Prologue

2 0 0
                                    

Sabi nga sa kanta ni ED SHEERAN "PEOPLE FALL IN LOVE IN MYSTERIOUS WAYS." Oo tama naman ang linyang ito. Karamihan sa mga tao ngayon ay na-inlove sa misteryosong paraan. May nai-inlove ng hindi alam at hindi namamalayan. Aba! Bentang benta din sa mga pinoy ang "LOVE AT FIRST SIGHT" Na di mo alam kung paano, saan, kelan, at bakit ka na-inlove sa taong ito. Haaaaaaaaaaaaays!!!... Pinoy nga naman. Kay bilis ma-INLOVE pero pag nasaktan, kay tagal mag MOVE ON!. Wala, ganyan talaga daw tayong mga pinoy. Ano pa nga ba ang magagawa, lalo na pagtinamaan na tayo ng PANA ni KUPIDO.... "PAG IBIG NGA NAMAN, HAHAMAKIN ANG LAHAT, MAKAMIT KA LAMANG."

   ALA! Eh! Bakit nga ba tayo napupunta sa misteryoso na tao? Bakit nga ba tayo na papa-ibig sa taong hindi naman natin gaanong ka kilala? Aba teka? Paano nga ba nayin nasasabi na mysterious kung kilala at kinikilala naman natin ang taong papasok sa ating buhay? .. Ang taong makikigulo sa buhay mong tahimik at panatag? Sa mundong tanging ang pangarap mong matupad para sa iyo at sa magulang mo?

     Hindi ba mas masarap mag mahal pag ang taong pangarap mo ang makakasama mo habang buhay? Dahil siya ay kilalang kilala mo na at tangap na tangap mo ang lahat ng IMPERFECTIONS niya. Pero sabagay nasa atin din nan iyon - I mean- nasa tao na din naman kung paano magiging mysterious ang mga bagay na ito.

    Kung ako sa inyo. Aba ay idaan na lang natin sa pagkanta. Aba ay  talented kaya ang mga pinoy at ang halos sa lahat ng magagaling kumanta ay mga pinoy. At magagaling din tayong gumawa ng mga kanta. Dahil sabi nga nila ibaling sa isang bagay ang nais mo sabihin. Maaaring sa pag gawa ng tula na nilapatan ng himig at tugtog ay naging kanta...

   Tara handa na ang aking mga kaibigan, kayo na lang ang hinihintay. Mag sisimula na ang magtuklas sa mga bagay bagay. Sa mga tama o mali at kung alin ang naiiba. Isama na natin ang ating barkada. Upang samasama nating tahakin ang mundo ng musika.

Music makes people fall in LOVE??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon