Chapter 12: The intruders

18 2 1
                                    

"Namimiss ko na si Kuya Kier pero kasi--" sabi ni Isabelle habang sabay na naglalakad na hawak ang kamay ng kanyang Ate.

"Pero kasi natatakot ka pa rin sa kanya dahil sa nakita natin sa kanya?" saka nilingon ang kapatid at saka ito tumango lamang.

"Ako rin naman miss ko na si Kuya pero pag naaalala ko ang itsura nya ng araw na iyon, hindi talaga ako makapaniwala na si Kuya yun." sabi ni Becca na iniling-iling ang kanyang ulo.

"Pero paano nalang sila Mama at Papa? Matagal na nilang hinihintay na umuwi si Kuya. Isa pa wala rin sila makuhang sagot sa atin kung bakit di na sya umuwi." malungkot na sabi ni Isabelle saka nag unahan ang kanyang mga luha.

"Alam ko ang nararamdaman mo, nalilito ka sa mga nangyayari at ganun din ako. At gustong gusto kong sabihin kila Mama at Papa ang lahat ng nakita natin pero hindi maniniwala ang mga iyon kasi kahit tayo na mismong nakakita ay hanggang ngayon di pa rin tayo makapaniwala." sabi nito saka kinuha ang panyo sa bulsa ng kanyang palda at pinunasan ang mukha ng kapatid.

Tiningnan nya ang kapatid, "Wag ka nang umiyak, malalagpasan din natin to. Tahan na." saka nya ito niyakap at niyaya nang magpa tuloy sa paglalakad sa loob ng university.

Tumango ang kanyang kapatid, "So hanggang kailan natin ito isesekreto kay Mama at Papa?" tanong muli ni Isabelle saka yumuko.

"Hindi ko rin alam kung hanggang kailan pero sa tamang--" sabi ni Rebecca na hindi na naituloy ang sasabihin.

Tiningnan sya ng kanyang kapatid at nakitang nitong parang nagulat sa nakita nya kaya't tumingin din sya sa direksyon kung saan ito nakatingin at laking gulat nya nang mapagsino nya ang kanilang kaharap.

"K-Kuya?" utal na sabi ni Rebecca.

Napayakap si Isabelle sa kanyang Ate dahil naaalala pa nito ang itsura ni Kier. "Oo ako nga ito Becca, Belle." saka ito ngumiti na parang wala syang pinoproblema.

Nagkatinginan lamang ang dalawang magkapatid. "Hindi na ba kayo natatakot sa akin?" tanong ni Kier na parang ikinatakot nya rin ang maaaring isagot sa kanya ng kanyang mga kapatid.

Tiningnan ni Becca ang mga mata ng kanyang Kuya nung huli kasi nila itong makita ay tila ito nag-aapoy, pero nagtaka sya kung bakit tila normal na ang kulay nito.

"A-Ano bang nangyayari Kuya? Halos lahat ng tao dito sa school alam na yung ginawa mo. Hindi namin alam ang isasagot sa kanila." sabi ni Becca at tinitigan niya itong mabuti mula ulo hanggang paa.

Pansin nyang medyo humaba na ang buhok nito, may tumutubo na ring bigote dito. Hindi nya makilala ang suot nitong damit na parang napaka luwag para sa kanya.

Muli nyang pinasadahan ng tingin ang Kuya nya saka nya napansing hindi pala maluwag ang damit na suot nito. Kapansin-pansin na lumaki ang katawan nito na dati ay hindi naman ganoon ang katawan nito.

"Hindi ko parin maipaliwanag sa inyo kung ano ang nangyayari sa akin, pakiramdam ko ay ibang tao na ako. Hindi ko maintindihan ang mga pagbabago sa aking katawan, pero hahanap ako ng sagot kung ano ba talaga itong nangyayari sa akin, saka ako babalik sa atin at ipaliliwanag lahat kila Mama at Papa ang mga nangyari. Sa ngayon kayo na muna ang bahala sa kanila. Alam kong nag-aalala na rin sila sa akin. Mahal na mahal ko kayo at Miss na miss na rin." saka ito mabilis na nawala sa kanilang harapan.

Nagulat ang dalawang kapatid nya, saka nagpalinga-linga ang mga ito, "A-Ate san sya n-nagpunta?" sabi nito na bakas ang takot sa mukha.

"H-Hindi ko rin alam, n-napaka bilis nyang kumilos. A-At sa isang iglap lang nawala na sya sa h-harap natin." saka ito napaupo.

Samantalang ang grupo nila Quintin ay naging abala sa pagsunod kay Kier. Dahil hindi pa ito lubusang nagiging hybrid ay hindi pa sya ganoon karunong makiramdam ng aura ng kapwa hybrid nya.

Nakakaramdam lang sya dahil marahil sa kanyang matalas na pandinig na kasama na sa pagdevelop ng kanyang bagong katauhan.

Ikinubli nila ang kanilang sarili sa isang malago at mataas na puno na malapit sa tinutuluyan ni Kier na literal na maraming puno.

"Dito pala sya nagkukubli." salaysay ni Quintin habang tinitingnang mabuti ang mga kilos ni Kier na halata sa mga mata nito ang lungkot.

"Napaka liblib pala talaga ng kanyang pinagtataguan." sabi ni Raven saka umakyat sa isa pang branch ng puno.

"Ngayong nalaman na natin kung saan ang kanyang pinagtataguan, ano na ang gagawin natin?" tanong ni Brylle kay Quintin.

Maya-maya ay naglabas ng mga maskara si Quintin. Lahat ng kanyang mga kasama ay napatingin sa bagay na iyon.

"A-Ano ang gagawin natin sa bagay na iyan?" tanong ni Elyon na bahagyang mababanaag ang pagkalito sa kanyang inosenteng mukha.

"Yan ang gagamitin natin para malapitan si Kier." seryoso at ma-otoridad na sabi ni Quintin saka isinuot ang maskara.

Samantalang ang iba pa nitong mga kasama ay isinuot na ang maskara kahit nalilito parin sa binabalak ni Quintin.

Naunang bumaba mula sa kanilang pinag kukublihan si Quintin. Saka tumingin sa kanyang mga kasama na nasa taas pa ng puno at sinenyasan nang bumaba.

Nagkatinginan pa ang mga ito saka isa-isang nagbabaan at nakasunod kay Quintin.

Samantalang si Kier ay walang kaalam-alam sa mga mangyayari o sa balak gawin ng kapwa nya hybrid.

Kanina pa sya palakad-lakad habang inisiip ang kanyang mga gagawing hakbang kung paano nya pwedeng ipagtapat sa kanyang mga magulang ang nangyayari sa kanya.

Wala na kasi syang maisip na tao na pwede nyang lapitan kundi ang kanyang pamilya lamang. Isa pa, naiisip nyang marahil ay masagot ng kanyang mga magulang kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon dahil anak sya ng mga ito.

Habang nasa malalim syang pag-iisip ay hindi na nya namalayang nasa loob na ng maliit na kubo ang mga hybrid.

Nang umupo sya at pumikit sumandali para magpahinga at saka sya nakaramdam ng kakaiba.

Marahas nyang ibinukas ang kanyang mga mata at nagulat sa nakita na napapaligiran na sya ng anim na taong may itim na maskara.

Mabilis syang tumayo mula sa kanyang pinagkaka tayuan at hinanda ang sarili sa mga taong naka paligid sa kanya.

"Sino kayo?!" agad na tanong nya sa mga ito.

Ngunit wala syang nakuhang sagot sa mga ito pagkat inatake agad sya ni Quintin.

Mabilis nasalag ng kanyang braso ang malakas na pwersa ng pagsipa ni Quintin.

Ramdam ng mga kasama ni Quintin na nagulat ito sa pagsalag ni Kier na hindi pa ginagamitan ng buong pwersa.

Nagsalitang muli si Kier, "Ano ang kailangan nyo sa akin?!"

Dahil hawak pa ni Kier ang paa ni Quintin ay saka nya marahas na iwinasiwas ito at saka itinapon palabas ng kubo.

Ang mga kasama nito ay natulala sa mabilis na kaganapan. "Ngayon na!"  sigaw ni Quintin mula sa kanyang isip.

Agad na nag response ang mga hybrid at saka sabay-sabay na umatake kay Kier.

The Dark Side of Lexus Blake Where stories live. Discover now