Thank you Dad!

45 1 0
                                    

My hatest part of the day? Yung 'wake up portion'. Bakit? Dahil dito!

"Gising na! Tanghali na!!" Tumingin ako sa orasan namin at napailing nalang ako . Paano ba naman kasi mag 7:00 am palang. Define Tanghali : 11-12:00 dapat yun diba? 

"Ano ba yan pa! Yan ka na naman eh. Ang aga aga pa oh" Napaupo nalang ako sa kama ko. Ano nga ba magagawa ko diba? Mas lalo lang magsesermon yan

"BUMANGON NA! MAGLINIS NA KAYO ANG MGA TAONG..." Maaga nagigising ay may malaking posibilidad na umasenso sa buhay. Hindi kayo anak ng mayaman kaya dapat gumising ng maaga.

See? Kabisado ko na sinasabi ni papa. Sa araw araw ba naman na gigising ko yan kagad pambungad niya sa akin. Hindi ko na nga kailangan ng alarm clock eh, boses palang niya sobra sobra na. 

Kaya naman, No choice! Bumangon na ako ng kama at niligpit yung pinaghigaan ko. SI Ate naman tulog pa rin. Naiinggit nga ako sa kanya, buti pa siya nakakaya niyang ipagpatuloy yung tulog niya kahit ang dak-dak ni papa. Naghilamos na ako ng mukha pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at nagsimulang maglinis.Nakakairita nga si papa eh. Halos lahat ng kilos napapansin niya. Nakakatatlong beses akong walis ng sahig kasi onting alikabok lang pinapawalis na niya ulit.Ginawa ko lang naman yung usual routine ko sa araw-araw. Gigising ng maaga dahil sa malakas na pagbubunganga ni papa na dinaig pa si mama, Maglilinis, Tutulong kay papa na magluto tapos magbibihis at maghanda para sa pagpasok ko ng school. 

Humarap ako sa salamin at nakita kong may mantsa pala sa suot kong uniform maliit lang kaya di kapansin pansin. Parang elementary student tuloy ako. Sinuklayan ko yung hanggang bewang na straight na buhok ko at tinitigan ko rin yung mukha ko buti nalang nawala na yung pimples ko sa ilong. 

Kahit 12:40pm pa pasok ko pumapasok ako ng maaga , ayoko sa bahay lalo na pag nandun si papa. Hi lang kami nagkakasundo eh. Utos dito, Utos doon. Gawin mo yun, Gawin mo ito. Sinong hindi maiirita? 

"Uy Joy, aga nating pumasok ah?" Napalingon ako sa likod ng nagsalita. Si Sandra kasama si Lester. Kaklase ko sila pareho. Close kami hindi yung to the point na sumasama ako sa mga gala gala namin. Hindi ako masyado nagsasama kung kani-kanino sabi kasi ni Papa, wag daw akong magbarkada. Pag-aaral lang daw atupagin ko. Parang di niya naranasan maging highschool. 

"Gumaganda ka , Joy ah? " Nambola na naman itong lalaking ito .

"Nag-jojoke ka? " Sarcastic na sagot ko kay Lester napangiwi nalang kesa sumagot saken pabalik. . "Joy, sama ka nga pala samen bukas ng gabi, Friday naman na ngayon" Pag-iiba ni Sandra ng usapan. "Saan?" Pagtatanong ko sa kanya.  "Birthday ni Dapu" , sagot naman niya saken. Si Dapu? Yung kaklase kong lalaki na napakabuly sa room. For sure, may inuman yun.

"Hindi ko lang sure. Baka kasi di ako payagan ni papa eh " KJ pa naman si papa. Kailangan bago niya ako payagan umiyak muna ako ng dugo.  "Ano ba naman yan! Since 1st year tayo hanggang ngayong graduating na tayo napaka strict pa rin niyang Erpats mo. Nakakairita! Ikaw naman yung pupunta ng party eh bakit kailangan mo pang mag paalam?" Sabat ni Lester.

"Oo nga naman Joy! I-enjoy mo naman ang highschoo llife mo. Pag grumaduate na tayo wala na itong mga ganito. Wag naman puro libro yang atupagin mo" Pag sang ayon ni Sandra kay Lester.

Anong sasabihin ko sa kanila? "Ehh? Hindi ko lang alam... " Hindi na natuloy yung pagsasalita ko ng magsalita ulit si Sandra "Ipapaalam ka nalang ng barkada bukas . Okay ba?" ngumiti naman siya saken. Phew! Ano pa bang magagawa ko? Tumango nalang ako. 

One Shots (Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon