-I-

38 4 6
                                    

Eirika's POV

"Ewan ko sayo?! Di nga kita maintindihan kung bakit di ka pa rin naalis papuntang America eh" sabi ng pinsan ko na kasama ko ngayon sa bahay.

"Hmm? Di pa siguro oras na umalis ako dito sa Pilipinas. Ang dami ko pa kayang dapat unahin" sabi ko at bigla naman nagbago expression ng mukha niya. HAHA?!

"Hay nako ewan ko sayo Rika?! Di ka na nadala. Mas makakapagfocus ka ng pagaaral kung sa America ka magaaral at isa pa andun ang parents mo. Ayaw mo ba nun magkakasama na kayo. One big happy family na ang peg niyo?!" Pageexplain niya. Sabagay andun nga sila pero di ko naman kasi feel na tumira sa America. I mean, hello? Pinay ako! At di ko pinangarap tumira dun no? Sila Mommy at Daddy lang naman ang may gusto na tumira dun eh.

"Pagiisipan ko pa?! Tsaka di ko gusto ambiance dun. Kung ako sayo magready ka na at pumasok. Male-late ka na?!". Sabi ko kay Mich. Arte kasi eh. Gustong gusto na akong papuntahin sa America siya na lang kaya pumunta dun? Baka matuwa pa siya?! HAHA!

"K.Fine! O sige ako muna maliligo ah." Sabi niya sabay akyat sa taas.

Aakyat din naman pala ang dami pang kwento!

Opps! Bago ko malimutan. I'm Eirika Lee, well bakit Lee? Half Chinese Half Filipino ang Daddy ko at ang Mommy ko naman pure Filipina. Nag-kakilala sila sa isang modern business na ngayon ginawa na nilang school at naging University na! I'm 17yrs. old. 2nd year Banking & Finance student sa Twinne Towere University! Kami lang naman ang may ari ng University na yan?! At yan ang University na pinaghirapan ng parents ko. Yes! Mayaman kami pero di naman ako masaya kasi laging subsob sa business ang parents ko kaya wala silang time na binibigay saken.

AN/: Eirika Lee on Multimedia.

Varsity din pala ako. I'm a volleyball player, nagchampion last season ang University namen kaya proud ang buong Twinnian Community! Ngayon lang kasi nakamit ng University namin ang kauna unahang Title sa Women's Volleyball Tournament! In case you want an additional knowledge about me? Ako lang naman ang star player ng team namin. Hehe di naman sa nagmamayabang ako pero totoo naman yun.

Di lang halata saken. Medyo payat kasi ako, di naman sobrang payat ha. Slight lang at sobrang puti. Di mo nga malalaman na athlete ako kung di ko pa sasabihin.

Hmmm by the way. Tapos ng maligo si Mich?! Kaya ako naman ang kikilos para pumasok.

"Miss Eirika Lee tapos na po ako. Its your turn naman po" sarcastic niyang sabi. Haha! Problema nito?

"Yes Miss Michellin Lee" sabi ko in return with sarcasm. Haha! Kung makikita niyo lang itsura niya for sure matatawa kayo ng bongga?!

*****************

School---

"Teka Mich same ba tayo ng section?" I ask Mich while looking at her schedule.

"Wait!"

"Pakibilisan please?" Sabi ko. Ang tagal naman kasi hanapin eh!

"Hmmm. Couz. I'm sorry sa kabilang class ako eh. O sige una nako ha!" habilin niya. Buti naman di kami classmate. Matalino din kasi yan si Mich eh. Ayoko nga may ka-kumpetensya sa klase lalo na kung pinsan ko pa no?

Di naman sa natatakot ako. Pero ayoko lang talagang kalabanin si Mich.

Di na ko nakapagpaalam at sabay pasok sa room ko.

Naghanap muna ako ng vacant seat tapos I saw a vacant seat sa may front row. Since I'm the daughter of the owner of this University nagreserve talaga sila ng seat para saken.

Habang naglalakad ako papunta sa seat ko. Bigla naman nagsalita yung prof namin.

"Ok class! Let's welcome our very own Eirika Lee! The daughter of Mr. And Ms. Lee. The owner of this University" introduce niya.

State of Grace [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon