Chapter 1: The Escape

66 3 0
                                    

Mabilis ang pagkilos na ginawa ni Victoria para mailayo ang anak sa mga  Persephone.

Ginamit nya ang lahat ng kanyang lakas at narating ang mga lugar ng mga mortal, ang Sergola.

Iyon na lamang ang tangi nyang paraan para hindi ito masundan ng mga humahabol sa kanila.

Ang mahigpit na ipinagbabawal ng mga Persephone ay ang mahaluan sila ng ibang lahi o ang tinatawag nilang "Hybrid".

Ang mga Persephones kasi ay apat na daang taon nang nabubuhay at pag lalo pa silang tumatagal ay mas lalo silang lumalakas.

Kaya hindi nila hinahayaang mabuhay ang hybrid  kaya pati magulang nito mapa vampire man,  o werewolf ay pinapatay nila.

Para sa mga Persephone, ang Hybrid ay hindi pwede mamuhay kasama ng mga normal na bampira lamang at posible rin kasing ito ang maging dahilan ng kanilang pagka ubos dahil mas malalakas ang hybrid kaysa sa normal na bampira lamang.

Iniwan nya sa harap ng bahay ng mga mortal ang kanyang anak.

"Ikaw si Lexus Blake, sana'y lumaki kang mas malakas sa mga Persephone at kung ikaw ay hindi nila agad mahanap hanggang mag labing walong taon ka, ikaw mismo ang makakatalo sa kanila. Anak, mahal na mahal ka namin. Paalam muna mahal kong Lexus .." sabi ni Victoria at saka may ibang lengwaheng sinasambit saka nya hinalikan ito sa noo at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Ang walang kamalay-malay na sanggol ay nagsimula nang umiyak ng marahil ay naramdaman nyang hindi na sya hawak ng kanyang Ina.

Samantalang si Victoria ay hinarap ang mga Persephone at nais tulungan ang Ama ng kanyang anak na si Lennox.

Nang dumating sya sa Swendyx kung saan sila nakatira. Nakita nya si Lennox na duguan na. Matindi ang kinakaharap nila pagkat hindi lang simpleng vampire ang kaharap nila kundi ito ang malalakas, makapangyarihan at walang awang mga Persephone.

Tumalon sya ng mataas at sa harap sya ng kanyang asawa bumagsak. Napansin nyang nanghihina na ito pagkat nag-iisa lang syang lumaban sa mga ito.

"Apollyon, bakit hindi mo nalang kami hayaan at kami nalang ang lalayo." sabi ni Victoria sa pinuno ng Persephone.

Tumawa ng nakatutuya si Apollyon na para bang nakakatawa ang mga sinabi ng kaharap nya.

"Alam mong hindi maaari ang sinasabi mo kaya bakit nakikiusap ka ngayon? sabi ni Apollyon na nanlilisik ang mga mapupula nyang mga mata.

"Sige kung hindi kayo mapakiusapan ay lalabanan na lamang namin kayo. Wala rin naman kaming ibang pagpipilian."

Pasugod na sana si Victoria ng hawakan sya ni Lennox na duguan na. "V-Victoria, umalis ka na d-dito. A-Ako na ang bahala sa k-kanila."

"Hindi mo na kakayanin mahal ko, hindi kita iiwan dito."

"S-Si Lexus.. A-Ang anak natin?"

"Hindi nila mahahanap si Lexus. Kahit pa mapatay nila tayo." sabi ni Victoria na nanginginig sa galit.

"Masyado na kayong maraming sinasabi. Kahit anong mangyari mahahanap at mahahanap namin ang anak nyo!! Thanatos, kumilos ka na!!" kagyat na utos ni Apollyon.

Nagsimulang kumilos ang isa sa pinaka malakas sa Persephone. Isang napaka lakas na suntok ang pinakawalan ni Thanatos at mabilis namang nasalag ni Lennox ngunit tumalsik sya pagkatapos nun.

Patakbo na sana si Victoria para tulungan ang kanyang asawa ngunit biglang nanakit ang buong katawan nya at hindi sya makagalaw.

Pilit nyang nilingon ang nasa likod nya, si Alvah pala iyon. Ang may kapangyarihan ng Pain Illusion.

Nagkaroon ng pagkakataon para hawakan ni Thanatos ang ulo ni Lennox at  pinilipit iyon at gumulong ang ulo nito sa paanan ni Victoria. "Lennox!!!"

Kasabay ng pagsigaw nya ay nagpalit sya ng anyo mula sa pagiging tao ay naging taong lobo na sya.

Nawala sa focus si Alvah sa pagpapakasakit kay Victoria.

Humanda ang mga Persephone at sabay-sabay umatake. Pero lahat ng iyon ay hindi tumalab sa nag-uumapaw  na kapangyarihan ni Victoria.

Pa-atake na ulit si Victoria pero napahinto sya pagkat may hawak na sanggol si Apollyon. Laking gulat nya nang mapagtanto nyang si Lexus pala ang umiiyak na iyon.

Kahit kasi nagpalit anyo siya ay kaya parin nya makakilala. Isa iyon sa kapangyarihan nya. At dahil dun ay nawala ang focus nya at bumalik sya normal nyang anyo.

"A-Anak ko, bitawan mo sya Apollyon!!"

Pero parang balewala kay Apollyon ang mga sinabi nya. "Huli na ang lahat Victoria!"

Naramdaman nalang ni Victoria na may tumarak sa kanya mula sa likuran.

Si Malvolia, ang may kapangyarihang magpagalaw ng mga bagay sa kanyang paligid. Ang Force Wielding.

Sinubukan nyang magpalit anyo ngunit hindi na nya magawa dahil sa lalim ng kanyang sugat na umabot hanggang sa kanyang puso.

Nang tanggalin ni Malvolia ang nakatarak kay Victoria ay humandusay ito sa sahig na puno ng dugo.

Pinilit nyang tumayo at umatake patungo kay Apollyon. Hindi nakapag handa si Apollyon kaya't huli na ang pag-iwas na ginawa nya at nasugatan na sya ni Victoria sa kanang braso nya.

Sinakal nya si Victoria na wala naring lakas. Ibinuhos nya ang huling lakas nya para sana'y mailigtas man lamang ang kanyang anak.

Nakayuko na sya at nanghihina na pero gusto nya uli makita at mailigtas si Lexus bago sya mawalan ng hininga.

Napasigaw si Victoria nang ibinato ni Apollyon ang sanggol at sa isang iglap ay nagpalit ito ng anyo. Hindi nya inakala na mapaglilinlangan pala sya ng mga ito.

Hindi pala iyon ang kanyang anak kundi si Keres na may kapangyarihang gayahin ang iba't-ibang katauhan na naisin nya.

Nakahinga sya ng maluwag at hindi pala nila nakuha si Lexus. Tumawa sya ng malakas at tinitigan ng mabuti si Apollyon.

"Hinding hindi nyo makikita ang anak ko. Humanda kayo pagkat sya mismo ang uubos sa inyong lahat!"

Matapos ay mabilis na lumapit sa kanya si Thanatos at pinatay sya pareho ng ginawa kay Lennox.

"Hah! finally natapos din. Pour me some wine later Thanatos." sabi ni Malvolia.

"Walang dapat ipagdiwang Malvolia, kailangan mahanap nyo agad ang anak ni Victoria at Lennox "

Nagtinginan sila at nagsabing "Masusunod Apollyon."

Sabay-sabay silang nawala sa isang iglap lamang. Naiwan ang duguang katawan ng mag-asawang Lennox Collins at Victoria Davis.

Sergola

Binuksan ni Helen ang pinto at nagulat nang makita na may sanggol na iniwan sa kanilang bakuran.

"Gerardo! Gerardo! madali ka, pumunta ka dito."

Dali-daling lumabas si Gerardo ng kanilang bahay at nagulat din sa nakita. "Helen ano ba iyon-- , B-Bakit may sanggol kang hawak?"

"Gerardo, may nag-iwan sa kanya.." saka palinga-linga ito sa paligid.

"Halika at ipasok na sya sa loob. Baka sipunin pa sya."

"Ay ang cute cute nya, pwede bang saatin nalang sya?"

"Malalaman natin bukas Helen."

"Gerardo naman matagal na natin gusto magkaanak diba. Oh eto na ang hiling natin. Diba baby?"saka nya ito nginitian.

Hindi umimik si Gerardo at tuluyan nang pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Pagsara ng kanilang pinto ay sya namang paglabas ng misteryosong lalaki na kulay pula din ang mata. "Lexus Blake Collins"..

The Dark Side of Lexus Blake Where stories live. Discover now