Unspoken rule #5
"bakit ka single?"*mahal ko pa siya.
Alam mo, miss na kita.
Gusto kita ulit makita.
Gusto kita ulit makasama.
Gusto kita ulit makatabi sa kama.
Tanging laman ng utak ko ay ikaw.
Yung bawat ngiti mo na nagpapatunaw sakin,
Yung bawat sabi mo na "sobrang ganda mo" na nagpapangiti sakin
Yung paghawak mo sa kamay ko na nagpaparamdam na ligtas ako.
Pati ung mga pangako natin na ngayon napako.
Yung sabay tayo kumain,
Lahat ng yun, yung feelings ko para sayo ganun padin
Yung mga effort mo na nakakakilig?
Sabay ng iyong mga titig ngayon na nanlalamig.
Iniintay kita lagi sa labas ng paaralan umaasa padin na ako'y susunduin mo.
Ay oo nga pala wala ng tayo sabi mo.
Bakit nga ba?
Bakit nga ba biglang nawala?
Kasi siguro, lumabo?
Siguro, nagbago?
Siguro, ako nalang ang gumagawa?
Siguro nga, kasi nagsawa.
Nagsawa ka kamo.
Sa mga sinasabi ko.
Sa pagseselos ko.
Sa mga pangaaway ko.
Sa pagrereklamo ko.
Sa pagbibintang ko.
Sa paghihinala ko.
Sa ugali ko.
Sa 'AKO'
Sakin.
Pero, damdamin ko... sayo padin at hindi naglaho.
Bakit ikaw kaagad ay may bago?
Ganun ba ko kadali palitan?
Ganun ba ko kadali kalimutan?
Ganun nalang?
Pano ako?
Puro ikaw nalang?
Puro ikaw nalang ang masaya?
Ang sakit makita na masaya ka hindi ko kaya.
Nakakainis.
Pero pilit kong tinitiis.
Tiniis ko ang lahat.
Sapagkat para sakin yun ang dapat.
Dapat nga bang habulin ka?
Dapat nga bang magkabalikan pa?
Para sakin oo dahil mahal ka pa.
Ang mali ko kase ginawa kong mundo ang taong dapat tao lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/124270426-288-k850335.jpg)