CHAPTER 3-THE BEGINNING OF SOMETHING AMAZING

148 3 0
                                    

5pm na ako nakauwi ng bahay galing school. Alam kong sasabihin niyo na ang boring ng life ko kasi school at bahay lang ako. Yeah, you're right. Di talaga ako masyadong gumagala eh. Mas gugustuhin ko pang nakatambay lang dito sa bahay kaysa gumala, mapapagod lang kasi ako.

Pagdating ko sa bahay, agad kong hinanap si Mom. Pumasok ako sa kwarto niya, wala siya dun. Sa garden, wala din siya. Sa music room, wala din siya doon. Sa kitchen, si Manang lang nakita ko kaya tinanong ko nalang si Manang.

“Manang, saan pala si Mommy?”

“Umalis siya. Sabi din niya matatagalan daw siya umuwi,” sagot ni Manang saken habang naghuhugas ng pinggan.

“Aww… Ganon ba? Ano pala uulamin natin ngayong gabi Manang?”

“Sinigang, iho, kasi yon daw request mo sa Mom mo kaninang umaga,” nakasmile na sagot niya saken.

Pagkarinig ko na Sinigang yong uulamin namin, sobrang napasmile ako at naisip ko ako yong magluluto.

Ako nalang magluluto ngayon, Manang.”

“Wag na, iho, ako nalang.”

“Hindi, ako nalang kasi,” nakangiti ako kay Manang.

“Sige na nga lang. Tutulungan nalang kita sa paghanda ng lulutuin mo.”

“Okay po, Manang,” tapos hinug ko siya sa back niya.

Kinuha ko naman agad sa ref yong mga kailangan ko sa pagluto ng Sinigang.

----after 45 minutes----

“Kainan na!!” nakasmile na siniserve yong niluto ko sa dining table namin.

“Mukhang inspired ata to si bunso ah,” sabi ni Ate Aubrey saken habang papaupo na sa uupuan niya.

“Inspired talaga yan,” hirit naman ni Kuya Pete.

“So, tama pala yong narinig ko mula kay Sean na may nagugustuhan kang babae,” sabi naman ni Ate Aubrey.

“Mga chismoso’t chismoso talaga kayong dalawa. Buti p,a kumain nalang kayo sa napakasarap kong Sinigang.”

“Naglilihim na si bunso saten, Kuya Pete oh,” sabi ni Ate Aubrey.

“Hayaan na lang natin siya, nagbibinata na yan eh,” sabi naman ni Kuya Pete.

“Matagal na kayang binata tong alaga ko,” sabi naman ni Manang.

“Ewan ko sa inyo. Ako talaga lagi niyong pinagtitripan. Basta ako, kakain na ako,” umupo agad ako sa pwesto ko.

“Kuya, kailan ka pala babalik ng Taiwan?” tanong ko kay Kuya Pete habang kumakain.

“Next week na, pero babalik ako dito sa December,” sagot naman ni Kuya Pete saken.

“Eh ikaw, Ate, kailan ka na ba aalis dito sa bahay? Para naman tumahimik na buhay ko,” asar na tanong ko kay Ate Aubrey.

“Ayokong umalis dito kasi mamimiss kita, bunso,” kinurot niya ako bigla sa pisngi.

FROM A DISTANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon