Chapter 01: New Seating Arrangement
2nd day...
Absent pa din si crush. Huhuhu. Wawa naman siya. Tapos yung bruhilda niyang ex girlfriend may iba na. Landee lang ni Ate. Hahaha.
3rd day...
Absent na naman siya. Boreng tuloy. Ayoko na ata pumasok. LOL. Katamad na eh. Wala naman si crush. :'(
4th day.....
"New seating arrang---" Naputol yung announcement ni miss ng pumasok si Renzo sa room ng nakashades pa.
Ang gwapo gwapo niya talaga! Kilig vibes na naman ako!
"Mr. Gyo, could you remove your shades?" Sabi ni miss.
"Bawal po, Miss." He answered sabay bigay sa akin nung pass niya at ako yung secretary ng klase.
Late kasi siya ngayon at absent for three and a half days at late siya ng thirty minutes and ten seconds. Naks naman! Bilang ko talaga noh? Hahaha. Kinuha ko naman ung pass niya at nirecord doon sa classlist.
"Do you have an excuse for wearing that?" Tanong ni miss.
"Yeah. Here's the pass." He said at kinuha niya ulit sa akin yung pass tapos pinakita kay miss at inabot na ulit sa akin.
At kinilig lang ako kasi natouch ko yung kamay niya nung inaabot niya ulit sa akin yung pass. Waaaah! Kilig lang ako. Hahahaha. Aksidente lang yun. Joke. Sinasadya ko talaga yun. Hahaha. ^_^
"Okay. As I was saying, new seating arrangement tayo...." Miss.
"Anong nangyari kay Renzo?"
"Break na ata sila ni Danna eh."
"Ehh? Dapat kasi ako na lang."
"Ay landi lang! Tigilan niyo nga BH pa yun."
"Kung ako yung girlfriend, hindi ko na siya pakakawalan pa."
Masamang utak ko: Sorry na lang kayo mga teh dahil hindi kayo yung girlfriend. *insert evil laugh*
Kontrabidang utak ko: Ikaw ba yung girlfriend?
Buwiset na kontrabidang utak na ito. Kainis kailangan pa ba talaga ako ipahiya? Alam ko namang hindi ako yung girlfriend niya at magiging girlfriend pa lang eh. Heheh. Kapal muks ko talaga. -_-
"Class, are you listening? Especially girls."
Napatingin naman kaming ibang mga girls at ilang boys na hindi alam kung boys ba talaga kay miss at yung mga tunay na boys ay nakatayo na sa likod pati yung ibang girls. Busy kasi sa pagtsitsimisan yung ibang nakaupo tungkol kay Renzo at yung iba busy sa pag daday dream tungkol kay Renzo kasama na ako doon. Hahaha.
"I said go and stand at the back." She repeated her instruction at sumundo naman agad kami. Baka magalit pa yang si miss eh ilang oras na sermon pa man din yan. Lol.
"Day dreaming na naman teh?" Natatawang bulong sa akin ni Geli.
"Whatever." Ako.
"Iniisip mo na naman ang future niyo ni Renzo noh. Ngayon pa at break na sila ni miss top 1 na malandi. Chance mo na ito! Sunggaban mo na si Renzo."
"Sira! Tumahimik ka na nga! Magalit pa si Ma'am sa atin." Natatawa kong sabi.
Mga nalalaman ng bestfriend ko. Baliw talaga eh! Hahaha. Tumawa lang siya doon sa sinabi ko.
Tawag lang naman ng tawag si miss ng mga kaklase kong magkakatabi. Hindi ko alam kung paano niya inayos yang seating arrangement na yan. Hanggang sa nung nasa unahan na kami ng line five at line six....
BINABASA MO ANG
My Rebound Girl
RomanceNagbreak na sila....YEHEY! Tagal ko kayang pinangarap mangyari yun. I am Krisha Maurine Yoon, ang babaeng baliw kay Lorenzo Earl Gyo and I am willing to spend my one month with him as his rebound girlfriend...