Choosy ang pagmamahal ko! (REPOSTED)

29 0 0
                                    

Ever since naka set na ang standard ko na dapat ay ang mapangasawa ko ay hindi liliit ng 6 flat ang height, gwapo, matangos ang ilong, may perfect set of teeth, mabango at syempre yung pwedeng maging model ng Bench, Penshoppe o kaya ng Human. Naniniwala kasi ako na isa akong prinsesa at isang gwapong prinsipe ang nakatadhana sa akin. Kaya siguro walang nagtatagal na lalaki sa akin kasi maarte ako.

Naalala ko pa nung college ako..

"Kelsi, andyan na naman yung manliligaw mong nerd" Tumingin ako sa pintuan ng classroom namin at bumungad na kagad saken yung malalaki niyang salamin pati yung brace niya na malalaki sa ngipin niyang malalaki rin na parang pang rabbit. Ilang beses ko na siyang binasted at inayawan pero hindi ko talaga mawari kung bakit papansin pa rin siya ng papansin.

"Hayaan mo siya" Sabi ko kay Aliyah, pagkatapos ay tinuon ko na ulit yung pansin ko sa research paper na pinapagawa samen ng professor namin sa Economics.

"Para kang ewan. Kawawa naman yung tao oh."

"Kung gusto mo edi ikaw magpaligaw sakanya" pairap kong sabi kay Aliyah.

"Asa! Pagpapalit ko pa ba yung boyfriend ko sa tulad niya? Ay teka, Aattend ka ba ng practice mamaya? Absent ka kahapon pag di ka umattend mamaya baka masermunan ka na ni coach niyan. Palaging absent yung mvp ng campus"

"Aattend ako mamaya wag kang magulo diyan"

Natapos yung klase ko ng buong araw kaya dumiretso na ako sa gym dahil volleyball player ako at captain ball din ako ng team namin at nagpreprepare na kami para sa magiging international collegiate tournament. Kailangang ma-maintain pa rin namin yung pagiging 3 times championship holder namin.

Napatigil ako sa paglalakad ng bigla akong harangin ni Nerd.

"Bakit?" Masungit na sabi ko sa kanya.

"A-ayaw m-mo ba t-talaga saken?" Nauutal niyang sabi na para bang anong oras ay iiyak na sa harapan ko

Bumuntong hininga ako at tinignan siya ng mabuti sa mata "Leo, Gusto kita pero hanggang kaibigan lang yun wala ng iba"

Dati hindi naman siya papansin sa akin pero nung naging ka groupmate ko siya last semester sa isang project namin sa Economics naging ganyan na siya saken. Naging nakakairita na lahat ng ginagawa niya. Yung pagbibigay niya ng bulaklak, ng teddy bear pati ng chocolate. Lahat yun nakakadiring tanggapin pero dahil naaawa ako sa kanya wala akong magawa kundi tanggapin nalang.

"Bakit? Dahil ba hindi ako gwapo?" sabi niya. Nakita ko yung gilid ng mga mata niya na mukhang malapit ng umiyak.

"Gusto mo malaman yung totoo? Oo. Panget ka sa paningin ko. Naiirita ako sayo tuwing ngingiti ka saken dahil diyan sa mga braces mo na yan. Naiirita ako kasi pa-cute ka ng pa cute eh hindi ka nga cute sa paningin ko. Naiirita ako sa kakasunod mo sa akin. Hindi ba malinaw Leo. Ayoko sayo! Choosy ako, maganda ako para pumatol lang sa gaya mo. Atsaka may boyfriend na ako. Kaya tama na please?"

Totoo may boyfriend na ako. Nung isang araw ko lang siya sinagot. Varsity player siya ng school namin. Isa siya sa pinakaheartthrob ng campus dahil bukod sa gwapo at matangkad siya matalino at mayaman din ang pamilya nila.

Nakita kong pinunasan niya yung luha na tumulo sa kanang mata niya. Tumingin siya sa akin "Ganyan ka palang klase ng tao. Ngayon ko lang narealize kung gaano ko sinayang yung mga oras at panahon na gumagawa ako ng effort para mapansin at mahalin mo rin ako"

"Ngayon alam mo na, kaya sana layuan mo na ako. Ligawan mo ko pag pasok ka na sa standards ko"

Ngumisi siya "Hindi mo alam kung ano ang tunay na kahulugan ng pag ibig Kelsi. Darating yung panahon na pati ang pinaka panget at nakakadiring tao sa mundo mamahalin mo"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na siya palayo sa akin. Medyo nagsisi ako na sinabi ko sa kanya yun. Pero mabuti na rin yun para mabawasan naman yung umaaligid sa akin.

**

Lumipas ang dalawang linggo na walang Leo na umaaligid sa akin. Natapos ang training ng saktong 7:00pm sharp. Pagkalabas ko ng campus nakita ko si Troy na nag aabang sa akin. Siya yung boyfriend ko.

"Hi Hon" Hahalikan dapat niya ako pero umiwas ako

"Pagod ka?" Tanong ulit niya sa akin pero hindi ako sumagot at nagpatuloy lang ako sa paglalakad

"Gusto mo kumain? Tara kain muna tayo sa may lugawan sa kanto" Hinawakan niya yung kamay ko pero binitawan ko yung kamay niya

"Troy, let's break up"

Tumawa siya "Is that a joke Kelsi?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Pero bakit? Hindi pa nga tayo umaabot ng isang buwan oh"

"Ayoko lang sayo"

"Yun na yun? Yun lang yung sasabihin mo? After kong manligaw sayo for almost 4 months?" Galit na sabi niya

Hindi ako nagsalita.

Sinabunutan niya yung sarili niya  "Fine! Let's end it here" pagkatapos ay lumakad na siya palayo sa akin.

Mahal ko si Troy. Pero madalas ko kasing maamoy yung mabaho niyang kili kili after ng practice nila ng basketball. Ang awkard naman kung ang bango bango ko tas siya ubod ng baho. Gwapo nga ang baho naman. Turn off diba?

**

"Kelsi Honey pie" Napalingon ako ng makita ko ang boyfriend ko ngayon. Siya na ata ang pinakagwapo sa paningin ko. Siya ang masasabi kong prinsipe ko. Ako ang Beauty at siya ang Beast. Kasi kung sa definition ng panget ay pasok na pasok siya dun. 5'2 lang height niya. Malaki mata niya at hindi rin nakakainlove ang itsura niya pero hindi ko alam kung bakit umabot kami ng 4 years. Ginayuma niya ata ako.

"Hi Joey honey"

Totoo nga siguro  yun na kahit gaano kataas ang standards mo sa isang tao. Basta tinamaan ka ng pana ni kupido mamahalin at mamahalin mo kahit na marami pa siyang imperfections.

Niyakap niya ako , niyakap ko rin naman siya pabalik.

Ngumiti siya sa akin

"Honey, hindi ka na naman nag toothbrush no? Niregaluhan naman kita ng isang karton ng toothpaste nung monthsary natin ha? "

Mukhang nagulat siya sa tanong ko pero ngumiti pa rin siya sa akin.

Medyo nandiri ako dahil hindi ko mawari kung bakit siya pa nakatuluyan ko. Totoo nga siguro ang karma.

Ngumiti siya sa akin "Ikaw talaga. Kiss mo na nga lang ako" Pagkatapos ay nagkiss kaming dalawa.

Yung ulam nila kahapon ng tanghali na malunggay nakaipit pa sa gilid ng ngipin niya.

****************

MAY LAGNAT AKO MULA NUNG FRIDAY HANGGANG KANINA. NGAYON KO LANG NAISIPAN TONG STORY NA TO. SORRY ALAM KONG WALANG SENSE TO :(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shots (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon