Sin Cabeza

171 5 2
                                    

Book cover was made by my Unnie @yoursuperheroine <3 


 ***************

Ang saya-saya talaga ng araw ko na ito kasi first year anniversary namin ng boyfriend ko ngayon. Masaya ako kasi tumagal kami ng ganito kahit pa parang napakarami naming pinagdaanang pagsubok before. Nanood kami ng concert ng Cn Blue kasi fan na fan nila ako. Natutuwa nga ako sa boyfriend ko eh kasi grabe kahit ayaw niya sa kpop nag effort pa rin siyang pumunta dun sa concert ng Cn blue para lang makasama ako. Wala na akong hahanapin at hihilingin pa sa kaniya kasi nasa kanya na ata lahat ng gusto ko sa isang lalaki. 

2:00 am na ng madaling araw ng matapos yung concert. Sobrang di pa rin ako maka-move on sa nangyari kasi parang lahat panaginip lang. 

"Mahal, Sure ka ba na ayaw mo ng magpahatid? " Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak. Grabe wala ata siyang balak bitawan yung kamay ko kahit pa pasmado ako.

"Mahal, malaki na ko kaya huwag ka ng mag-alala sa akin. Maa-out of the way ka kapag hinatid mo pa ako. Anong oras ka na rin makakauwi niyan kaya huwag mo na ako ihatid" 

"Edi sa dorm mo ako matutulog" kasabay ng pag-kindat niya sa akin. Pinalo ko siya ng mahina habang medyo napatawa ako "Sira! Edi napagalitan tayo ng mga dorm mates ko. Alam mo naman na bawal lalaki sa dorm namin diba?"

"Oo na, sige na... pero sure ka ah? " 

"Opo S-U-R-E. yan ah Inispell ko pa. Sapat na saken yung napasaya mo ako ng buong araw. Salamat kasi sa wakas nakita ko na sa personal yung Cn Blue" 

"Syempre, mahal kita eh."

Niyakap ko siya at sinabihan ng I love you.

Hinalikan naman niya ako sa noo at sinabihan ng "I love you too!" Pagkatapos ng sweet moment namin na iyon pumara na ng taxi si Rj. May huminto na taxi sa harap namin.

"Kuya, pakihatid at pakiingatan po yung girlfriend ko"

"Ay naku! Kayo talagang mga kabataan." tumawa si manong driver at uminom ng tubig sa jag niya na kulay black. "Wag kang mag-alala iingatan ko yang girl friend mo. Ganyan din ako dati sa mga nagiging girlfriends ko eh" Sabay silang tumawa ni Rj.

Hinawakan niya ako sa shoulders at hinalikan ulit sa noo "Happy anniversary ulit mahal. Mag-ingat ka" pagkatapos ay niyakap at kiniss niya ako sa lips. 

"Mahal kita" 

"Mas Mahal kita. Sige na pumasok ka na sa loob ng taxi. " Sumunod naman na ako sa kanya at pumasok na ako sa loob ng Taxi.

Nagsimula na si manong driver na paandarin yung sasakyan..

Infairness nakakatuwa si manong driver. Medyo may pagkatsismoso siya kasi tanong siya ng tanong tungkol sa amin ni Rj. Siya yung klase ng taxi driver na mawiwili ka talaga at hindi mabobored kasi masiglahin at palatawa siya.

"Iha, Virgin ka pa ba ? " Nagulat ako sa biglang tanong sa akin ni manong pero syempre hindi ko nalang pinahalata sa kanya.

"Po? " Hanggang maaari sunubukan kong gawing normal yung tono ng boses ko para hindi niya mahalata na kinakabahan ako. 

"May nangyari na ba sa inyo ng boyfriend mo? " Tumaas lahat ng buhok ko sa katawan. Natatakot ako lalo na ngayon na sobrang taas ng rape and crime rate sa Pilipinas. 

"Ano ba naman pong klaseng tanong yan! Syempre po wala po kasi college palang po kami... atsaka wala pa po sa plano namin gumawa ng pamilya " Tumawa pa ako ng medyo pilit para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.

Tumawa din siya ng saglit. Maya maya nagkakatitigan kami ni manong dun sa salamin sa harap niya. Matagal tagal na titigan yung nangyari. Una nakangiti siya pero ilang segundo pa ay bigla ng sumeryoso yung mukha niya at tumingin na ulit siya sa kalye. Kabadong kabado na ako sa mga nangyayari. Malakas ang tibok ng puso ko isama mo pa yung pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan at yung malamig na hangin na nararamdaman ko na dumadampi sa balat ko. Alam kong malamig dahil may aircon yung taxi pero yung lamig na nararamdaman ko ay parang galing sa labas na mukhang imposible naman dahil nakasarado yung mga bintana.

Dahil nagtataka pa rin ako kung saan nanggagaling yung hangin na nararamdaman kong dumadampi sa katawan ko tumingin ako sa bintana at nagulat ako sa nakita ko.

"Teka, manong hindi po ito yung daan papunta sa dorm ko" Natatarantang sabi ko pero hindi pa rin niya ako pinapakinggan. "Manong saan niyo po ba ako dadalhin? " Sigaw na ako ng sigaw dahil sa sobrang takot ko. 

"Kuya!! Ano ba! Pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo! "

"Wag kang maingay diyan. " Sigaw naman niya

Naiiyak na ako ..  Rj tulungan mo ko. "RJ! Mama! Papa! Tulungan niyo ko. Huhuhu please!" Sigaw ako ng sigaw sa loob ng taxi kasi sobrang bilis ng patakbo ni manong driver sa taxi plus ibang daan na yung dinadaanan namin. 

Maya maya napatingin ako sa dinadaanan namin, pabalik na ito sa routa na papunta ng dorm ko. Natigil na ako sa pag iyak pero sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Tumigil na yung taxi ni manong sa may tapat ng dorm namin dahil yun yung address na binigay sa kanya ni RJ kanina bago pa ako sumakay ng taxi at halos mag 3:00 am na rin yun.

Binilisan ko yung pagbaba ko sa taxi, sinubukan kong maglakad ng mabilis kahit pa hirap na hirap at hinang-hina na yung mga paa ko. Kahit pa hirap na hirap na ako sinubukan kong tumakbo ng mabilis lalo na nung makita kong bumaba si manong driver sa taxi.

"Neng, pasensya ka na kung natakot kita" Sinubukan niyang lumapit sa akin pero lumayo ako agad habang iyak ako ng iyak. 

"Bakit niyo po *hik* ginawa yun?"

"Neng, pagkapasok na pagkapasok mo sa dorm mo. Agad mong itapon o kaya ay sunugin yang suot mong damit" 

"Ano pong ibig niyong sabihin?" kasabay ng pagpunas ko sa mga luha ko. Ang weird naman niya. Tinakot na niya ko kanina kasi akala ko kikidnapin niya ko tapos ngayon naman gusto niya sunugin ko yung t-shirt ko na regalo pa saken ng boyfriend ko last monthsary namin .

"Iniba ko yung ruta na dinaanan natin kanina para makaiwas sa Aksidente lalo na't nangako ako sa nobyo mo na ihahatid kita dito sa bahay mo ng maayos. Kung ayaw mong may mangyari sayong masama o kaya sa mga taong mahal mo sunugin mo na yang damit mo"

"Hindi ko po kayo maintindi----" 

"Iniba ko ang routa na dinaanan natin kanina para makaiwas sa aksidente. Kasi kanina nakita ko sa Salamin na...

WALA KANG ULO"

*********************************

Hahahah! Okay! Medyo Trying hard itong HORROR kuno na Story ko :) Wahahaha. Btw, Sin cabeza means Headless. :)

[REPOSTED]

-Aug 18, 2013

One Shots (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon