Chapter 02: A Date With HIM?!

304 5 4
                                    

Chapter 02: A Date With HIM?!

"If x varies directly to y, when y=3 and x=9, what is y if x=3?" Tanong ko sa kanya.

Lunch break na kami ngayon at nakatapos na kami ng dalawang subject. Pangatlo na itong math. Kiligs nga ako kanina eh! Waaaah.

*flashback*

Time na! Makakasama ko na si crush ngayong lunch. Wahahaha! Kilig vibes to the max!

"Let's go!" Yaya ni bestie sa akin.

Hindi ko pa nga pala nababanggit sa kanya. -_-

"Tayo na, Krisha?" Tanong naman sa akin ni Renzo.

Nanlaki naman yung mata ni bestie na alam mong kinikilig na nagtataka na parang ewan. Basta ganon reaction niya.

"Bestie, may--" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil sumigaw siya.

"OMGEEE!! KAYO NA NI RENZO? KAILAN PA? BHES, BAKIT HINDI MO SINASABI SA AKIN?!!" Sigaw ni Geli at napatingin tuloy sa amin yung buong klase.

"Sila?"

"Wow! Bilis ni Krisha ah."

"Grabe! Naunahan ako!"

"Kaya nga. Liligawan ko na si Renzo eh."

Comments ng mga kaklase ko. T_T

Namula naman ako doon. "Hi....hindi...kami!!" Nauutal kong sigaw sa kanya. Sa pangarap ko lang kami. Hahaha. "May...."

"May date kayo?" Tanong sa akin ni Geli sabay tingin kay Renzo. "Nililigawan mo ba bestfriend ko?" Tanong niya kay Renzo.

Natawa na lang si Renzo sa baluga kong bestfriend.

"Ano ba, Katarina! Hindi niya ako nililigawan at hindi kami magdadate!" Reklamo ko.

"So ikaw ung nanliligaw?" Tanong ni Geli na natatawa na dahil sa sobrang pula ko.

"Hinde ah!" Irita kong sabi.

"Tuturuan niya lang ako---" Pinutol na naman ni Geli yung sasabihin ni Renzo.

Bastos talaga si Katarina! Hindi man lang kami pinapatapos sa sasabihin namin eh.

"Tuturuan ka niyang magmahal ulit?" Tanong ni Geli habang nakangiti ng nakakaloko.

"Baliw ka talaga, Katarina! Tuturuan ko siya sa mga namiss niyang lessons!" Inis kong paliwanag at magsasalita na sana siya kaso pinigilan ko. "Hep hep hep! Wag ka na sumagot ayaw ko ng mga nalabas diyan sa bibig mo." Inis na sabi ko.

Natawa naman si Renzo doon sa sinabi ko. Para kasi kaming tanga ni Geli eh. Hahaha.

"Una na kami." Paalam ni Renzo kay Geli na nakangiti pa rin hanggang ngayon ng nakakaloko.

"Sure. Enjoy your---" Geli.

"Shut up, Katarina!" Ako. -_-

"I'm just saying enjoy your make out-- este make up class pala. Sorry!" Geli with wagas ng ngiti. Tsss. Sinasadya naman niya eh. Baliw.

"Tigil tigilan mo ako." Bulong ko sa kanya.

Nauna na ng lumabas si Renzo sa akin. Pero bago ako makalabas ng pinto tiningnan ko ulit ang aking balugang bestfriend gamit ang patay-ka-sa-akin-mamaya-look. Ginantihan naman niya ako ng whatever-enjoy-ka-look. -_-

*end of flashback*

"Ang dali naman niyan. Edi 9." Bored na sagot niya habang nakahalumbaba.

WAAAAAHH! Nabobored siya! Boring ba akong kausap? Wag kang feeler Krisha! Sa subject lang siya nabobored kasi kanina mo pa tinuturo ang math. Ano yan? Walang kasawaan lang sa math subject? T_T

My Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon