Chapter 7: Hunter

11 1 4
                                    

Nang makarating na sina Quintin at ang iba pa nyang mga kasama sa kanilang tinutuluyan na pansamanatala lamang ay saka nila nakita roon ang kanilang Master na si Yul.

Nagbigay galang sila dito sa pamamagitan ng pagyuko. "Napaka husay ng iyong ginawang pagpapakilala sa kanila Quintin. Totoong maaasahan ka talaga."

"Salamat po Master Yul." mahinahon na sabi ni Quintin.

"At kayo? ano bang nangyayari sa inyo? Diba ang bilin ko ay mag-ingat sa bawat kilos nyo?"

"Pero Master, wala naman po kaming ginagawa--" pagrarason ni Elyon ngunit hindi na nya naituloy.

"Sigurado ba kayong wala? o iisa-isahin ko pa?" saka hinarap ni Yul ang lima.

"Master patawarin nyong muli kami. Pangako namin na hindi na ito muling mauulit at magseseryoso na kami." salaysay ni Raven habang ang iba ay nakayuko rin.

"Sige, aasahan ko yan. At alam ko na ang dahilan kung bakit kayo nagkaka ganyan. Ilang araw na kayong wala sa Gallen kaya malamang ay nanghihina na kayo."

Maya-maya ag kinuha ni Yul ang kanyang dalang sako na may tig iisang supot ng dugo.

Iaabot pa lamang sana nya ang mga ito sa mga hybrids ay naubos na nila ito ng wala pa atang isang segundo.

Ang kanina'y malamlam nilang mga mata at mapuputlang mga labi ay nagbago ng makainom ng dugo.

Nakagisnan na nila na ang kanilang iinumin ay dugo ng hayop at hindi ng tao. Matagal na panahon nang hindi ginagawa ng mga bampira o hybrid man ang uminom ng dugo ng tao.

Dahil sa paniniwala nilang mas nagbibigay lakas ang dugo ng hayop kaysa sa tao. Ang mga Persephones ang nagpasimula nito.

Kaya rin sinarado na ang lagusan patungo sa Sergola para mas matutunan ng mga bampira ang pangangaso sa sarili nilang lupain.

Ngunit sa kadahilanang may kailangan si Yul sa Sergola kaya muling nabuksan ang lagusan na iyon lingid sa kaalaman ng kanyang kalahi at ng mga taga Des Moines, ang mga Persephones.

Kaya naman ang mga tao sa Sergola ay matiwasay nang namumuhay na hindi katulad noon.

Hinarap na muli ni Yul ang mga bagong sibol na hybrids. "Kumusta si Kier?"

"Okay naman Master Yul, mamaya po ay iimbitahan nya kami sa kanilang bahay." salaysay ni Quintin.

"Hmm.. para saan naman?"

"Para makapagpa salamat daw sya ng maayos sa nagawa namin na tulong sa kanya." sabi ni Raven

"Sige puntahan nyo para maobserbahan nyo rin sya."

"Pero hindi daw po sasama si Elyon, Master." sabi naman ni Vinx.

Nananahimik si Elyon sa isang sulok ng maliit na bahay na iyon. "Elyon, anong dahilan at ayaw mong sumama sa kanila?"

Matagal bago ito nakasagot, "Elyon?" pag-uulit ni Yul.

"K-Kasi po Master, baka pakainin at painumin nila kami doon."

Nagtawanan ang mga kasama nito, "Normal lang naman iyon sa isang mortal na tumatanggap ng kanilang bisita at pakainin nila. Parte iyon ng pagtanggap nila ng bisita.

"Alam nyo naman po na hindi kami kumakain ng kinakain ng mga mortal at uminom ng iniinom nila, depende nalang kung ang ihahain nila ay dugo ng hayop." malungkot na sabi nito.

Pinigilan ni Yul na matawa sa sinabi ng pinaka batang hybrid. "ipagpaumanhin nyo ngunit wala na tayong magagawa doon, dahil isa na iyon sa paraan para makilala nyo ng husto si Kier."

"Hayaan nyo po Master at gagawin po naman angg lahat para matapos ng maayos ang pagbisita namin kay Kier,ako na po ang bahala kay Elyon." sabi ni Quintin.

"Ano pa nga ba Quintin, ikaw na muna ang bahala sa kanila. Ano pang hinihintay nyo, umalis na kayo."

Maya-maya ay nagpaalam na ang mga ito at sabay-sabay na nawala sa harap ni Yul.

Samantalang ang buong pamilya ni Kier ay naghahanda para sa pagdating ng mga bagong kaibigan ni Kier.

Maya-maya ay dumating na sila sa bahay nila Kier, magiliw silang tinanggap ng pamilya ni Kier.

"Naku mga iho at iha salamat sa pagpunta nyo dito. Pasensya na kayo at yan lang ang nakayanan namin."

"Naku, walang ano man po. Nagpapasalamat nga po kami dahil sa pag-imbita nyo sa amin dito."

"Wag kayong mag-alala dahil masarap magluto ang Nanay ko." sabi naman ni Kier.

"Asus ito talagang anak ko. Sige na at kumain na kayo.

Tahimik lang na kumain ang mga hybrids. Saka maya-maya ay inihainan pa ni Helen ng leche flan.

Humingi ng maiinom si Elyon at binigyan naman agad ito ni Rebecca.

Nang makainom ito ay bumalik na sa kanyang upuan at saka isinubo ang huling pagkain sa plato nya saka inisang lagok ang kinuha nyang tubig.

"Okay ka lang Ely?" nag-aalalang tanong ni Quintin.

"Ayos lang naman, sa wakas ay naubos ko yung pagkain ng mga mortal. Pero nakakapagtakang nagustuhan ko ang aking iniinom."

Ngumiti lang ng palihim si Quintin sa sinabi ni Elyon sa kanya. Maya-maya ay bumalik sa kusina ang Ina ni Kier na si Helen.

"Iha!" sabi ni Helen na nagulat sa nakita.

Muntik pang mabitawan ni Elyon ang hawak na baso. "B-Bakit po?"

"Rice wine yang iniinom mo, naku Kier hindi mo naman inasikaso itong kaibigan mo."

Sasagot na sana si Kier ngunit naunahan na sya ni Rebecca. "Sorry po, ako ang nagbigay sa kanya nyan Ma. Sorry Ate Elyon, napagkamalan kong tubig." sabi ni Becca.

"A-Ahh ayos lang naman. Wala naman akong nararamdamang kakaiba."

Lahat sila at tumingin kay Elyon, nang mapansin nya na nasa kanya ang atensyon ng lahat ay yumuko nalang sya.

"Wag ka mag-alala iha, makakaramdam ka lang naman ng init sa katawan pero pagkatapos ay magiging okay ka na."

Pilit na ngiti lang ang isinagot ni Elyon.

Matapos sila makakain at matikman ang inihandang leche flan ni Helen ay nagpaalam na rin ang mga ito.

Inihatid ni Kier sa labas ang mga kaibigan nya. "Ingat kayo, salamat sa pagpunta. Sa uulitin." saka ito ngumiti.

"Salamat ulit Kier sa pag imbita mo saamin. At totoo ngang masarap ang luto ng iyong Ina."

"Wala yun, pasasalamat ko lang sa ginawa nyong kabutihan saakin."

Matapos maihatid ni Kier sa sakayan sila Quintin ay naglakad na siya pauwi ng kanilang bahay.

Ngunit bigla nalang nakaramdam ang mga hybrids ng napaka lakas na aura.

Tumatakbo ito ng napaka bilis at sa sobrang bilis nito ay hindi nila makita kung sino ang nilalang na iyon.

The Dark Side of Lexus Blake Where stories live. Discover now