Unspoken rule #4
~self love~"Mahalin mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao"
Eto na yung pangapat kong regalo.
Oo walang okasyon pero ikaw ay isusurpresa ko.
Grabe napakahalaga mo.
Akala ng mga tao na tayo.
Ikaw naman bulag walang alam sa mga nangyayari.
Napaka manhid mo naman kasi.
Wala kang kaalam alam ba gusto kita.
Ako naman kasi nahihiya.
Baka kasi pag umamin ako lumayo ka.
Ayaw kitang mawala.
Pero gusto kitang maniwala.
Na, ayos lang kahit hindi moko gustuhin pabalik
Dahil kaya kong magintay hanggang sa ikaw ay mahalik.
Hanggang tingin nga lang ba?
Hanggang kaibigan nalang ba?
Baka may pagasa?
Ako ba ay aasa pa?
Isang daang tanong tungkol sayo.
Kung ako ba ay magy pagasa ba sayo.
Siguro panahon na, para kapalan ang mukha.
Nilapitan kita at sinabing "gusto kita ako ba ay gusto mo rin?"
Tinignan mo ko at binitiwan ang dalawang salita na "hindi sorry"
Umalis ka at pinilit kong ngumiti.
Grabe ang sakit.
Ayaw mo sakin? Bakit?
Inisup ko paulit ulit.
Grabe talaga napaka sakit.
Hindi ko kaya na mawala ka.
Para akong sinasaksak, ayaw ko na.
Para kong pinapatay paunti-unti, ayoko na hindi ko na kaya.
Binigay ko kasi ang lahat at hindi nagtira.
Wala na pala natira para sakin puta.
Kaya ngayon mamahalin ko muna sarili ko bago iba.
