After 2 years…..
Dumating na sa Pilipinas si Asher at sinundo siya ni Philippe. Pagkakita ni Philippe sa kaibigan niyakap niya ito ng sobrang higpit. “At last, andito na ang pinakamamahal kung babae!”, sabay halik sa magkabilang pisngi.
Tawa ng tawa si Asher sa naging reaksyon ng kaibigan. “Namiss ko rin ang kaibigan kung babaero,hahahaha.“, sabi ni Asher.
„Hoy babae, noon un! Hindi na ngayon. Good boy na ata ito”, sabay ngiti sa dalaga.
Hinatid na ni Philippe si Asher sa bahay nila.
“Na-miss ko ang bahay na ito. Na-miss ko sina Mommy’t Daddy”, sabi ng dalaga.
Best?”, nag-aalalang tanong ni Philippe.
Don’t worry, tanggap ko na ang lahat”, ngiti nito sa binata. At saka niya niyakap ito.
Oh sige na, aalis na rin ako para makapagpahinga ka na rin”, sabi ng binata.
Ok, magkita na lang tayo sa opisina at marami akong dapat na ayusin at isa na dun ang Ashienda. By next week baka makikipagkita na ako sa taong gustong bumili dun“,sabi ni Asher.
Kinabukasan, maagang nagising si Asher para pumasok sa opisina. Pupunta na sana siya sa may kusina ng bigla siyang tinawag ng guard nila. Nagulat si Asher sa nakita na hawak-hawak ng guard nila.
“Kuya, ano yan?”,tanong ni asher.
Ms. Asher, may nang-iwan ata sa may labas, akala ko kasi basket lang. Pero nung nilapitan ko may sanggol sa loob, tinignan ko kung andun pa ung taong nang-iwan pero wala naman.”, paliwanag ng guard habang si Asher papalapit para tignan ito.
Lumapit din ang yaya ni Asher na si Yaya Lina. “Anak, may problema ba dito?”,tanong nito kay Asher. Si Yaya Lina ang matagal na katiwala nila sa bahay at yaya ni Asher. Tinuring na rin ni Asher na pangalawang ina nito.
Kinuha ni Asher ang bata dahil kanina pa iyak ng iyak. Nang nasa kanya na ang sanggol, biglang tumigil ang bata at tinitigan si Asher. Napangiti ang dalaga at bigla niyang niyakap ang sanggol.
“Anak, anong gagawin natin ngayon.”, tanong ni Yaya Lina.
Yaya, wala naman sigurong problema kung tayo na ang mag-aaruga sa batang ito. Kung sino man ang mga magulang at bigla na lang siya iniwan, hindi sila karapat-dapat na maging magulang”, inis na sabi ng dalaga.
Hindi na pumasok si Asher ng araw na iyon. Tinawagan niya na lang si Philippe na hindi siya makakapasok dahil may nangyari sa bahay nila kanina. “Best, punta ka na lang dito sa bahay para makita mo mismo”, sabi na lang sa kanya ni Asher. “Nakakakaba ka naman, best. Pero sige try ko makapunta ng mas maaga, pero I doubt”, sabi ng binata. “Hahahahaha, tapusin mo na lang yan, huwag ka masyadong excited.”,sabi ni Asher sa kanya at saka ito nagpaalam.
Nagpasama si Asher kay Yaya Lina at sinama na rin nila ang bata para bumili ng mga gamit nito. Pinangalan ni Asher ang bata na Rafael Joshua “RJ” Tua.
Nang araw din iyon, nasa Mall si Ralph para bumili ng regalo sa inaanak. Habang namimili siya ng toys, bigla siyang napatingin sa may clothes section ng mga bata. Nakita niya ang familiar na babae na lumayo sa kanya dalawang taon ng nakalipas. Lumapit siya para makasiguro sa iniisip niya. Nagtago si Ralph sa isang bahagi na malapit sa kinaroroonan ng dalaga. “Siya nga. Bumalik ka na Asher. Pero sino ang batang dala-dala mo?”, tanong ni Ralph sa sarili.
Sinundan ni Ralph maghapon ang dalaga hanggang sa bahay nina Asher. Nagmistulang stalker tuloy ang labas niya. Nang makapasok na sila sa loob, balak sanang puntahan ni Ralph si Asher pero biglang may dumating na sasakyan at nakita niyang bumaba si Philippe. Napaatras siya at saka siya bumalik sa loob ng kanyang sasakyan.
Nalungkot ang binata dahil sa nakita niya. Pinaandar ang kanyang sasakyan at saka na umalis.