Chapter 2

47 0 0
                                    

Chapter two

 NASA kwarto niya sila dahil naka-jogging pants dahil galing training nahiga siya kaagad.

“Pare! Bumangon ka muna dyan.”

            Pagod siya, masakit ang katawan at parang lalagnatin ang kaso ay naka-oo na siya dito. Umungol lang siya.

“Lee… Lee… Lee!”

“Hmmm…”

“Lee, okay ka lang?”

“Hmmm…”

“May masakit ba sayo? Anong masakit sayo?”

“Andrew…”

“Nandito ako…  bakit anong masakit sayo?”

“Oo…”

“Anong oo?! May masakit sayo? Ano?” tanong ni Andrew na nagpapanic na.

            Hindi alam ni Andrew kung ano ang gagawin niya. Hinawakan niya ito sa kamay at mainit ang palad nito. Hinipo niya at dinama ang noo. Mainit nga ito. May lagnat ito.

            Nagtataka siya kung bakit wala ang mommy nito. May nakita siyang note sa ibabaw ng mesa. “Lee, magbabayad lang si mommy ng bills. Mommy.” Naghanap siya ng paracetamol sa medicine cabinet.

            Kumuha siya ng isang basong tubig at tabo na may maligamgam at isang bimpo. Agad siyang nagpunta sa silid ni Lee.

“Lee may lagnat ka. Inom ka muna ng gamut ha?..”

            Tinulungan niyang maupo si Lee. Inilagay niya ang gamut malapit sa may labi nito at pinainom niya ng tubig. Pagkatapos ay inihiga uli ito at nilagyan ng bimpo sa noo.

            Tinignan niya ang kabuuan ng silid. Basketball, soccer ball, baseball cap, robots.  Puro panlalaki ang mga nasa loob ng silid ni Lee. Parang lalaki talaga ito.

“Iron man, Lee, akala ko hindi ka tinatamaan ng sakit.”

“Hmmm…”

“Easy lang… gagaling ka din.”

            Hinubad niya and rubber shoes nito at socks para naman maginhawaan ito. Inayos niya ang unan sa ulo nito para naman komportable ang pagkakahiga nito. Hihintayin na lang siguro niyong dumating ang mommy nito. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

            Isang mahinang tapik sa balikat ang nakapagpagising kay Andrew.

“Hijo, bakit nandito ka sa kwarto ng anak ko at natutulog? Anong nangyari sa anak ko? Anong ginawa mo?”

“Tita, kasi magpapaturo sana ako sa math ang kaso po pagdating namin ay nahiga siya at nakatulog. Nalaman ko na lang po eh, may lagnat na siya. Pinainom ko po siya ng paracetamol at nilagyan sa noon ng maligamgam na tubig.”

“Salamat, Andrew… naabala ka pa.”

“Hindi ho. Ayos lang po.”

“Dito ka na maghapunan, Andrew.”

“Salamat na lang po, Tita, pero hinihintay din po ako ng mama, sa bahay.”

“Ganon ba? Anyway, thank you for looking after my daughter while I was not around.”

“You’re welcome, Tita.”

          KINABUKASAN hindi pumasok si Lee. Kaya sila Tim ang kumakain.

“Pare, I am really worried about Lee. Malinaw na ang nararamdaman ko para sa kanya.” Pahayag ni Tim

“Then court her, pare.”

“I’m sure hindi siya papayag. But all I am asking is let me love her.”

            Nang mga oras na iyon ay biglang pumasok si Ziggy. ZIGGY MENDOZA the new student, transferee from another school.

“Pare, are you listening?”

“Sorry Tim… what are you saying?”

“Ah. Ziggy Mendoza the newbie.”

“I like her, pare.”

            Tumayo ang dalawang magkaibigan at lumapit sa babae.

BASTA PARA SAYO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon