon, inoobserbahan pa namin sila. Katulong namin ang ibang specialists“, sabi ni Mommy Eva.

“Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga nila, hindi pa naming alam kung gaano kagrabe ang natamo nila. Pero ginagawa na ang iba pang test para makasiguro kami”, sabi ni Dr. Anderson.

“Sana makaligtas sila”, nagsi mula ng umiyak si Dra. Anderson.

Umupo muna sila sa may waiting area at lumabas rin ng ICU si Michael. Nakita niya sina Angelie at lumapit siya mula sa ICU.

“Angelie!”,sabay yakap sa kaibigan.

„Mike, may progress na bas a kanila?“

“Sa ngayon wala pa.”

Hon, pwede mo ba akong samahan muna sa chapel?”, sabi ni Philippe.

“sige Hon.”

“Sige sasama na rin kami sa inyo”, sabi ni Mommy Eva.

Dumiretso sila sa chapel after nilang sumilip sa ICU para makita muna ang dalawa.

“Lord, iligtas mo sila, ngayon ko lang nakita si Ash na sobrang saya at ngayon bumalik na siya sa dati, Lord wag naman po”, sabi ni Philippe.

“Huwag niyo po sanang pabayaan sina Ralph at si Asher, Panginoon. Nagsisimula pa lang po silang maging masaya”, sabi ni Angelie.

“Diyos ko, huwag mo naman kunin ang mga bata sa amin. Ang saya-saya nila bago nangyari ang aksidente. Ngayon ko lang nakita muling Masaya ang anak ko, Lord. Kahit saglit ko pa lang nakilala si Asher, alam kung napakabait niya at mamahalin niya ang anak ko. At bigyan niyo po kami ng pagkakataon na makilala pa naming siya, Panginoon. Iligtas mo silang pareho”, sabi ni Mommy Eva na umiiyak na. Andun sa tabi niya ang asawa para i-comfort ang ina ni Ralph.

Pagkatapos nilang magdasal…

“Doon muna sa private room. Para makapagpahinga muna tayo”, sabi ni Dr. Anderson.

At un nga ang ginawa nila, nagpahinga sila doon, dahil may three bedrooms doon na sa kanilang mag-anak ang gumagamit lalo na pag matagal ang duty nila. Meron din monitor na naka-connect sa ICU kaya makikita mo ang bawat kilos at mamomonitor mo rin ang pasyente.

Dahil sa pagod at medaling araw na rin. Nakatulog sina Philippe at Angelie, samantalang ang mag-asawang Anderson at si Michael ay bumalik sa ICU para matignan  ang mga pasyente.

“Nurse Kim, kumusta ang mga pasyente?”, tanong ni Dr. Avelino.

Si Nurse Kim ang head ng duty pag gabi at si Nurse Sam ang head naman sa umaga dahil sila ang nakatuka sa ICU.

„Si Ms. Tua medyo nag-reresponse na po ng kunti“, sabi ni Kim.

“Dumating na ba ang mga ibang test galing lab?”, tanong ni Dr. Anderson.

Kinuha ni Kim ang iba pang lab results na ginawa kaninang hapon sa magkasintahan at binigay kay Dr. Anderson. Tinignan nila isa-isa at normal naman ang ibang result ng dalawa maliban sa isang lab result.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon