My Rebound Girl

1.6K 9 0
                                    

Prologue

"Break na tayo."

Wow. Gandang bungad sa intro ah. Lol. Pero hindi naman sa akin sinabi yan. Napadaan lang ako sa corridors ng may lovers ako makita at sinabi yan nung babae doon sa BF niyang gwapo. Syempre crush ko yun eh kaya gwapo. Hahahaha.

"WHAT?! Wag ka nga magbiro ng ganyan." Renzo.

"I'm not kidding." Seryosong sabi nung girl.

"Why?" Tanong ni Renzo.

Para daw maging tayo na! Hihihi. Landi ko! ^_^

"I'm sorry. It's me hindi ikaw." Sabi nung girl sabay walk out.

Naglakad na din paalis si Renzo. Badtrep siya. Lol. Joke. Sad nga siya eh. Paano ba naman kaisa isang girl na sineryoso niya siya pang nakipag break sa kanya sa first day of school pa. Kung kailan mag iisang taon na sila. Ouch lang di ba? Matapos mo ibigay lahat sa kanya makikipagbreak gamit ang laos na dahilan na it's not you it's me?

Tapos ang girls kung minsan makaakto akala mo sila lagi ang biktima? Sila yung nasasaktan? Hindi ba nila naiisip na nasasaktan din ang mga lalaki. Gaya na lang ni crush. Tanga kasi nung girlfriend niya! Dapat ako na lang! -_-

Ay! Sorreh dami ko na palang nasabi. Nadala lang ng emosyon. Kawawa naman kasi ang Renzo babes ko eh. Hahaha. Ako nga pala si Krisha Maurine Yoon. 4th year highschool. Normal. Hindi sikat. Hindi masyadong maganda pero may itsura. Alangan sino bang wala? Lol. Barahin daw ba yung sarili. Hahaha. At gaya ng ibang girls inlove din ako sa hearthrob ng school namin who is Lorenzo Earl Gyo. As usual, gwapo siya, mayaman, mabait pero moody minsan at matalino. Ideal man na talaga siya at classmate ko siya. Weee. Kaya inspired aketch pumasok lagi eh. :))

At first day nga pala namin ngayon as 4th year highschool student! Woooh! Parteh parteh! Isang taon na lang ng pagdurusa at gagraduate na kami. Hindi kasi kami abot ng K-12 kaya masaya.

"Krisha Maurine del Rosario Yoon!"

Napatingin naman ako sa tumawag. Si bestie pala. Katarina Angelica Santos. Call her Geli and never ever call her Katarina. But I like her name Katarina kaya kahit nagagalit siya yun yung tawag ko sa kanya. ^_^

"Oh?" Tanong ko nung nakalapit na siya.

"Classmates tayo!" Nakangiti niyang sabi.

"Malamang. Top 2 ako top 5 ka." Bored kong sabi. Bopols kasi ni bestie eh.

"Che! And guess what?" Excited na tanong niya.

"Kaklase natin si Ace?" Hula ko.

Nagpout naman siya. LOL. Tama ako. Hahaha.

"Paano mo nahulaan?!" Parang batang sabi niya.

"Obviously, Ace is top 3 kaya kaklase natin siya. Common sense naman diyan miss top 5." Explain ko sa kanya.

"Whatever! May isa pa ako balita--"

"Kaklase natin si Renzo. Alam ko na yan. Top 8 po siya eh." Sabi ko naman na parang obvious na obvious na.

Bakit ba may tanga akong bestfriend?

"Ikaw na nga matalino! Nga pala, classmate din natin yung girlfriend ni Renzo."

Tiningnan ko naman siya ng seriously-tanga-mo-lang-look.

"Bakit?" Takang tanong niya sa akin.

"First, Danna is the top 1 and your expecting na hindi natin siya kaklase?" I said na para bang ang tanga tanga ng kausap ko eh sa tanga naman talaga eh. "Pangawala, ex-girlfriend na."

"Eh talaga? May pag asa ka na teh! Hahaha." Kinikilig na sabi ni Geli sabay hampas sa akin.

"Whatever! Tayo na nga sa classroom." Inis na sabi ko at kinaladkad ko na siya papuntang room.

Nothing interesting happened. Absent kasi si crush. Ewan siguro nag iiyak kaya absent. LOL. Sama ko lang. Hahaha.

My Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon