-II-

30 4 6
                                    

Eirika's POV

"You're late Ms. Lee. Can you explain to us why are you late?" Oh noes! Ang terror na prof namin.

"Hmmm? Ma'am ano- kasi- ahhh" yari ako neto. Di ako makapagisip ng dahilan. Isip Eirika! Isip!!!

"Hmm I think you don't have enough valid reason so you may have you're sit." nice! Haha! Papaupuin din naman pala ako ang dami pang tanong.

"Ok ma'am" sabi ko bago umupo.

Nagdisscuss lang naman ang boring na prof na to! Para saken lahat ng prof ko this sem ay boring except si Sir Santos na laging kong ka-vibes!

"Ok Ms. Lee since your not listening to our class. What are the main function of having a Financial Statement in the company?" patay! Ano isasagot ko? Promise di talaga ako nakikinig sa kanya. Major subject ko pa naman to. Waaa ayoko mapahiya.

"Ahh. Ma'am. Hmmm. Ehh ano eh. Ahh?" gosh wala akong masabi. Sinasadya talaga nito na mapahiya ako eh. Patanggal ko kaya to kay daddy ewan ko lang kung makapalag pa siya! Bwiset!

"Ok you may have your sit Ms. Lee" sabi niya. Oh gosh! I heard some gossips to my back and left.

"Kawawa naman siya. Napahiya na naman."

"Oo nga eh. Kala ko pa naman matalino siya. Di naman pala"

"Sayang yung yaman niya at ganda kung di naman magamit utak"

Please stop! Di niyo kilala kaya wag niyo kong husgahan. Grabe gusto ko nang umiyak sa mga narinig ko. Grabe naman kayo.

"You should listen Ms. Lee para may masagot ka sa klase ko. Ok?" bwiset! May araw ka din saken!

Di nako sumagot. Ang bagal naman ng oras dito sa klase na to. Sobrang napahiya na ko ngayong araw. Dahil diyan nasira agad ang araw ko. Umagang umaga sinira niya! Since 15minutes na lang bago magtime ay dinismiss na niya kami agad.

"Ok class don't forget to review your notes cause we a long quiz by next meeting. Specially you Ms. Lee" sabay tingin niya saken habang nagaayos ako ng gamit. Narining ko na naman na nagtawanan ang buong klase. Kaya mas lalo akong nainis! Nakakaasar di ba nila ako kilala? Ako lang naman ang anak na may ari nitong school na pinapasukan nila. Nakakaasar talaga! Arrgghh!

Nang dahil sa inis ko. Umalis na lang ako agad sa room. Kailangan kong pumalo ngayon. Kailangan ko ilabas lahat ng galit ko sa prof ko na yun! Bwiset siya!

Tawagan ko na lang si Iya since tapos na last class ko.

*****************************

Calling Iya....

[Oh bakit Rika?] bungad niya saken.

'San ka? Tara palo tayo? Kailangan kong maglabas ng sama ng loob. Kita na lang tayo sa gym'

[Ok. See you there.]

'Ok bye' then I hanged up.

*******************************

University Gym.

Nagset up nako ng net para sa training namin. Nagstretching na din ako at konting warm ups para ready na sa pagpalo.

Bigla naman dumating si Ate Andrea, Ate Faye at si Trisha then kinausap ako. Bakit kaya sila nandito? Well syempre malapit na kaming magtraining kaya siguro andito na sila. Si Ate Andrea at Ate Faye ay seniors ko. Si Ate Andrea ang magaling na libero namin at si Ate Faye naman yung middle hitter. Si Trisha naman at ako ay Open Spiker. Pwede kahit saan. At si Iya naman yung setter namin.

"Aga mo ata Rika dito?" sabi ni Ate Faye. "Ahh eh. Papalo sana ako. Kaso wala pa si Iya eh." I tell to them.

"Ahh. Tara! Sali kami ni Andrea at ni Trisha. Boring kung kayong dalawa lang di ba?" sabi ni Ate Faye.

State of Grace [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon