Chapter 11: Chase

17 2 3
                                    

Pagpasok sa university ng magkapatid ay nilapitan agad sila ng mga kapwa estudyante din na katulad nila.

Alam nilang tungkol ito kanilang kuya Kier ngunit hindi nalang nila ito pinansin at ipinagpatuloy ang kanilang paglalakad ngunit biglang may humarang sa kanilang dalawa.

Tingin nila ay kasing tanda ito ng kanilang kuya. "Bakit parang tumatakas kayo? May gusto lang naman kami malaman." saka ito pasimpleng ngumiti sa kanyang mga kasama.

"Kung ano man yang gusto nyo itanong, pwes wala kaming pakialam!" sabi ni Becca na hawak ang kamay ng kapatid na nasa likuran nya.

Nagtawanan ang mga ito saka nilabas ng lalaki ang cellphone nito. "Wag nyo na ikaila dahil nakunan namin ng video ang ginawa ng kuya nyo." saka nito pinindot ang screen at nagsimula nang mag play ang video.

Hindi ito tiningnan ng dalawang dalaga bagkus ay hinawi ito ni Becca ng kanyang kamay kaya't tumilapon ito at nahulog sa kinatatayuan nila.

"Anong ginawa nyo sa cellphone ko?!" saka nito pinulot ang cellphone nitong may basag ang screen.

Lalo itong nagalit sa dalawa, "Maayos lang naman kaming nagtatanong pero binasag nyo pa cellphone ko?" saka nito nilapit ang mukha kay Isabelle.

"Anong klaseng tao ba ang Kuya mo?  Kasi base sa video nagmukha syang halimaw dahil ang ginawa nya ay di kayang gawin ng isang normal na tao!" sabi nito saka muling ngumisi.

Samantalang si Kier ay kanina pa nagpipigil sa kanyang galit mula sa mataas na pinagtataguan nya. Gustong-gusto na nyang tulungan ang mga kapatid sa lalaking iyon ngunit baka lalo lang lumala ang problema nya.

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Rebecca dahil nakita nya ang kapatid na takot na takot sa kaharap nila.

Lalong nag-alburuto ang lalaking kaharap nila. "Bakit mo ako sinampal hah?" galit na galit na sabi nito habang hawak ang pisngi nya.

Bago pa man mahawakan ng lalaki na iyon ang dalawa ay dumating na sila Quintin. "May problema ka ba sa kanila?" saka naglapitan ang dalawang dalagita sa kanila.

Sinenyasan nya si Vinx na kunin muna ang dalawa saka nya hinarap ang mga nananakot kanina kila Becca.

"Katulad din ba kayo ni Kier na may pagka halimaw?" saka sila sabay-sabay na nagtawanan.

Yumuko si Quintin," Oh ano tama kami diba? Anong klaseng nilalang kayo? Sabihin mo?!" saka ito biglang napa atras nang dahang-dahang tumingin sa kanya si Quintin na pula ang mata.

Isa-isa itong nagtakbuhan na tila nag-uunahan pa sa takot nang makita ang mata ni Quintin.

Kinalma ni Quintin ang sarili hanggang sa bumalik sa dati ang kanyang mga mata saka hinarap niya ang dalawang dalagita. "Ayos lang ba kayo?" saka ito ngumiti.

"Ayos lang naman po, salamat at dumating kayo agad. Hindi na namin alam ni Isabelle kung ano na ang mangyayari sa amin kung hindi kayo dumating." sabi nito habang nakayakap ang kapatid nya sa kanya.

"Ang tapang mo nga kanina Rebecca." sabi ni Elyon saka sya ngumiti.

"Oo nga, mas natakot nga ako sa inyo kaysa sa mga lalaki na yun. Diba Vinx?" biro ni Raven sa kanila.

Nagtawanan sila nang pabirong nanginginig si Vinx habang tinitingnan ni Rebecca.

Laking pasasalamat ni Kier sa ginawa ng mga bago nyang kaibigan. Saka sya mabilis na umalis bago pa man may makakita at makaramdam ng kanyang presensya.

Habang maingay na nagbibiruan ang lahat ay bigla silang may naramdaman. "Quintin.." tawag ni Raven.

"Oo naramdaman ko sya." saka ito nagpalinga-linga.

"Susundan na ba natin sya? pagkakataon na natin ito." litanya ni Raven.

"Elyon,Brylle, Vinx at Trevor  kayo na muna bahala sa kanila. Kailangan naming mahabol si Kier."

Saka niyaya nila Elyon ang dalawa papunta sa kanilang mga room at mabilis na nawala ang dalawa.

Buti at wala pang gaanong estudyante ng mga oras na iyon dahil maaga pa kaya't mabilis silang nakaalis.

"Ah salamat pala ulit sa inyo--, nasaan na sila Kuya Quintin?" sabi ni Becca saka inikot ang kanyang paningin.

"Ay naku ganyan talaga yang dalawa na yan, bigla-bigla nalang nawawala na parang bula." sabi ni Brylle at pasimpleng pinakiramdaman ang mga ito pero tingin nya ay malayo na sila.

"Hatid nalang namin kayo? Tara na." sabi ni Elyon at nagsimula na silang maglakad patungo sa room ng dalawa.

Samantalang sina Quintin at Raven ay napaka layo na sa pinang galingan nila ngunit hindi pa rin nila mahanap si Kier.

"Maghiwalay tayo Raven, dun ako sa kaliwa at sa kanan ka naman." sabi ni Quintin na mas binilisan ang pagkilos nito.

"Sige Quintin, dito na ako." saka biglang nawala si Raven.

Naikot na nila ang buong university at wala pa rin silang makitang Kier. Nakalagpas na rin sila sa ilan pang mga university ngunit wala na silang maramdaman.

Nahanap mo?" tanong ni Quintin habang pilit na pinapakiramdaman ang kinaroroonan ni Kier.

"Wala rin, sadyang napaka bilis talaga nya." sabi ni Raven habang pailing-iling.

"Ang totoo nyan pag-akyat palang natin sa mga punong iyon ay hindi ko na agad sya maramdaman." sabi ni Quintin na hindi makapaniwala sa bilis ni Kier.

Nang maihatid na nila Elyon sina Isabelle ay nagkita-kita sila sa puno kung saan nila madalas puntahan.

"Hindi nyo rin sya naabutan?" tanong ni Trevor

"Hindi eh, mas mabilis pa kasi sya sa bula." sabi ni Raven saka tumingala sa pugad ng ibon na nandoon.

"Siguro kung nalalaman lang nya na tayong pito ay iisa, hindi sya mangingilag sa atin."sabing muli Quintin.

Biglang tumayo si Elyon mula sa kanyang pagkakaupo, "Paano kung magkunwari tayo na nasa panganib ako? Magpapakita sya nun tama ba?"

Nagtinginan sa kanya ang kanyang mga kapwa hybrid. "Napaka husay nang naisip mong yang Elyon." tuwang-tuwa na sabi ni Quintin saka ito niyakap.

"Tulad kasi ng sabi ni Master, hanapin natin sya pero paano natin yun magagawa? Eh kahit maghiwa-hiwalay tayo hindi natin sya madadakip." sabi ni Brylle saka tumingin kay Elyon.

Mabilis na lumipas ang oras at nagdilim na ang paligid. Ganoon na pala sila katagal na nag-uusap.

Samantalang  mula sa ibaba ay napansin nila ang presensya ng dalawang kapatid ni Kier na sina  Isabelle at Rebecca.

Ngunit nagtataka sila kung bakit pareho itong umaatras mula sa kanilang pinag kakatayuan.

Nagulat sila na ang kapatid pala nilang si Kier ang kaharap ng mga ito. Nagkatinginan sina Raven at Quintin. "Paanong hindi natin sya naramdaman?"

The Dark Side of Lexus Blake Where stories live. Discover now