Chapter 1

17 1 0
                                    

Kang Mira's POV.

"P-pwede ba tayong magkita at magusap?"tanong ko.Kausap ko siya sa telepono..tinawagan ko siya.

"S-sigeh na...nandito ako sa rooftop sa lumang building....sa dati nating tagpuan.."mangiyak-ngiyak na tugon ko.

"Bakit?hindi ba malinaw sayo na may mahal na 'kong iba?"sabi niya.Nadududrog ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang mga salitang yon na nanggagaling sa mga labi niya.

"Please..Gusto kitang makausap.A-antayin kita dito"pagmamakaawa na sabi ko.

"Per-"magsasalita sana siya pero agad na pinatay ko ang tawag.Alam ko naman ang idadahilan niya na 'busy'siya.Pero ang totoo niyan busy siya sa bagong minamahal niya.Hindi ko matanggap na nakipaghiwalay siya ng walang masyadong maayos na paguusap.Oo,mahal ko siya..Mahal na mahal..Sa oras na hindi niya ako siputin dito hindi ko alam ang magagawa ko sa sarili ko.Ganon ko siya kamahal kahit na magpakamatay pa ko gagawin ko para lang sa kanya.Kaya gusto kong makipagkita at makausap siya dahil gusto pang maibalik ang saamin.Sabihin na natin na ang tanga ko dahil pinagsisiksikan ko pa ang sarili ko sa taong hindi na ako mahal pero ganon talaga pag nagmamahal diba?

Halos isang oras na ko dito ngunit wala pa siya naiiyak na ko kasi baka hindi siya dumating.Bigla ako napalingon sa pintuan ng rooftop dahil may parang magbubukas ng pintuan at bigla ako nabuhayan at nagkaroon ng pag-asa dahil dumating siya.

"Ano bang gusto mong pagusapan?"bungad at cold na tanong niya.

"Justine,W-wag mo 'kong hiwalayan..Wag mo 'kong iwan...Jebal.."pagmamakaawa na sabi ko ngunit hindi siya kumibo.

"P-pwede pa ba natin maibalik ang dati?yung dating t-tayo? I mean yung tayo?"nauutal na tanong ko.

Tiningnan lang niya ako at kita ko sa mga mata niya na wala nang pagmamahal para sakin hindi tulad ng dati na sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya laging may saya ako nakikita pero ngayon...wala na.

"J-justine?"sabi ko kasi hanggang ngayon nakatingin parin siya sakin at kita kong naiinis siya dahil ilang beses ko na sinubukan gawin 'to ngunit ang lagi niyang sagot...na hindi na niya ako mahal.

"Mira,Ilang beses mo na ako kinulit tungkol dito pero Sorry may mahal na kong iba at hindi na ikaw yon.May tao nang nagpapasaya sakin kaya please tigilan mo na ko dahil lalo ka lang masasaktan sa ginagawa mo"tugon niya.Sa mga narinig ko nawalan na ako ng pag-asa na magkakabalikan pa kami at nawalan din ako ng pag-asa para mabuhay pa..para sakin di ko kaya pag nawala siya..pag nawala siya sa piling ko.At dahil sa mga sinabi niyang yun tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Akmang aalis na siya ngunit pinigilan ko siya kaya napahinto siya hinawakan ko ang kamay niya at sa mga oras na iyon wala na kong hinto sa pag-iyak.

"Wae!?Waeyo!?Anong meron siya na wala ako?B-bakit si Pauline pa!?B-bakit ang 'best friend' ko pa!?Maraming ibang babae sa mundo pero bakit siya pa!?"sigaw na sabi ko sa kanya pero hindi siya sumagot at tuluyan na siyang kumalas sa pagkakahawak ko at umalis at nang makaalis na siya hindi 'ko alam pero nanghina ang mga tuhod ko habang nakikita siya na papalayo at sa mga oras ding iyon bumagsak ako sa sahig at humagulgol na sa pagiyak.

Wala rin naman siya sa piling ko Ano pa 'ko sa mundong ito?Inagaw na siya saakin ng BestFriend ko na si Pauline na itinuring ko nang kapatid.Paano niya nagawang agawain ang lalaking pinakamamahal ko?kahit na alam niya na sakin ito?...kahit na alam niyang boyfriend ko si Justine.H-hindi ko kayang makitang masaya sila samantalang ako ito sawi..sawi sa pag-ibig.Mas mabuting mawala na lang ako kaysa makita ko pang masaya sila at kaysa magpakalasing ako araw-araw dahil alam ko naman nasa paglalasing ko sandali ko lang malilimutan ang lahat dahil sa paggising ko maaalala ko na naman lahat ng sakit na ginawa ng Bestfriend ko at ang pagiwan sakin ng minamahal ko at ipagpalit ako kay Pauline.

"S-siguro pagginawa ko ang bagay na ito mawawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.."sabi ko..habang umiiyak parin.Nakatayo nako ngayon at hinubad ko na ang aking saplot sa paa at hinakbang ang aking isang paa..Oo,tatalon ako sa lumang building na ito.Mukhang baliw lang ako diba?Hindi ko na kayang mabuhay pa.Nang maihakbang ko ang aking dalawang paa pumikit ako..

"Patawarin nyo sana ako sa gagawin kong ito..."iyak sabi ko habang dinadama ang hangin na dumadampi saaking balat.

Akmang tatalon na ko pero may isang lalaki ang pumigil sakin..

**

Someone's POV.

Kanina pa ako dito sa rooftop ng lumang building na ito na wala ng gumagamit dahil sa pagkakaalam ko nalugi ang may-ari ng building na naito at hindi na binalikan pa kaya walang taong pumupunta dito dahil Siguro natatakot sila?Halos pitong taon na ata itong tengga eh..sabi sakin ng lola ko...lagi ako tumatambay dito dahil feeling ko nawawala lahat ng problema ko pagnarito ako.Halos isang taon na kong tumatambay rito.

Habang nagpapahangin dito may isang babae na dumating.Teka,Siya yung babaeng madalas ring magpunta rito.!na may kinikita na lalaki halos ilang buwan narin siya hindi nagpunta rito.Bakit nagpunta siya ulit dito?.Bakit siya umiiyak habang may kausap sa phone?.Halos isang oras na siya dito at parang may inaantay at mayamaya may nagbugkas ng pintuan ng rooftop at nilabas nito ang isang lalaki.Hindi naman ako makaalis dito kasi baka makita nila ako.Kita ko ang mga nangyayari parang nagmamakaawa yung babae sa lalaki sa nobyo niya ata?pero parang walang pake lang ang lalaki sa kanya.Aksidente ko namang narinig ang mga pag-uusap nila....maya-maya matapos nila magusap umalis na yung lalaki at iniwan yung babae na umiiyak na ngayon na nakaupo sa sahig dito.Bigla siyang tumayo at lumapit sa barrier na nakaharang sa paligid ng rooftop para hindi mahulog ang sinumang tao nagulat ako kasi bigla niyang hinakbang ang mga paa niya mukhang magpapakamatay siya kaya agad akong lumapit dito para pigilan siya.

"Patawarin nyo sana ako sa gagawin kong ito..."iyak na sabi niya.

"Sandali!Wag mong gawin 'yan"pigil ko rito agad siyang napalingon sa likod niya at tumingin siya saakin.

"S-sino k-ka?A-anong....P-paano--"tanong niya pero agad kong pinutol ang sasabihin niya.

"Hindi sagot ang pagpapakamatay para makalimutan mo ang taong minamahal mo na iniwan ka at ang ginawang pangloloko sayo ng kaibigan mo."sabi ko.Nagulat siya sa mga sinabi ko.

"P-paano m-mo n-nalaman?K-kanina ka pa d-diyan?N-narinig mo l-lahat?"tanong niya.

Tumango ako bilang sagot."Bumaba ka na diyan Miss dahil sinasayang mo lang ang buhay mo...Kung ang ibang may karamdaman nga na bilang na lang ang mga araw sa mudong ito ay gusto pang mabuhay at makapiling ang mga mahal nila sa mundong ito.Bakit ikaw sinasayang mo?Lahat ng tao may hangganan din ang buhay ngunit wag mo sana sayingin ang buhay na ibinigay ng diyos sayo maraming pang nagmamahal sayo at may lalaking datating din para sayo"sabi ko.Hindi naman siya agad nakapagsalita pero nakita ko siya na tumutulo ang kaniyang mga luha    sa kaniyang pisngi pero agad din niya itong pinunasan at tumingin ng diretso sakin.May mali ba sa sinabi ko?

"N-nagkakamali ka wala nang n-nagmamahal saakin!"iyak na sigaw niya saakin at agad na tumalikod at akmang tatalon ulit siya pero agad na hinila ko siya kaya nakababa na siya sa barrier.Nakayakap ako sa kaniya ngayon para hindi makawala dahil nagpupumiglas siyang makawala at gustong tumalon ngunit hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sakanya para hindi siya makaalis sa pagkakayakap ko.

"Bitiwan mo 'ko!!"sigaw niya habang umiiyak."Bakit mo ba ako pinapakeelaman!!?Hayaan mo kong gawin 'ko ito wala din naman nagmamahal saakin at wala rin silang pakealam kung mamatay ako!!"sigaw niya pa..at nagpupumiglas siya sa pagkakayakap ko.Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya baka kasi bukod sa pagiwan at pangloko daw ng kaibigan niya ay may ibang dahilan pa kaya niya ito ginagawa.

"Bitawan mo ko...g-gusto ko nang mawal--"sabi niya pero hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang nahimatay.

"Miss!Miss!gising!!"tapik ko rito pero walang response..Namumutla siya..kaya tinakbo ko na siya sa Hospital.


___________________________________

[A/N:Pasensya na po sa mga wrong typos kung meron man po...Kamsahamnida😞🙂]

My Mr.Right[Taehyung/V FANFICTION]Where stories live. Discover now